Atty. Christine Villeza
"Welcome back, Attorney Christine!" bati ni Doc Ivan pagpasok ko sa hospital nina Sandoval. Bahagya akong natawa sa kaniyang tinuran at ngumiti.
"Anong welcome back eh araw-araw naman akong pumupunta dito?" Inilapag ko muna ang mga gamit ko dito sa lobby area bago pumunta sa kwarto ni Jayron.
Nginitian lang ako ni Doc Ivan at bahagya akong tinitigan. "Welcome back dahil bumalik ka na! Yung dating Christine na palaging naiku-kwento sa amin ni Tita Maria at ni Jayron. Yung Christine na nakangiti at patuloy na lumalaban sa buhay."
Ngumiti ako rito't bahagyang tumango. "Isang buwan na rin, Doc. Salamat."
Ngumiti ito't tinapik ako sa balikat. "Walang anuman, Christine. Mauna na ako sayo." Umalis na ito sa salungat na direksyon sa tinatahak ko. After that, I also went to Jayron's room.
It has been month since I was clinically diagnosed here with depression. Dahil daw sa sunod-sunod na mental breakdown na nararanasan ko. I don't know why did that happen for I have Jelsey and my Mom with me. It just happened.
Siguro gano'n talaga. Walang makapagsasabi kung bigla ka na lang magbabago dahil unti-unti lang nila makikita ito. Once you have completely changed, they will either walk away from you, or heal with you. It's a matter of choice.
Actually, I almost dropped Sandoval's case. Mabuti na lang at napigilan ako nina Jelsey at Jeffrey. Hindi na rin kami masyadong nagkausap ni Sandoval dahil mas humigpit ang pagbabantay dito nang may magtangka sa buhay niya. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya dahil kung meron, hindi ko na alam kung paano pa ako makababangon sa pagkalugmok.
Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto ni Jayron ay nakita kong nagbabantay doon sina Agustus at mga kasamahan niya. Ngumiti ito't binati ako. Bahagya akong tumango at bumati rin. "Ang ganda niyo ngayon, Ma'am, ah?" papuri pa nito.
"Nako, h'wag mo 'kong bolahin, Agustus. Hindi pa ako sumu-sweldo."
Natawa lang ito sa aking tugon.
Nang pumasok na ako sa kwarto ay sinalubong agad ako ni Jayron ng masaya niyang ngiti at yakap. Mama also smiled at me. Kaming tatlo lang ang nandito sa loob ng kwarto ni Jayron. "Ang ganda mo, Ate, ah! Sa'n punta?"
I was wearing a formal, tight-fitted, red dress in my black coat. Nginitian ko lang ito't bahagyang tinapik ang kaniyang braso. "Pupuntahan ko ang Kuya Anthony mo, Jayron." Natatawa kong tugon.
"Magde-date po kayo?" bumungisngis ito't tumawa nang malakas. "Yieee! Magkaka-boyfriend na ulit si ate!"
"Hoy, tumahimik ka nga!" Tinakpan ko agad ang bibig nito habang tumatawa. "Mama, oh si Jayron nang-aasar!"
"Tumugil na kayo d'yan at nagkaka-asaran na kayo." nakangiting sambit ni Mama habang umiiling-iling. "Kumusta ka na, Anak? Sigurado ka nang babalik ka na sa trabaho mo?"
Napangiti ako sa pag-aalala ni Mama. Kahit kailan talaga'y maaalahanin siya magmula nang bumalik siya sa amin galing Dubai. "Ayos na ako, Ma. Tsaka kailangan ko nang bumalik dahil baka makulong na si Sandoval." natatawa kong sambit.
"Pero nandoon naman si Jelsey para humalili sayo. Magpahinga ka kaya muna, Anak."
"Fully recovered na raw po, Mama. H'wag na po kayo mag-alala dahil wala pong mangyayaring masama sa akin." Lumapit ako kay Mama at mahigpit siyang niyakap. "I love you, Mama."
"I love you too, Anak." Niyakap ako nito pabalik at hinalikan ako sa noo.
"Uy, Ate, congrats nga po pala ah! Idol talaga kita." Umayos ito ng pagkakaupo at kumagat sa mansanas na hawak niya.
Napangiti ako nang mapait at muling lumapit kay Jayron. "Salamat, Jayron." Hinawakan ko ang noo nito't hanaplos ang kaniyang ulo. He's still sweet at us even if he's like that. Well, the gentleness in him can't fade away.
Napansin siguro nito na lumungkot ang aking mga mata kaya napatingin ito sa akin. I can see it in his eyes. He realized something. "Ate. . . uhm, ilang beses ko na po nasabi 'yon sayo?"
His eyes were asking for something that I couldn't give. Certainty. Walang kasiguraduhan kung matatandaan niya na sinabi niya 'yon. Walang kasiguraduhan na maaalala niya ang mga nangyari na 'yon. "Maraming beses na. Pero salamat pa rin." Ngumiti ito't hinalikan siya sa noo.
"Nakapag-I Love You na po ba ako sayo, Ate?"
I smiled and chuckled bit.
"I love you, Ate Christine."
NANG MAKALABAS NA AKO ng hospital ay dumeretso agad ako sa aking kotse at nagpatakbo. Agad kong tinawagan si Jelsey para kumpirmahin kung nasaan siya. Luckily, the latter answered immediately. "Where are you?"
"Heading to SBS News, I'll drive Jeffrey to our destination."
Napangisi ako sa kaniyang sinabi. "Dati inis na inis ka sa Jeffrey na 'yan. Ngayon naging driver ka na?" pang-aasar ko pa. If I could see Jelsey right now, she must be rolling her eyes in irritation.
"Epal mo, Christine. Wala daw siyang kotse, na-impound."
I rolled my eyes and chuckled. "Naniwala ka naman?"
"Why not?" she argued.
"Bahala ka, haha!" Tiningnan ko ang aking kakaliwaan at napansing malapit na ako sa Pasig City police station. "By the way, nandito na ako, Jelsey. See you here."
Hindi ko na ito hinintay sumagot at pinatay agad ng tawag. I parked my car in front of the police station and went outside from it. Mainit talaga sa labas dahil alas-dies na ng umaga. Pumasok agad ako sa police station at pumunta sa front desk. "Attorney Christine?" bati ng isang babaeng pulis.
Ngumiti ako't bahagyang tumango. "Yes, I am. Where's Sandoval's room?" Balita ko kasi'y naiba na naman ang kwarto ni Sandoval kung saan ito naka-ditine.
"Sa may dulo po, bandang kaliwa." Iginiya nito ang kaniyang kamay na agad ko namang nasundan. Ngumiti ako sa kaniya't nagpasalamat. "OMG, pwede po munang magpa-picture, Ma'am?"
Napangiti ako't bahagyang tumango. Nang matapos na siya. . . o sila, dahil may mga sumama pa, na mag-picture ay dumeretso na ako sa kwarto ni Sandoval. As expected, it was secured and sound-proof. Pinapasok na ako ng mga pulis na nakabantay sa labas kaya nakita ko na rin sa wakas si Sandoval.
I shut the door first before I spoke to Sandoval. "What's with them? Hindi naman ako artista pero grabe nila ako pagkaguluhan." I flipped my hair and removed some strands in front of my face. Umupo ako sa tapat ng lamesa ni Sandoval at ipinatong ang ibang dokumento sa lamesa.
Sandoval kept his wide smile across his face. Sumandal ito sa kaniyang upuan at ipinag-krus ang kaniyang braso. "I once requested to put red carpet for you but they reclined it. Sayang. Bagay pa naman d'yan sa red dress mo."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi, pero nang ngumisi ito ay binawi ko agad ang aking ngiti. Baka nang-aasar lang. Sarap talaga upakan ng isang 'to. "Tumahimik ka nga d'yan. Natigang ka na ba't puro ka pambobola ngayon ah?"
"Slight." I heard him chuckle. "I miss you, Attorney." Lumapit ito't hinawakan ang aking kamay.
I was stoned for a moment. Nang ma-realize ko na nilalandi na naman ako ng kumag na 'to ay hinila ko agad ang aking kamay. "Pwes, hindi kita miss! Tigil-tigilan mo ako, Sandoval, nako."
Habang inaayos ko ang mga papel sa lamesa ay inilalapit naman ni Sandoval ang kaniyang mukha. Tiningnan ko ito nang masama ngunit nagpatuloy pa rin sa aking ginagawa. "I really miss you, Christine. I miss you lovely eyes, your pointed nose, your kissable lips."
I instinctively looked at him so I saw him lip biting. Napalunok ako nang bahagya sa pang-aakit na ginagawa niya. Wait, hindi naman niya ako inaakit ah! Baka naaakit lang ako?
Argh! Wala naman siyang ginagawa eh! Ganyan ba talaga siya ka-gwapo?
"Shut up----!"
He sealed my lips with a kiss. Nanigas at nanlaki ang mga mata ko dahil sa bigla niyang paghalik sa akin. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto pero hindi pa rin pinakawalan ni Sandoval ng halik ang labi ko.
Shit, I'm kinda loving this! Was I longing for this? B-Bakit ako nakararamdam ng ganito?
Mahal ko na ba talaga ang Sandoval na 'to?
"WHAT THE FVCKING HELL, MAY LIVE PORN DITO?"
We heard Jelsey and Jeffrey shouting in unison.