P/S: Warning! Strong language. Also, some scenes might trigger your anxiety or depression so be careful when reading it. I'm not encouraging self-harm nor manipulation. Thank you for reading and keep safe!
Atty. Christine Villeza
"D-Don't do that, Charisse—!"
"HAHAHA!" isang malakas na pagtawa muli nito ang umalingawngaw sa buong kwarto habang iwinawagayway niya ang kutsilyo. "H'wag ka ngang feeling d'yan, Christine. Kung gusto ko magpakamatay ay matagal ko nang ginawa. At hinding hindi ko gagawin 'yon para lang sayo, gaga!"
Parang napawi lahat ng pag-aalala ko sa kaniya at agad na napalitan ng sarkastikong ngiti ang aking mukha. Kaunti na lang ay iisipin ko nang nasisiraan na siya ng bait. Ibinaba na ulit niya ang kutsilyo sa kaniyang tabi pagkatapos maghiwa ng mansanas. Nanatili lang akong nakatayo habang nakatitig sa kaniya.
"Gusto kong sabihin mo kung ano ang nangyari noong gabi ng krimen." sambit ko nang may diin at paninindigan habang nakatitig sa kaniya. Tinitigan lang niya ako at ngumisi.
Kaunti na lang ay sasabunutan ko na talaga ang babaeng 'to dahil sa pagkairita ko sa ngisi niya. Putang inang 'to!
Pero inisip ko, I need to pull this off for Sandoval's freedom. Kung hindi ko malalaman ang katotohanan ay baka unti-unti na kaming bulagin ng batas na sinasabi ng prosecution. I need to know the whole truth and nothing but the truth because that is what I deserve as Sandoval's attorney.
I need to defend him just to let him free.
"I guess I have the rights to not say anything to prevent myself from self-incrimination." she said and bit some of her apple. "Besides, I don't have a lawyer yet to speak with you, fucking Attorney Christine."
Umiling-iling ako dahil sa pagkadismaya. Mukhang pahirapan pa ako sa bruhang ito. "So, hindi ka makikipag-tulungan sa amin?"
"Baka hindi pa ngayon. I'm not ready yet, Christine. H'wag mo nga akong pilitin." Kumagat muli ito nang mansanas niya at nagawa pa akong taasan ng kilay.
I noted the words that she said, 'Baka hindi pa ngayon'. It does mean that we can still get her to side with us. I just need a little more convincing. Kung hindi pa ngayon, kailan pa?
"Alam mo bang nasa kulungan ngayon si Anthony? Nawalan siya ng kalayaan dahil sa mga ibinibintang sa kaniya ng mga magulang mo!" Bahagya nang tumaas ang boses ko na ikinatigil naman niya sa pagnguya.
Tinitigan ako nito sa mata nang seryoso. "Kasalanan ko? Ako ba ang nagsampa ng kaso?"
Napakamot ako sa aking tainga dahil sa inis. "Hindi mo pa kasalanan ngayon, Charisse. Pero siguro, kung patatagalin mo pa ang pakikipag-cooperate sa amin ay baka kailangan mo nang sisihin ang sarili mo. Alam kong may alam ka! Nandoon ka mismo sa pinangyarihan ng krimen!"
Mukhang wala ang mga nagbabantay sa labas dahil wala namang pumapasok dito para awatin ako sa pagsigaw. Mas mabuti nang gano'n dahil hindi ko pa tapos sabihin kay Charisse lahat ng hinanakit ko. Tinitigan lang ako nitong si Charisse kaya gano'n na rin ang ginawa ko.
"Tama ka naman d'yan." she replied, calmly. Hindi na katulad kanina na may halong pagsusungit at pagsasawalang-bahala ang mga sagot niya. "May alam nga ako sa nangyaring krimen. Actually, alam ko lahat."
"Kung alam mo lahat, may kasalanan ba si Anthony para pagdusahan niya lahat ng paghihirap ngayon?"
Dahil sa aking sinabi ay napatitig siya sa kalayuan, kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. Ako naman ay hindi nagpakita ng kahinaan at hinayaan na lang siyang umiyak. "Ano, Charisse? Hindi ka sasagot? Kargo de konsensya mo kung hindi mo siya tutulungang makalabas!"
"Walang kasalanan si Anthony!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito at tumingin sa akin. "Wala na akong ibang masasabi pa, Christine. I was meant for the damn prosecution!"
Pinunasan nito ang mga tumulong luha niya samantalang ako ay nanatiling nakatitig sa kaniya. I knew it. Walang kasalanan si Sandoval pero lahat ng ebidensya ay nakatutok sa kaniya. Napakunot naman ang aking noo sa huling sinabi ni Charisse. "Meant for the prosecution?"
Tumango ito't pinunasan ang kaniyang mukha. "May nauna na sayo rito kanina. He's tall and handsome, but he's giving me cold chills and dark expression. Hindi ko alam kung sino siya pero ang sabi niya sa'kin ay kakasuhan niya ako kapag hindi ako tumestigo laban kay Anthony."
Mukhang si Prosecutor Dark ang tinutukoy nitong nauna sa'kin na dumalaw kay Charisse. "Kakasuhan ka niya? Ng ano raw?"
"Contempt of court." she simply said and heaved a heavy sigh.
Napakamot naman ako sa aking noo dahil sa kaniyang sinabi. "Nagsisinungaling lang siya, Charisse. You can only be sued with contempt of court if you engaged in any behavior that is disrespectful to the court process. Wala naman siyang dalang subpoena o court order na kailangan mong tumestigo, tama?"
She shook her head and smiled bitterly. "Wala."
"Dahil wala namang inutos ang korte, pwede kang tumanggi sa inaalok nila. But since you are the lay witness, I'm pretty sure that your lawyer will deliver you the subpoena that says you need to attend the court trial. Kailangang-kailangan ka sa kasong ito. Nasa sa'yo na 'yan kung kanino ka papanig. Sa prosecution o sa amin. . . sa defense."
Tiningnan niya lang ako at ngumiti. "I'm still undecided, Christine. Let me talk to my lawyer first before giving you the answer. Hindi pa ako handa."
"Take your time, Charisse. But remember that we only have one week until the last trial. Mahaba-haba rin kasi ang panahon na na-comatose ka. . . mabuti na lang at nagising ka bago pa makulong si Anthony sa kasong hindi naman niya ginawa. We can't save him if we only have circumstancial evidence. We need you, Charisse."
Napangiti ito sa aking sinabi at tumingin muli sa malayo upang mag-isip. "You need me, Christine. . . Sasabihin din kaya 'yan ni Anthony sa akin balang araw?"
"If Anthony's here, he would have said that already to you. Gusto niyang makalaya, Charisse. Kailangan niyang makalaya." Ngumiti ako nang mapait nang magtagpo ang mga mata namin. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko bago pa niya ako kaawaan.
"Gusto niyang makalaya dahil sayo, Christine."
Natigil ako sa pagsasalita nang sabihin 'yon ni Charisse. Tinitigan niya lang ako't mapait na ngumiti. "Alam kong alam mo 'yan. Hindi rin ako tanga dahil alam ko kung ano ang pinunta mo rito bukod sa kausapin ako bukod sa kaso."
Dahil nasabi niya na rin naman ay napangisi ako sa kaniyang sinabi. Suminghot muna ako ng sipon dahil alam kong hindi na tutuloy ang pagluha ko. "Balak mo na bang bawiin si Anthony?"
She chuckled and put the apple that she's been holding on the table. "Bawiin? Bakit, napunta ba sayo?"
Ako naman ngayon ang bahagyang natawa dahil sa kaniyang itinanong. Napaisip ako at nginitian na lang siya. "Kung itanong ko kaya 'yan sayo, Charisse. . . Napunta ba sayo si Anthony?"
Nakita kong nagbago ang hitsura nito't parang nagalit sa aking sinabi. Well, she should be! Ang lakas ng loob niyang tarayan ako. Kung hindi lang talaga namin siya kailangan sa defense, malamang nasabunutan ko na 'to.
"As to my knowledge, yes, napunta siya sa'kin." she affirmed and smirked. "Actually, the wedding is supposed to be—!"
"You mean, the arranged marriage?" I chuckled while asking her. "Maybe you shouldn't use the words 'napunta sayo'. We can use 'napilitan sayo', instead. Pinakasal lang siya sayo para mabayaran ang mga pinagkakautangan niya."
"That's not true!"
"Pero si Anthony mismo ang nagsabi sa'kin, Charisse." I smiled bitterly. "Why don't you ask your anonymous half-brother? Yung buhay pa ah, though, we don't know his name. Si John kasi ay patay na." pang-aasar ko pa.
"Don't include my half-brothers here!"
"And don't deny the issue, dear!" sigaw ko rin pabalik. "Pumayag siyang ikasal sayo para mabayaran ang mga utang niya! Oh—wait, no. Pinilit siyang ikasal sayo!"
"NO!" Bumuhos ang luha nito kasabay ng bahagyang paghikbi. "YOU'RE LYING, YOU DUMB BITCH!"
Kitang-kita sa mukha niya na galit na galit na siya kaya mas lalo akong natawa nang malakas. "You can't do anything about us, Charisse. Akin lang si Anthony."
She shook her head and looked at me straight to the eye while crying. "No, Christine! Hindi mo makukuha sa'kin si Anthony!"
"Well," I flipped my hair and raised my eyebrows to tease her. "I just did. Habang tulog ka d'yan, unti-unti na kaming nagkabalikan ni Anthony. And guess what? AKIN LANG SIYA!"
Inayos ko ang tindig ko at akmang aalis na nang kwarto, pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay biglang nagsalita si Charisse. "OH, EDI SAYO NA, PUTANG INA KA!"
Napalingon ako sa kaniya't nagngitngit ang aking mga ngipin. The way she cursed at me makes me wanna pull her hair until she gets bald! "Thank you." I said with sarcasm. Nginisian ko lang siya at pinihit na ang doorknob ng pinto.
"Ito ang tatandaan mo, Christine." Inilaglag niya ang kutsilyo sa sahig dahilan para marinig ko ang pagkalansing nito sa tiles. Hindi ko siya nilingon pero pinakikinggan ko siya. "I love Anthony so much to the point that I could die for our relationship."
I saw her twitched her lips and smirked in my peripheral view. "Kung hindi lang din siya mapapasakin ulit, magpapakamatay muna ako bago niyo ako magamit sa kaso niya."