Jungkook is Mine [completed]

Per momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... Més

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

39.

3K 131 71
Per momochanchan_

dedicated sayo @kookie-kookie :*

masyadong natuyo ang utak ko sa part na to kaya wag masyadong magexpect oke oke oke 탕이나 사랖! huehue

*•*•*

Bitbit ang biniling paboritong mogu-mogu at potato fries ni Joy, paulit-ulit na napalunok si Jungkook habang papalapit sa nakatalikod na dalaga na nakaupo sa bench.

When Joy ended the call, nagpaalam agad si Jungkook kay Irene at Namjoon na may pupuntahan lang siya. Pinigilan man siya ng dalawa ngunit naisip niyang mas kailangan niyang puntahan si Joy. They needed to talk like what she said. At sa tingin niya ay mukhang oras narin para aminin kay Joy ang lahat.

He sat beside her with a smile. Malayo ang tingin nito sa kung saan. Inabot ni Jungkook ang mogu-mogu at potato fries sa dalaga. "Binilhan kita ng paborito mo, Joy." nag-aalangan pa siyang sabihin ang pangalan ni Joy dahil madalas ay "babe" ang tawagan nila.

Joy bitterly smiled without looking at his eyes. Tinanggap ng dalaga ang binigay ni Jungkook sa kanya. "Thanks." hinawakan lang nito ang plastic saka muling tumingin sa kawalan with no expression.

He could already feel the tension. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap. He would just sigh and bow his head. Para mawala ang awkwardness sa kanilang dalawa ay muling siyang nagsalita.

"K-kamusta naman, Joy? Ngayon nalang ulit tayo nagkasama ng tayong dalawa lang. Masyado ka na kasing busy nitong mga araw dahil sa sunud-sunod na mga group projects mo. Naiintindihan ko naman--" nakangiting panimula ni Jungkook.

"Ip dakcheo (Shut up)! Stop acting that you really care!" malamig na tugon ni Joy. Napayuko nalang si Jungkook saka napadila at napakagat sa labi nang lumakas ang tono ng boses ni dalaga. "Dareun sarami saenggyeoseo? (Do you have another lover?)"

Napalunok sa kaba ang binata. She started to speak korean. That only
meant she couldn't handle her feelings anymore. Matagal-tagal narin nang kinausap siya ng dalaga gamit ang orihinal na lenggwahe nilang dalawa.

"Since when, Jungkook? Kailan pa?" mahinang usal ni Joy. Nagsimula nang sumilip ang mga luha sa mata ng dalaga. Kahit na hindi sabihin ni Joy ang dahilan ay alam na ni Jungkook agad na tungkol ito kay Irene. "You were last seen with her yesterday. I asked Taehyung at sinabi niyang hindi ka raw umuwi kagabi. Nalaman ko nalang na inalagaan at binantayan mo pala si Irene because she was having fever. So, caregiver ka na pala? Do you think she can't handle herself? At sa tingin mo ba masarap sa tenga lahat ng mga narinig ko?"

Nanatiling nakayuko si Jungkook at hindi nagsalita.

"You like her. I knew it," she laughed full of bitterness. "But I was so slow-witted to ignore it. In-ignore ko kasi I thought it wasn't a big deal. Akala ko paghanga lang. Normal lang naman kasi 'yun. And I understand. Pero hindi ko alam na habang tumatagal, mas lalo ka na palang nahuhulog sa kanya. I'm so stupid! Naega teullyesseo (I was wrong)! Urgh!"

He took a glimpse of her at nakita niyang tahimik na lumuluha si Joy habang nakatingin parin sa kawalan. He sighed. Unti-unti naring lumabas ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa mga mata ng binata.

"Mianhe, Joy. Yongseohae jwo-- (I'm sorry, Joy. Forgive me--)"

Pak! Sinampal siya ng malakas ni Joy. That was the first time he received a slap from her. Ni minsan ay hindi ito nagawa sa kanya ng dalaga. Pero naiintindihan parin niya. He deserved it and he had no choice but to accept the consequences.

"Sorry? Sorry?! Sshibal (Fck)! Iniisip ko kung ano bang nagawa kong mali! I tried to be a perfect girlfriend for you! I did everything to make you happy. Bakit naghanap ka parin ng iba?! Am I not enough for you?" she asked with eyes soaking in tears.

He bit his lips and sighed. He quickly wiped away his tears.

"I'm so sorry, Joy," was all he could say.

"Bakit, Jungkook?! Bakit?!" she asekd, her voice was shaking. Humagulgol ang dalaga saka napatakip sa mukha at napahilamos. "Two years. Sasayangin mo lang ba lahat nang dahil lang sa kanya? Nang dahil sa dipsht na babaeng 'yun?! Jungkook, mas matagal mo na 'kong kilala kaysa sa kanya! Bata palang tayo na ang magkasama. Kahit nung nasa Korea palang tayo, ako na ang kasama mo through ups and downs. Si Irene, saglit mo palang siya nakilala. Hindi mo pa siya ganu'n kilala. She doesn't know you like the way I do! Jungkook, hindi mo alam ang sinasabi mo! Wake up!"

He looked up to her with apologetic face. He wanted to hug her tight and to make her feel everything's okay. Hindi naman niya intensyon na saktan si Joy. Gusto lang niyang magpakatotoo. Ayaw niyang masaktan ng doble ang dalaga kung 'di niya sinabi ang totoo.

"Jungkook naman e! We were a perfect couple. We were so inlove with each other. Tipong halos lahat maiingit and at the same time matutuwa at kikiligin. Jungkook, bakit?! Ano bang dahilan?!" pagpapatuloy ni Joy. "Do you still love me?"

He didn't answer. Nanlaki ang mga mata niya nang hinalikan siya sa labi ni Joy. Joy kissed him hungrily-and even held his nape to deepen the kiss. But he didn't respond. It was nothing special. Tanging si Joy lang ang gumagalaw. Hinayaan lang niya ang paggalaw ng labi ni Joy sa labi niya. She was silently crying. Napaluha rin siya dahil sa awa sa dalaga. Bakit mo ba sinasaktan ang sarili mo, Joy? He thought.

Tumigil sa paghalik si Joy saka lumanghap ng hangin. Dinikit nito ang noo sa noo ng binata. She held his cheeks and whispered, "I love you, Jungkook. I really do."

"Mianhe. Jeongmal mianhe. (I'm sorry. I'm very sorry.)" bulong ni Jungkook saka mahinahong tinanggal ang kamay ni Joy sa pisngi niya.

Napauwang ng konti ang bibig ni Joy. Bumilis ang paghinga ng dalaga saka napasandal sa kinauupuan. "A-ano bang gusto mo? Y-you want more? I can give you everything, Jungkook. E-Even my virginity," usal ng dalaga saka unti-onting tinanggal ang butones sa suot.

"Joy, ano ba?!" hinampas naman ni Jungkook ang kamay ng dalaga dahilan para matigilan siya sa pag-a-unbutton sa suot.

"No! Sorry nanaman ba?! Ayoko ng sorry mo! Ayokong marinig ang sorry mo! You know why? Kasi mas gusto kong marinig 'yung paulit-ulit mong sasabihin sa'kin na mahal mo ako, na mali lahat ng iniisip ko, na wala kang gusto kay Irene, na ako lang ang mahal mo at wala ng iba! Jungkook, napakasimple lang! Do you still love me?! Huh?! You just have to answer yes or no!"

Napakagat sa labi si Jungkook saka napalunok. Finally, nakayanan niya na ring ipunin ang lahat ng tapang para sabihin ang lahat ng saloobin niya sa dalaga. "Nung nawala ako sa 'di ko malamang dahilan, may isang taong nagligtas sa'kin sa ilog kung saan niya ako nakita-si Irene. Wala akong naalala kahit isa. Pangalan ko, kung saan ako nakatira, mga kaibigan at kakilala ko, lahat nabura. Hindi ko maalala lahat. Kahit anong pilit ko, wala parin. Pero nung saglit akong naidlip dahil sa pagod, nanaginip ako sa isang babaeng nakangiti sa'kin ng sobrang laki. Nakatingin siya sa akin na para bang ako lang ang tanging nakikita niya. Marami siyang sinabi sa akin pero ang naalala ko lang na sinabi niya ay ang salitang "I love you". Du'n ko nalaman na may girlfriend pala ako. Ikaw Joy ang napapanaginipan ko. Palagi kang lumalabas sa mga panaginip ko. Palaging masasayang alaala ang nakikita ko," napatigil siya saglit saka bumuntong-hininga. "Na-excite ako. I wanted to see you. Gusto ko nang makita ang babaeng palagi kong napapanaginipan. Gusto ko nang makita ang girlfriend ko. And then that time came, nakita na rin kita. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko. Basta ang alam ko lang ay masaya ako at sa wakas ay nakita na kita. Tinulungan mo ko. Tinulungan mo kong ipaalala sa akin ang lahat. At nagpapasalamat ako du'n, Joy. Pero nang tumagal, wala akong maramdaman na kahit anong espesyal. Oo, girlfriend kita. Pero hindi ko maramdaman sayo 'yung naramdaman kong saya nung nakasama ko si Irene. . ."

". . .Pero binalewala ko lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, Joy. Iniwan ko siya para balikan ang dati kong buhay. Hanggang sa muli kitang nakilala sa pangalawang pagkakataon. You're a strikingly beautiful woman, Joy. Matalino, mabait, masiyahin, masipag, matiyaga, lahat na ng katangian ng tipo kong babae nasayo na. Naisip kong hindi ka mahirap mahalin kaya sinubukan kong suklian ang pagmamahal na binigay mo sa'kin. Sa t'wing ngumingiti ka na halos mawala na ang mga mata mo, napapangiti rin ako. Nakakahawa ka kasi, Joy. Kakaiba ka sa mga babaeng nakilala ko. Kaya nga siguro naging girlfriend kita e. Bibihira nalang ang mga babaeng katulad mo. . ."

". . .At sa lumipas na mga araw, linggo, at buwan, naging maayos ang relasyon natin. Sa mata ng ibang tao ay perpekto ang pagsasama nating dalawa. Nagkakatampuhan man ay mabilis natin iyong naaayos. Nagtutulungan tayo sa lahat ng bagay. Alam naman nating tamad ako pagdating sa pag-aaral pero binago mo iyon. Ang laki ng pasasalamat ko sayo, Joy. Sobrang saya nating dalawa. Naging komportable tayo sa isa't-isa. . ."

". . .Pinaniwala ko ang sarili ko na siguro mahal na nga kita. At sa mga oras na 'yon, naisip kong mahal na nga talaga kita. Na wala nang ibang babaeng makakapagpasaya sa'kin tulad ng binibigay mo. Na wala na 'kong ibang hihilingin pa kun'di ang makasama ka. . ."

". . .Pero bumalik si Irene, Joy. Molla. Hwakshilhi molla (I don't know. I'm not sure). Pero parang bumalik lahat. Parang bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Hindi, hindi pala bumalik. Kasi hindi naman pala nawala. Nung nakita ko siya, nangibabaw ang sobrang saya. Hindi ko naman siya sobrang gustung-gusto nu'n. Naisip ko siguro ay na-miss ko lang talaga siya kaya sobrang saya ko. . ."

". . .Binalewala ko ulit lahat, Joy. Kasi nga ikaw ang girlfriend ko. You're my responsibility. At habang tumatagal, nalaman kong nabulag lang pala ako dahil sa inakala kong pagmamahal sayo. Kapag pinilit mo palang balewalain ang nararamdaman mo sa isang tao ay mas lalo ka palang mahuhulog sa taong 'yon. . ."

". . .Joy, nung sinabi ko sa sarili ko na gusto ko lang si Irene at hanggang du'n lang 'yun, mas lalo palang lumala. Mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo ko siyang nagustuhan nang hindi ko namamalayan. I unconsciously fell for her. Akala ko kasi wala lang. Akala ko normal lang. Paulit-ulit kong pinaalala sa sarili ko na ikaw ang mahal ko at wala nang iba. Pero kahit na anong pilit ko sa sarili ko, kapag nakikita ko siya, napapangiti ako ng kusa; kapag hindi ko siya nakikita, hindi nabubuo ang araw ko. Palaging si Irene nalang ang nakikita ko. Palaging siya ang hinahanap-hanap ko. Kahit na pinipilit ko ang sarili ko, wala akong magawa, Joy, kun'di ang sundin nalang ang sinisigaw ng puso ko. Mianhae. Pero pinilit ko lang pala ang sarili ko sa inaakala kong nararamdaman para sayo. Nagkamali ako. Akala ko kasi kuntento na ako sayo. Akala ko tuluyan nang nawala ang nararamdaman ko sa kanya."

Patuloy lang sa paghagulgol si Joy. "Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Ang alam ko ayaw mo sa mga katulad niya! We're completely opposite! Ano bang meron siya na wala ako? Tell me!"

Nangiti lang ng mapait si Jungkook. "Hindi ko rin alam, Joy. Hindi ko alam kung anong dahilan. Bigla ko nalang 'tong naramdaman. Basta ang alam ko, hindi ko kayang makitang hawak siya ng iba. Nasanay akong palagi siyang kasama. Hindi ko kayang makita na may mmakakapagpasaya sa kanyang iba. Joy, inaamin ko sayo, I love her. I really, really love her. . ."

". . .Joy, joaheyo (I like you). Gusto kita but not in a romantic way. I still love you, but not the way you do. Joy, sorry. . ."

Pak! At muli ay nakatanggap nanaman siya ng sampal mula kay Joy. Wala siyang nagawa kun'di ang tanggapin nalang iyon. Sobrang nasaktan niya ang dalaga.

"Majado ssa! Neol shileo (You deserve it! I hate you)! Ano bang nangyayari sayo? Hindi totoo 'yang mga sinasabi mo! Nahihibang ka na!"

"Joy, ayokong maging unfair sayo kaya gusto ko nang tapusin itong relasyon na 'to. Ayokong--"

"Mwo (What)?! You have no right to decide on this matter alone! Hindi pwedeng ikaw lang ang mag-desisyon! Hindi ako makakapayag! Hindi ako makikipag-hiwalay sayo!"

"Joy, ayokong pilitin ang sarili ko na mahalin ka dahil pareho lang tayong mahihirapan. Ayaw kong masaktan ka pa lalo kapag pinagpatuloy pa natin 'to kaya pinapalaya na kita. . ." he managed to smile kahit na sobrang nasasaktan siya sa inaasal ng dalaga. Hindi niya lubos maisip na magagawa niyang saktan ng ganu'n si Joy. Muling bumuhos ang luha ng dalaga.

". . .Malaya ka nang makahanap ng lalaking mas deserved mo, na hindi ka sasaktan tulad ng ginawa ko."

"Sa tingin mo ba ganu'n lang kadali iyon? Jungkook, patatawarin naman kita e. Patatawarin kita kahit ano pang mali ang nagawa mo. Just--Just give this relationship a chance."

Hinawakan ni Jungkook ang kamay ni Joy ngunit agad namang binawi ng dalaga ang kamay niya. She looked at him with a furious look. Ang maamong mukha ng dalaga ay napalitan ng mala-leon sa galit.

"Joy, uri chinguro jinael su isseo? (Joy, can we still be friends?)" maliit ang ngiti na tanong ni Jungkook saka hinawakan ulit ang kamay ng dalaga.

"No! Do you really think I will just give up that easy?" she bitterly laughed. "Alam ko namang hindi rin magtatagal 'yang sinasabi mong pagmamahal sa kanya! I know you still love me. Magsasawa ka rin sa kanya--"

"Joy, geuman hae! Deo isang neol saranghaji anha! (Joy, stop it! I don't love you anymore)" diretsong sabi ni Jungkook. Napatahimik si Joy nang tumaas ang boses ng binata. Hindi niya akalaing maririnig ang mga salitang iyon sa binata.

"I-I don't understand. Why is it so easy for you to give up this relationship? Did you really love me? Minahal mo ba talaga ako? Sashildaero malhae bwa (Tell me the truth)," her voice became calm. Pero garagal na ang boses niya.

He sighed and quietly nodded his head.

Patuloy lang sa paghikbi si Joy. She couldn't stop herself from crying. "I really love you, Jungkook. And it hurts me to know that you loved somebody else when you were still mine. I still love you kahit ang sakit na, kahit na harap-harapan mo na 'kong sinasaktan."

"Sorry, Joy," nakayukong sabi ng binata. "Alam kong mahirap pero kailangang kayanin."

"For one last time, ako o si Irene?" she calmly asked.

He didn't answer. Pero kahit ganu'n alam na ni Joy kung ano ang sagot ni Jungkook. It was Irene. Dahil kung siya ang pipiliin ni Jungkook, dapat mabilis nitong isasagot ang pangalan niya. But he didn't say a word.

"You know what? The worst feeling in the world is knowing you did the best you could yet it still wasn't good enough." pinunasan ng dalaga ang mga luha sa pisngi. Tumayo si Joy sa pagkakaupo kaya napaangat ang tingin ni Jungkook. "'Wag kang masyadong mapanatag. I may not be your girlfriend anymore but I'll still wait. Pansamantala lang 'yang nararamdaman mo kay Irene. I know it. Alam kong ako parin ang mahal mo at nabubulag ka lang sa pansamantalang nararamdaman mo sa kanya. Alam kong nasanay ka lang na nasa tabi mo siya. But it will fade away soon. And when that time comes, I'll gladly accept you in my arms like nothing happened. Ganu'n kita ka-mahal, Jungkook. Handa akong magpakatanga para sayo."

"Joy, tumigil ka na," malungkot na saad ni Jungkook saka napatayo narin sa pagkakaupo. Hindi parin tumitigil si Joy kahit na anong gawin ng binata. Ayaw naman niyang saktan ang dalaga pero ito mismo ang gumagawa ng dahilan para saktan ang sarili niya. "Sinasaktan mo lang ang sarili mo!"

"No one can stop me. Not even you," sabi ni Joy saka inayos ang damit. "Na gaya dwae. (I have to go.)" nagsimulang maglakad palayo ang dalaga. Tumayo rin si Jungkook saka pinunas ang mga luha sa pisngi.

"Joy," pagtawag ni Jungkook sa dalaga. Napahinto naman ito sa paglalakad ngunit hindi parin lumilingin. "Mom joshimhae. Ulji ma, haengsyo! (Take care of your health. Don't cry, be happy!)"

She didn't answer and just continued to walk away from him.

Napangiti ng maliit si Jungkook. He's glad na nagawa na rin niya ang bagay na dapat ay matagal na niyang ginawa. He knew he did the right thing. Umaasa man ang parehong magulang nila sa relasyon nilang dalawa, pero mas maganda naring maging malaya silang dalawa sa isa't-isa kaysa magpanggap at masaktan sa huli.

"Gomawo, Joy. Gomawo, (Thank you, Joy. Thank you,)" he whispered to himself and smiled.

*•*•*

"Irene, I hev questiun," excited na giya ni Taehyung kay Irene na nakaupo sa couch habang kumakain ng pizza na binili nila ni Namjoon bago pumunta sa bungalow ng bangtan.

Kararating lang kasi nila ni Namjoon galing sa bahay ni Irene. Akala kasi nila ay dumiretso pauwi si Jungkook pero naabutan nilang wala parin pala ang binata. Saan kaya pumunta si Jungkook? Ang paulit-ulit na tanong ni Irene sa sarili.

"Ano nanaman?" pagtataray ni Irene.

"Bakit pagkatapos gawin 'yung building, building parin ang tawag? 'Diba dapat builded na kasi past tense? Kasi nagawa na?"

Napasingkit ang mga mata ni Irene saka kinurot ang singit ni Taehyung. Napahiyaw naman sa hapdi at sakit ang binata. "Sa dinami-dami ng pwede mong kurutin, bakit singit ko pa? Muntik na 'yun ha! Ikaw, Irene, gusto mo lang hawakan etits ko eh!"

"Tarantado! Built kasi 'yun, built! B-U-I-L-T! Tanga mo!" gigil na gigil na sigaw ni Irene. "Du'n ka na nga! Du'n, du'n, du'n! Malayo sa'kin! Nyeta 'to. Kahit crush kita, ang tanga tanga mo!"

Napakamot nalang sa batok si Taehyung saka na iniwan si Irene. "Mapanglait," bulong ng binata

Lumapit naman si Namjoon sa dalaga saka umupo sa tabi. "Irene, sine us? Punta tayo sa sinehan."

"Bakit hindi si Miju ang yayain mo? Saka anong gagawin natin du'n?"

"Magbibilang tayo ng upuan."

"Pakyu," pagtataboy ni Irene saka tinulak palayo si Namjoon.

"Hobi mine ck0uh my harthart!" napalingon si Irene sa babaeng tumili sa pinto. Niyakap ng babae si Hoseok na siyang nagbukas ng pinto nang may kumatok.

"Rhea, anong ginagawa mo rito?!" iritang tanong ni Hoseok saka tinanggal ang mga brasong nakayakap sa kanya.

"Pumunta ako para ibigay 'to," nakangiting inabot ni Rhea ang hawak na sketch pad kay Hoseok. "Katatapos ko lang gawin kagabi 'yung last piece. Sana magustuhan mo."

"Aahh. Hindi mo naman kailangang gawin 'to pero 'ge, salamat." he accepted the gift with a smile. "May sasabihin ka pa ba?" hindi naman nakapagsalita si Rhea at titig na titig lang kay Hoseok. Hinaplos naman nito ang baba ng binata kaya tinapik niya ang kamay ni Rhea palayo. "Huy, ano ba?!" pinitik niya ang noo ni Rhea. "Bakit mo hinawakan 'yung sagradong baba ko?!"

"Shorry," pang-malanding sambit ni Rhea. "Na-a-attract kasi ako sa baba mo. Hehehe."

"Okay."

"Hobi mine cK0uh my hart hart, palagi kitang iniisip mula sa paggising hanggang sa pagtulog ko," nakangiting banat ni Rhea kay Hoseok.

"Ako rin," tugon naman ni Hoseok saka ngumiti.

"Owmyghad, ikaw rin?!" hindi makapaniwalang tanong ni Rhea.

"Onamanyes, palagi ko ring iniisip ang sarili ko mula paggising hanggang sa pagtulog. 'Ge na, umuwi ka na at magsaing nalang sa inyo."

"OMG! Concern ka sa'kin?!"

"Onaman, baka magutom 'yung isa sa mga fans ko."

"Hindi ako magpapagutom para sayo, Hobi!"

"'Ge lang."

"Bye!"

Hindi na sumagot ang bored na bored na si Hoseok saka na sinarado ang pinto. Tumabi naman siya sa tabi ni Irene sa sopa. "Bakit kasi ako pa 'yung nagbukas ng pinto?" bulong niya sa sarili.

"Oy Hobi, patingin naman ako n'yan, yung binigay sayo ni Rhea." sabi ni Irene saka nginuso ang sketch pad na nakalagay sa coffee table. Tumango naman si Hoseok.

"Wow," sambit ni Irene habang tinitignan ang mga naka-drawing na puro mukha ni Hoseok. "Ang galing! Ang gwapo mo naman dito, Hobi. Kuhang-kuha niya 'yung hulma ng baba mo!" natatawang komento ni Irene.

"Pangalawang sketch pad na 'yan na binigay niya. Nung birthday ko binigyan niya rin ako. Ang galing nga e, puro mukha ko."

"Gan'to rin 'yung ni-regalo sa'kin ni Jungkook nung birthday ko," nakangiting sambit ni Irene habang tinitignan isa-isa ang mga naka-drawing sa sketch pad.

Napatitig lang si Hoseok saka binalewala ang sinabi ni Irene. Napangisi naman ang binata saka mabilis na hinalikan ang pisngi ni Irene. "I love you," bulong pa niya sa dalaga saka mabilis na tumakbo palayo at nagsayaw-sayaw ng kung anu-ano habang umaakyat sa hagdan sa sobrang saya.

Napatawa nalang at napailing si Irene. Ang hirap huminga! Kinikilig ako, putang ina!

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si Jungkook na medyo mamula-mula ang mata. Napatayo agad si Irene sa sopa at napalapit nang napansing matamlay ang binata.

"Sa'n ka galing, Jungkook?" nag-aalalang tanong ni Irene. "Umiyak ka ba?"

Nangiti si Jungkook saka umiling at niyakap ang dalaga. Takang-taka man ay napayakap na rin si Irene saka hinagod ang likod ng binata.

Habang nakayakap, lumapit ang bibig ni Jungkook sa tenga ni Irene na para bang hinahalikan ito. Ramdam ng dalaga ang hininga ni Jungkook sa tenga niya.

"Saranghaeyo," bulong ni Jungkook at bigla nalang nanghina ang tuhod ng dalaga dahil sa boses ng binata.

Anong saranghaeyo?

*•*•*

putangina ano ba tong gnagawa ko BWAHAHAHAHA

sana matapos ko na to agad :--(

comment ph0u love u all hehehhe

Continua llegint

You'll Also Like

14.6K 815 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
8.6K 272 17
AshMatt fanfic
161K 3.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.