Chapter 21: Revealed

5K 214 7
                                    

Author's note:

Sorry po sa sobrang tagal na pag-update ng new chapter. Naging busy po ako sa school works dahil sa sobrang dami kong hindi agad na accomplish dahil sa 1 month na walang koryente dito samin. Isa pa naging hassle ang schedule at naghabol ako ng mga activities, quizes na hindi ko nakuha. Tapos nagkabagyo pa kaya hindi ako nakagawa ng new chapter.

One more thing sad to say wala akong maisip na maidagdag 😅😅 "author's block" po ako. Kaya kung lame man yung next chapters pagpasensyahan nyo na.

I hope you understand. Read well and enjoy. 😊


•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

KRISHZEL'S P.O.V.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Kase nagconfess lang naman ako kay Ashton and he did the same thing. And guess what we just ended up to a relationship. This is actually my first time having a boyfriend knowing that Tita Astrid and tito Clyde are so strict and they said that my priority must come first. My study, training and most of all my career.

Nandito parin kami sa Ice Palace at nasa kanya kanya na kaming kwarto as Farrah provide one room per person. The room is quite big for one pero ano pa nga ba ang aasahan ko? This is a palace for pete's sake.

Tutulog na sana ako ng may mapansin ako sa bintana kaya agad akong nagtungo doon at binuksan ko ang nakasarang bintana. Ngunit agad din akong napaurong nang may biglang pumasok na dalawang bilog na liwanag mula sa pinto.

"Luna." Agad kong naisambit nang magsimula na itong mag anyong tao.

Tiningnan ko lang siya at inintay na matapos ang kaniyang pagkabuo.

"Why are you here?" Agad kong tanong sa kaniya.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala ngnit wala akong pake. Dahil una ay higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay prinoproblema ko parin ang lahat ng sinabi niya saakin noon.

"Gusto ko lang na balaan ka." Sambit niya saakin na mas nagpagulo sa isip ko.

Balaan? Para saan? Napakunot ang noo ko at matalim na tumitig sa kaniya.

"Para saan? At bakit kailangan mo pa akong balaan?"

Huminga siya nang malalim at lumapit sa aking pwesto. Iniisip ko palang na humakbang papalayo sa kaniya ngunit parang naestatwa ang paa ko at hindi ko magawang makakilos.

Agad niyang inabot ang kamay ko bago tumingin saaking mata. Nagdulot ito saakin ng kaunting kaba at pag-aalala. Muli siyang tumitig saakin bago magpatuloy na magsalita.

"Krishzel sasabihin ko na sayo habang maaga pa...."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa katok mula sa pinto ko. Isang araw na ang nakalilipas nang makaalis kami sa Ice Palace. At isang araw narin akong nag-iisip ng tungkol sa lahat ng sinabi ni Luna. Isang araw kong pinag-isipang mabuti ang lahat ng iyon ngunit hanggang ngayon ay wala akong matinong sagot na mabuo sino siya? Sino sila at kelan?

Kahit pilitin kong isipin ay wala akong makuhang sagot at panay na sumasakit lang ang ulo ko dahil sa pag-iisip.

Tumayo na ako sa kama ko at isinuot ang aking contact lense at salamin. Tumitig muna ako sa sarili kong repleksyon bago magtungo sa pinto.

Nang mabuksan ko ito ay nadatnan ko si Farrah at Hydra na nakaabang saaking paglabas.

Nagtinginan muna silang dalawa bago sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi. Mag-sasalita palang sana ako ng itulak na nila ako papasok ng kwarto. Napaupo ako sa kama dahil sa kanila. Tiningnan ko sila ng masama ngunit tanging ngiti lamang ang nakuha ko mula sa kanila.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now