Chapter 54: War

4K 187 4
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Malaki na ang damage na nagawa ng mga darkanians sa ibat ibang bahagi ng Gemstone Kingdom. Kung saan saan na nagkalat ang kanilang kampon kaya kung saan saan narin makakarinig ng pagsabog.

Ramdam ko mula sa paligid ko ang nagsisimulang gera sa pagitan namin pati ng mga darkanians. Nakakaramdam man ako ng kaunting pangamba ngunit kailangan kong magpakatatag para sa kinabukasan ng lahat. Even if I need to risk my life for everyone, I must do everything just to protect all my people.

BOOM.

Another loud cracking noise enveloped the whole place because of the attack made by the Darkanians. Konting konti nalang at tuluyan nang mawawasak ang barrier na siyang promoprotekta saamin.

"Guardians." Saad ko at saka naramdaman ko ang paglabas ng aking mga Guardians na sina Atlast, Topaz, Aquamarine, Volture, Haru, at si Caleano. Hindi ko muna ilalabas si Berehynia dahil oras na maglaban kami ni Luciffer ay tiyak na kakailanganin ko ang tulong niya.

"Krishzel." Agad akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag saakin. Nakita kong tumatakbo si Shane papalapit saakin kasama ang ilang mga S-class.

"Krishzel, what's the plan?" Bakas sa mukha ni Shane ang pag-aalala ngunit isinantabi ko muna ang bagay na iyon.

Because she's right I need a plan. Napapikit ako ng mariin at napaisip ng mga bagay na kinakailangan kong gawin.

"Princess Krishzel are you okay?" Agad akong napamulat ng may magsalita at kumustahin ako. Ngumiti lang ako sa kaniya at saka tumango.

"I created a dimension before, gather all the younger kids, and all those students in the lower class. Make sure that no one will be left behind. After that, go straight to the Battle Arena and i will open the Portal that will lead everyone to that dimension that I created. Make sure that everyone will enter the portal as soon as possible before the darkanians brake the barrier. " pagkasabi ko noon ay agad silang tumalima saakin.

"Shane, gather all the healers and go straight to the training hall. But before that make sure that all your equipment is ready, I also created lots of Regaining energy Candy, kuhain mo nalang sa dorm ko. Magpasama ka sa iba dahil mabigat ang mga yon. Then standby kayo para sa mga masusugatan o masasaktan." Tumango siya saakin ngunit bago pa man siya umalis ay agad lumapit muna siya saakin at saka yumakap.

"Krishzel, be safe." Napangiti ako dahil sa sinabi niya saakin.

"You too, keep safe." Matapos iyon ay kumalas na kami saaming pagkakayakap at saka siya tumakbo papalapit sa iba.

"Krishzel." Agad akong napalingon kay Headmistress Jem na kasama na ngayon si Luna.

"Be careful and stay alive. Nasa likod mo lang kami." Nang sabihin iyon ni headmistress Jem ay iginala ko ang aking tingin sa paligid  at nakita ko ang mga estudyante, professor at ang ilang miyembro ng magic council na nakahanda naring lumaban.

Kaya tumango ako sa kanila.

Pumailanlan ang malakas na pagsabog hudyat na tuluyan na ngang nabasag ang barrier ng Academy.

Nakita ko si Azieneth o si Jessica Rifold na nasa unahan ng mga Darkanians at nakangising tumingin saakin. Iginala ko ang mata ko upang hanapin si Lucifer ngunit hindi ko siya matagpuan.

Kitang kita ang ganid sa mga mata ng mga Darkanians at ang pagkasabik sa pagpatay.

"Ohh Krishzel, are you nervous?" Nakangising saad ni Azieneth habang nakatingin saakin.

Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya saakin.

"Why would I? Because from the first place you're the one who look scared." Agad na bumakas ang inis sa kaniyang mukha dahil sa sinabi ko.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now