Chapter 18: Animal Guardians

5.1K 255 2
                                    

SOMEONE'S P.O.V.

"Kamahalan konting panahon na lamang po at maaari na nating isagawa ang ating pinaplano."

Saad ng aking kanang kamay kasama ang kaniyang asawa. Matagal tagal narin ang paghihintay ko upang maisagawa ang aking pinaplano at hindi ko na kayang mag-hintay pa ng mas matagal. Gusto ko na siyang makuha.

"Ano na ang balita? Anong kaganapan na ang nangyayari sa Emerald Academy?"

Nagkatinginan silang dalawa bago muling sumagot.

"Kamahalan ngayong araw na po isasagawa ang pagtanggap ng mga estudyante sa kanilang mga guardians. Kaya't magiging abala po ang lahat."

Napatango na lamang ako sa kanila at muling itinuon ang aking pansin sa papeles na nasa aking harapan.

"Kamahalan mauuna na po kami."

Pagkasabi niya nuon ay agad din siyang lumabas ng silid.

Hindi ko na kayang maghintay pa, nais kong makuha na siya at maisagawa ang aking plano.

Konting panahon na lamang at maisasagawa ko na din ang lahat.

KRISHZEL'S P.O.V.

Friday ngayon at ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Dahil ngayon na makakamit ang mga animal guardians.

Ito mismo ang itinakdang araw upang makamit ang mga Animal guardians dahil once a year lang ito nangyayari.

Marami ang excited na makita ang kanilang animal guardian. Syempre ako rin naman excited
na makita ang ibang mga animal guardians.

Sa totoo lang meron akong pito na animal guardians hindi tulad ng iba na isa lang ang meron. Si Atlas, siya yung ginamit ko para itrain sina Ashton, isa siyang Celestial Wolf pero kaya niyang baguhin ang anyo niya bilang isang puppy. Si Topaz na isang Giant Fire Phoenix, si Aquamarine na isang Giant Water serpent, si Volture na isang Nine Taled Wolf, Haru na isang War Beast, si Celaeno na isang griffin at si Berehynia na isang  Enchanted Dragon.

Naglalakad na kami patungo sa Field para sa paggaganapan ng summoning of animal guardians.

These past few days puro training lang ang pinagawa ko sa mga royalties pati kay Shane and they improve a lot. Si Shane pinagfocus ko sa pag improve ng healing ability niya and I also teach her on how to protect herself by means of physical combat, and also by the use of weapons, short range and long range weapons. Ganun din naman sa royalties pero pinagtuunan ko rin ng pansin kung pano nila mas maiimprove pa ang paggamit ng kanilang magic. I already teached them some of the legendary magic.

Nakarating na kami sa field at marami narin ang estudyante na narito. May nakaupo sa mga bleachers, may naglalakad meron din namang nag-uusap.

"Grabe ito na to, sana malakas ang animal Guardian ko tapos cute." Wika ni Athena na nakahawak pa sa braso ko.

Nagtungo nalang kami sa bleachers at naupo.

Iginala ko ang tingin ko at gaya ng dati marami ang nakatingin sa pwesto namin. Sanay naman na ako ng napag-uusapan pero binabalewala ko nalang.

"Krishzel?" Tawag saakin ni Ashton kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"Hmmm?" Tumitig muna siya saakin bago magsalita.

"You okay?" Makahulugang tanong niya kaya tumango nalang ako at itinuon ang aking atensyon sa may stage.

Hindi ko pa nababanggit, dahil dun sa ginawa ko these past 3 days yung kiss. Medyo nailang na ako kay Ashton dahil sa ipinapakita niya. Ewan ko kung nag-aasume lang ako kaya sinusubukan kong ibalewala nalang at maging komportable sa kaniya.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now