Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

37.

2.6K 137 44
By momochanchan_

maraming salamat po sa mga feedbacks na natatanggap ko. sobrang nakakatuwa at nakakakilig. hehehehe.

niweys, mga nasa 69% na po tau ng story. huehue. JOKE. mga 75-80% mga ganon. nagmamadali na kong tapusin to e XD

*•*•*

"Jungkook. . .Si nanay nasa ospital."

Namutla sa narinig si Jungkook. Anong nangyari kay 'nay Recca? Nayuko nalang ang binata saka napadila at napakagat sa labi. Wala paring tigil sa pag-hagulgol si Irene sa kabilang linya habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. Kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng dalaga ay sigurado siyang mugto na ang mga mata nito at pulang-pula na ang mukha. Napapakagat nalang sa labi si Jungkook sa bawat kirot sa dibdib na nararamdaman niya sa tuwing naririnig ang paghikbi ni Irene. Naidagdag pa ang masamang balitang sinabi nito sa kanya. Tinuturing niya na rin kasi ang ginang bilang kanyang pangalawang ina.

Walang nag-atubiling magsalita sa kanilang dalawa. Patuloy lang sa paghagulgol si Irene. Hindi nito mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Nanaig ang katahimikan maging sa loob ng kwarto hanggang sa napalunok si Jungkook, huminga ng malalim, at kalmadong nagsalita.

"Irene, gusto kong sabihin mo sa'kin ngayong kung nasa'n ka..."

*•*•*

Pagkabukas na pagkabukas ni Jungkook ng pinto sa pinakatuktok ng Pukichu skyline ay nadatnan niya ang dalagang nakaupo sa dulo habang nakayuko at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Nangiti siya ng maliit. Nakilala niya agad ang babae dahil sa buhok nitong medyo magulo at nakatali sa taas.

Hinihingal na lumapit siya kay Irene at umupo sa tabi. Thanks to her dahil hindi na siya nakakaramdam ng takot sa mga matataas na lugar. Irene felt someone sat beside her kaya napalingon siya sa kaliwa at napahilamos sa mukha.

"Ang galing 'no? Wala na 'kong takot sa mga matataas na lugar 'di tulad noon. Tinulungan mo kasi akong labanan ang takot ko," nakangiting panimula ni Jungkook habang nakabaling lang ang paningin sa view. "Siguro nga natatakot parin ako dahil may posibilidad na mahulog tayo anumang oras ngayon. Pero mas nananaig 'yung tapang. Salamat, Irene, ha?"

Hindi sumagot ang dalaga saka napatingin nalang din sa napakagandang tanawin ng syudad.

Nanaig ang katahimikan ng ilang segundo. Inabutan ni Jungkook ang dalaga ng panyo habang nakabaling parin ang atensyon sa tanawin. Tinanggap naman iyon ng dalaga saka mahina ang boses na nagpasalamat.

Rinig parin ng binata ang mahinang paghikbi ni Irene. Napakagat nalang siya sa labi. Aaminin niyang nasasaktan siya sa tuwing naririnig niyang umiiyak si Irene. Kung may magagawa lang siya para pawiin ang sakit na nararamdaman ng dalaga ay ginawa niya na.

Mahinahon niyang hinawakan ang ulo ni Irene saka inihilig sa balikat niya para isandal. Kahit anong sabihin niyang mga salita na makakapagpagaan sa dalaga gaya ng "tahan na" at "huwag ka ng umiyak" ay hindi rin ito gagana kaya mas magandang iparamdaman nalang niya dito na may karamay siya at kasama.

"Jungkook, bakit ganu'n? Wala namang ginawang masama si mama? Naging mabuti siyang ina sa'min! Alam mo yan!" panimula ni Irene. Garagal ang boses nito. "Jungkook, bakit?! Bakit kailangang mangyari pa 'to sa kanya?!" muling bumuhos nanaman ang mga luha ng dalaga. Naramdaman ni Jungkook ang pagbasa ng damit niya sa bandang balikat. "MAMA~!" just like a child longing for her mother, she called her mom.

"Jungkook, wala na si mama. Wala na si nanay!" mas lalong lumala ang paghagulgol ni Irene kaya naman ay walang pasabing niyakap na ni Jungkook ang dalaga ng mahigpit.

"Irene, please 'wag ka nang umiyak," sambit ni Jungkook. Alam niyang kahit sinabi niya ang katagang iyon ay wala paring magagawa. Hindi na rin niya mapigilang maluha dahil sa nalaman. Agad niya ring pinunasan ang luha.

Hindi siya makapaniwalang biglaan ang nangyari kay 'nay Recca. Nasasaktan rin siya sa nalaman. Napakabait sa kanya ng ginang.

"Ni hindi man lang siya nakaabot sa pag-celebrate namin ng birthday ko. Na-late lang naman ako ng ilang oras Jungkook eh. Bakit ganu'n?! Sana naghintay pa siya ng matagal! Para nasabi ko man lang sa kanya kung ga'no ko siya ka-mahal!" hihikbi-hikbing sabi ng dalaga. "Hindi siya makakaabot sa graduation ko. Sabi niya papanoorin niya akong umakyat sa stage. Sabi niya papanoorin niya ako sa unang araw ng trabaho ko. Bakit ang bilis naman niyang umalis, Jungkook? Bakit iniwan niya kami agad?" napalunok ang dalaga saka napasinghot. "Jungkook, ayaw ko pang pakawalan si nanay. Ayaw pa namin siyang pakawalan! Jungkook, hindi ko matanggap!"

Hindi sumagot ang binata at tanging paghagod lang sa likod ni Irene habang nakayakap ang magagawa niya.

"She was the best mom in the world. I really love her so much. I love my mom more than I love myself. She's my life. I don't think I can accept the fact, Jungkook. Nung nakita ko ang dulo ng daliri niya sa paa sa morgue, tumakbo na agad ako palayo. Hindi ko kayang makita si mama sa ganu'ng sitwasyon. Bakit kung sino pa ang mas karapat-dapat na mabuhay, sila pa ang namamatay? Bakit hindi nalang 'yung mga masasamang tao pa ang namatay? Bakit hindi nalang 'yung mga kriminal 'yung namatay? Bakit si mama pa?!" napahilamos siya sa mukha saka suminghot. "Magpapatuloy pa ba ako sa pag-aaral kung wala naman na ang dahilan kung bakit ko 'yon ginagawa? Jungkook, dahil lang naman kay mama kaya ako nag-aaral, kaya ako nagpupusirgi. Jungkook, wala nang silbi kung ipagpapatuloy ko pa."

Nangunot naman ang noo ng binata sa narinig.

"'Wag mong sabihin 'yan, Irene. Hindi matutuwa si 'nay Recca kapag malaman niyang hindi mo itutuloy ang gustong niyang mangyari sayo. Mag-aral ka, tapusin mo, Irene. Para sa pamilya mo at para sa sarili mo..."

Hindi mapigilan ni Irene ang panginginig ng labi. Mas lalong bumuhos ang luha niya dahil sa sinabi ni Jungkook. He was right. Hindi dapat siya tumigil sa pag-aaral. Ayaw niyang biguin ang kanyang nanay.

"...Napakabait sa'kin ni 'nay Recca. Tinuturing ko siyang pangalawang mama ko. Napakaswerte mo sa mama mo, Irene. Kaya sana 'wag mo siyang bibiguin sa gusto niyang mangyari. Alam mo namang lahat ng bagay may dahilan, 'diba? May dahilan kung bakit nangyari 'yun kay 'nay Recca. Kailangan kasi ng bagong anghel sa langit, Irene," nakangiting dagdag pa ni Jungkook. Pinilit niyang ngumiti upang mabawasan ng kahit konti ang malungkot na awra sa kanila. "Kahit masakit na nakikita kang umiiyak, pipilitin kong ngumiti. Gusto kong mahawa ka sa'kin, Irene. Gusto kong makitang ngumiti ka rin ng kahit ilang segundo lang."

Napaangat ang ulo ni Irene saka napangiti ng maliit. "Teka, 'yung panyo nasaan? Sobrang barado na 'yung ilong ko. Pucha."

Natawa nalang sila pareho. Pinunasan nalang ni Jungkook ang pisngi ng dalaga gamit ang hinlalaki habang nakangiti.

*•*•*

Pagkarating nilang dalawa sa hospital morgue ay nadatnan nila sa labas ng room si Kaloy na nakayakap sa isang babaeng tahimik rin na lumuluha habang nakaupo sa bench.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Hoseok sa ospital. Hinihingal na luminga-linga ang lalaki at nang nakita si Irene ay patakbong lumapit siya dito saka niyakap ng mahigpit.

Ni hindi man lang napansin ni Hoseok na nandu'n din si Jungkook habang nakaupo sa bench. Naubo lang ang binata sa nakitang pagyayakap ng dalawa. Gusto pa sana niyang hilahin ang dalaga palayo sa kanyang hyung pero wala siya sa posisyon para gawin yun at lalung-lalo nang wala sa tamang oras para gumawa ng ganu'ng bagay.

Umusog nalang siya sa tabi ni Kaloy saka hinagod ang likod nito. Napalingon naman si Kaloy at umangat ang tingin. Kumalas siya sa pagkakayakap sa babae saka niyakap si Jungkook. "Kuya Jongkok!" pagtawag ni Kaloy, sa kanyang garagal na boses, sa binata.

Niyakap niya rin pabalik ang bata. Nawala na rin sa paningin niya sila Hoseok at Irene kaya kay Kaloy nalang niya pinaling ang atensyon niya. "Kuya Jongkok, wala na si inay! Huhuhu!" humagulgol rin ang bata habang nakayakap parin sa kanya.

"Kuya, wala na si nanay! Hindi ko kayang wala na siya!" humagulgol ng malakas si Kaloy saka napatakip sa mukha. Bumuntong-hininga nalang si Jungkook saka napayuko.

"Namatay po kanina sa heart attack si 'nay Recca," biglang nagsalita ang babaeng nakayakap kay Kaloy kanina. Napaangat naman ang tingin ni Jungkook saka sumeryoso ang mukha. "Kasambahay po nila ako, kuya. Nag-celebrate pa kami ng birthday ni ate Irene nu'n kagabi. Ang saya-saya pa namin nu'n kahit hindi nakarating si ate. Pero nung mga bandang alas sais po ng umaga, biglang kumatok si Kaloy sa kwarto ko," nagsimula nanamang mapaluha ang babae saka napayuko. "Sinabi po sa'kin ni Kaloy na nagpapatimpla daw siya ng milo kay 'nay Recca para sa almusal. Magsisimba pa daw po sila pagkatapos mag-almusal. Sabi sa'kin ni Kaloy ang tagal daw po gumising ni 'nay Recca kahit anong gawin pa niyang pag-alug-alog. Kinabahan ako. Kaya nagmadali po akong pumunta sa kwarto nila. Nakita kong nangingitim na ang bandang panga ni 'nay Recca. Nakabent din po ang mga braso niya dahil du'n umuunan si Kaloy minsan pag natutulog. Hindi na rin po siya gumigising kahit anong gawin namin. Du'n nalang po namin nalaman na wala na nga si 'nay Recca," napapaluhang sabi ng babae. "Tapos si ate Nicole sa makalawa pa makakarating galing Korea kasama ang fiancè niya na si kuya Ping. Naawa na po ako sa mga anak ni 'nay Recca, kuya. Lalung-lalo na kay Kaloy. Masyado pa siyang bata."

Napakagat nalang sa labi si Jungkook. Naaawa siya sa sitwasyon nila Irene. Lalo na't dalawang araw pa bago makauwi si Nicole galing Korea.

Ilang sandali lang ay dumating narin sila Taehyung, Namjoon, Yoongi, Jimin, Jin, Annabelle, at Joy. Nabanggit ni Jin na tumawag si Hoseok kay Taehyung kanina na sumunod sa address ng ospital kaya pumunta narin sila.

"I heard about everything. Nasa'n si Irene?" nag-aalalang tanong ni Joy sa kasintahan.

Napakagat nalang ulit sa labi si Jungkook nang maalalang kasama pala nito si Hoseok. Pinilit nalang niyang ipakita ang kalmadong mukha para hindi ipahalata na apektado siya sa nakitang tanawin kanina. "Kasama niya si Hoseok hyung. 'Di ko alam kung sa'n sila pumunta."

Sakto namang nakarating na sila Hoseok at Irene galing sa kung saan. Her eyes were puffy. She looked somehow relieved but they could still see sadness in her eyes. Nakangiti naman si Hoseok ng maliit habang nakaakbay sa dalaga.

"Guys," pagtawag ni Irene sa mga kaibigan. "Salamat sa pagpunta niyo." she then half-smiled. Niyakap nalang siya ni Taehyung and smiled to her sincerely.

"Dito lang kami para sayo, Irene," ani Taehyung ng nakangiti saka p-in-at ang ulo niya.

"He's right. We'll always be here for you," tugon naman ni Namjoon. "Please be okay, idol master cute."

She chuckled. "Pa-english-english ka pa."

"Despite of your situation, it's good you can still manage to smile. But it's better if you cry. Wala namang masamang ilabas ang tunay na nararamdaman, Irene. Mas mabuti nang nakikita ka naming umiiyak sa sobrang sakit na nararamdaman mo kesa makita ka naming nakangiti kahit peke lang naman," wika ni Jin. 'Di niya na napigilan. Napakagat nalang sa labi si Irene saka napakayakap sa binata.

"Hindi ko kayang mawala ang nanay ko, Jin," humihikbing sabi ng dalaga.

"I know. Lahat naman."

"But you will have to accept the fact, idol," nakangiting saad ni Namjoon saka pinatong ang kamay sa balikat ng dalaga. "Your mom wouldn't be free if you don't let her go."

Napayuko nalang si Irene saka napakagat sa labi. Inangat niya ang ulo saka muling tumingin sa kanila. "Salamat guys," she smiled.

*•*•*

Three days have passed...

Everything changed. Even Irene changed a lot. She still couldn't accept her mother has already bitten the dust. Ang mga narinig niyang sinabi sa kanya nila Jin at Namjoon ay parang lumabas lang sa kabilang tenga niya. Naiintindihan naman niya ngunit mismo ang sarili niya ay hindi kayang pakawalan ang pagkawala ng nanay niya.

Hindi siya umuwi sa tinutuluyang apartment. Hindi rin siya pumasok ng dalawang araw. They became worried especially the two guys-Hoseok and Jungkook. Pinaghahanap na nila si Irene but they just couldn't find her everywhere.

Hanggang sa hindi na nakayanan ni Eugene ang konsensya. He couldn't do anything but to tell Jungkook where she was hiding and what was she doing.

"Irene told me to not tell anyone about this. Pero hindi ko na kaya. Pamangkin ako ni uncle Ping-fiancè ni tita Nicole. Irene's with her family now-sa Antipolo. Walang ibang nakakaalam nu'n except me. Ayaw niyang ipagsabi sa iba. She wanted to be alone. She doesn't speak to anyone now. Nagkukulong nalang siya sa kwarto at walang sawang iiyak. Even I can't approach her. Naiinis na 'ko sa pagbabago niya but I can't do anything. Sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Hindi ko na kasi kayang makitang ganu'n si Irene. Parang wala na siya sa sarili. So please, Jeon, tulungan mo siya. Let her realize that she's not alone. Na may karamay siya. Na may mga nag-aalala rin sa kanya."

Kasalukuyan silang nasa sasakyan ni Eugene. Patuloy lang sa pagda-drive ang lalaki papuntang Antipolo habang nasa shotgun seat si Jungkook. Malalim ang isip ng binata. Hindi siya mapakali dahil sa nangyayari kay Irene. He really wanted to help at sana ay talagang makatulong siya.

Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Irene. Walang araw na hindi niya iniisip ito. If only he could do something to ease her pain.

Nang nakarating ay naabutan nilang nakalagay ang kamay ni Nicole sa bewang habang ang isa naman ay nakatapik sa noo. Nakaupo ito sa couch at mukhang problemado.

"Eugene! Buti nalang dumating ka," bungad ni Nicole sa pamangkin ng fiancè. "And oh, Jungkook," she half-smiled nang nakita ang binata.

"Tita, si Irene po?" tanong ni Eugene.

She sighed and gestured them Irene's room. "Hindi parin siya lumalabas. Nahihirapan na si Tintin sa pagpipilit sa kanya na lumabas. Palagi na rin siyang nasisigawan ni Irene. Pinapadalhan nalang namin siya ng pagkain sa labas. Kahit ako hindi ko na siya mapilit," malungkot na sabi ni Nicole. "I can't convince her. Cremation ngayon ni nanay. She should be there. Hindi kami magsisimula hangga't di siya lumalabas."

They gave her assuring smile. "Kami na pong bahala ni Jeon kay Irene, tita," said Eugene.

"Salamat," sabi ni Nicole saka inabot ang spare key ng room ni Irene kay Eugene. "Use this. It'll help you get inside her room. Hindi ko kasing kayang buksan ang pinto ni Irene at baka kung ano pa ang magawa sa'kin nu'n. Kapag lumabas na siya, pakisabi na maghihintay lang si Tintin sa sala para samahan siya sa crematory."

The two nodded. Dumiretso sila sa kwarto ng dalaga. Bago kumatok si Eugene ay huminga muna siya ng malalim. "Irene!" pagtawag niya sa dalaga habang kumakatok-katok sa pinto.

"Gene?" paninigurado ni Irene.

"Yes, Irene. Si Eugene 'to."

"Ano ba?! Andito ka nanaman. Masyadong malayo ang Antipolo sa tinitirhan mo!" sigaw ni Irene sa loob. "Masasayang lang ang oras mo, Gene kaya umalis ka na!"

"No. May bisita ka."

Huminga muna ng malalim si Jungkook bago nagsalita. "Irene, si Jungkook 'to. Pwede ba tayong mag-usap?"

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Irene.

"Bakit ka nandito?" pabalang na tanong ni Irene.

"Gusto kitang makita," sagot ni Jungkook.

"Ayaw kitang makita."

"Pero gusto naman kitang makita."

"Ayaw ko sabi, Jungkook! Ba't ba ang kulit mo?! Umalis ka nalang!"

"Kung ayaw mo kong makita, pumikit ka nalang. Hindi naman problema 'yun." nangiti pa si Jungkook kahit na alam naman niyang hindi iyon nakikita ni Irene. Madali niyang binuksan ang pinto gamit ang susi. Nakita niyang nakapikit nga ang dalaga at sinunod ang sinabi niya kaya tumakbo siya papalapit dito saka siya niyakap ng mahigpit.

"O-oy, ano ba?!" pagpupumiglas ni Irene sa yakap ng binata. "Pa'no ka nakapasok?!"

"Wala ka nang kawala," nakangiting saad ni Jungkook saka humalakhak habang nakayakap parin sa dalaga. Sa kanilang magkakaibigan, siya pa naman ang isa sa mga malalakas katulad ni Taehyung at Yoongi.

"Hindi ako nakikipaglokohan, Jungkook!"

"Hindi rin ako nakikipaglokohan, Irene!"

"Gusto kong mapag-isa!"

Nanlambot si Jungkook kaya naman ay biglang nakawala si Irene sa pagkakakulong sa kanya. Nadismaya siya sa dalaga dahil parang wala lang dito ang araw ng cremation ng nanay niya.

"Irene, hindi mo ba alam kung anong araw ngayon?" mahinahong tanong niya sa dalaga. Hindi ito sumagot at tumingin lang sa kaliwa. "Araw ngayon ng cremation ni 'nay Recca. Irene, hindi pwedeng wala ka du'n."

"Ayoko. Hindi ako sasama!"

"Pero hindi pwede. Hindi pwedeng wala ka sa huling hantungan ng nanay mo! Nandu'n na silang lahat. Mga kamag-anak mo, sila kuya Ping, Eugene, ate Nicole, saka si Kaloy. Irene, ikaw nalang ang kulang."

"Tss. Imposibleng hindi magsisimula 'yan. They will start the last rites kahit na wala ako du'n!"

"Pero makakapayag ka bang wala ka sa huling hantungan ni 'nay Recca?" tanong niya na nakapagpatigil
kay Irene. "Irene, itigil mo na 'to. Hindi lang ikaw ang namatayan. Kasama ako du!n. Nandyan pa ang mga kapatid mo na nagdudusa rin katulad mo. Pero pinipilit nilang maging malakas lalo na si Kaloy. Sabi niya sa'kin kung hindi siya magiging matapang, sino nalang ang magiging malakas para sa inyo? Irene, nagdudusa rin sila katulad mo. At mas lalo silang nagdudusa dahil sa pagbabago mo. Isipin mo rin namang marami kaming nag-aalala sayo, Irene. . ."

". . .Alam ko namang malakas ka. Marami ka nang pinagdaanang mga problema kaya alam kong kahit ga'no kasakit, kakayanin mo parin ang pagkawala ni 'nay Recca. Kaya please lang, Irene, itigil mo na 'to."

Napauwang ang mga labi ng dalaga sa sunud-sunod na sinabi ni Jungkook. Unti-onting dumungaw ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa mga mata niya. Masyadong malalim ang mga salitang binitawan ni Jungkook na tumagos hanggang sa kabila ng katawan niya.

"Jungkook, b-bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to?" humihikbing tanong ni Irene kay Jungkook.

"Kasi. . ." napakagat ang binata sa labi. Wala namang masama kung magpapakatotoo sa nararamdaman. "Kasi ayokong nakikitang nahihirapan ka, Irene. Nahihirapan din ako sa t'wing nakikita kang nasasaktan."

Napalunok nalang si Irene saka yumuko. Hindi naman ganu'n kadali iyon. Pero pipilitin ko...

*•*•*

WHOO! ang intense. d ko knaya. haha.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
19K 141 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1K 137 33
SO, YOU SAW MY SCANDAL? a teen fiction an epistolary story, ongoing. written by: lunadeleine We all have dreams, and to achieve them, we have to make...