Chapter 25: Faith and Trust

3.9K 208 6
                                    

KRISHZEL'S P.O.V

Mabilis kong natapos ang misyon ko ngunit humingi muna ako kay Headmistress Jem ng isang araw para makauwe sa mortal world at bisitahin sina Tita Astrid at Tito Clyde. At tulad ng mga bilin ng mga royalties ay bumili rin ako ng mga bagay na gusto nilang ibigay ko sa kanila bilang pasalubong at para narin hindi nila mahalata na nagsisinungalin ako sa kanila.

Ngayong araw na ang balik ko sa Emerald Academy at heto ako ngayon hindi ko alam kung pano ko dadalhin ang mga gamit na binili ko para sa kanila.

"Baby Vish, sigurado ka bang ngayon kana babalik dun? Hindi ka manlang nagtagal dito kahit isang linggo eh." Pagtatampong sambit saakin ni Tita Astrid na ngayon ay nakayakap na saakin.

Kanina pa kami nag-uusap sa bagay na to pero sadyang makulit si Tita Astrid at gusto pa akong magstay ng isang linggo.

Habang si Tito Clyde naman ay tawa ng tawa dahil sa kanina pa ako nakabusangot dahil sa kadramahan ni Tita Astrid.

Gustuhin ko mang magstay pa dito ng isang linggo o buwan man ay hindi pwede dahil may klase parin kami.

"Tita diba nga isang araw lang ang binigay sakin ni Headmistress Jem para makapagstay dito bilang reward sa pag accomplish ko ng mission kaya gustuhin ko mang magtagal pa dito ay hindi pwede." Saad ko kay Tita Astrid at niyakap ko siya ng mahigpit.

May paluha luha pang nalalaman si Tita at nagbeautiful eyes pa sakin pero kami ni Tito ay tinawanan lang namin siya.

"Sige ganyan kayo. Pinagtutulungan nyo nanaman ako. Ikaw Honeybee nakakaasar ka. Hindi mo manlang ba pipigilan si Baby Vish na umalis?" Pagpapaawang sambit ni Tita Astrid kay Tito Clyde kaya naman napangiti ako.

They always act like teen agers lalo na pagnaglalambingan sila but for me sobrang cute tingnan nun.

"Huh? Samantalang dati pinagtutulakan mo pang paalisin si Baby Vish para lang magransfer tapos ngayon parang ayaw mo ng paalisin. Hahhahaha" sambit ni Tito Clyde at tinatawanan pa ang nagdradrama niyang asawa.

I have no much time left kaya inabala ko na sila sa lambingan nila.

"Ehem Tito Clyde baka naman pwede nyo na akong ihatid kase baka abutan pa kayo ng dilim sa pag-uwe. Mamaya nyo nalang ituloy yang lambingan nyo ni Tita Astrid. Hahahah." Napatawa naman si Tito Clyde at humiwalay na ng yakap kay Tita Astrid.

Si Tito Clyde lang ang maghahatid sakin dahil ayaw daw sumama ni Tita Astrid at baka daw hindi nya ako mabitawan pag bumaba na ako ng kotse.

"Bye Tita I love you." Saad ko kay Tita Astrid at humalik na sa kaniyang pisngi.

Hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya at baka magpaliwanagan na naman kaming dalawa kaya tumakbo na ako papasok sa kotse ni Tito Clyde.

Habang nasa biyahe ay naisipan ko nalang na matulog para naman makapagpahinga muna ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nakarating na ako sa tapat ng gate ng Emerald Academy ngunit parang mabigat ang pakiramdam ko. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at naglakad na patungo sa office ni Headmistress Jem. At tulad dati ay nakasuot na naman ako ng nerdy get up ko.

Habang naglalakad ako ay panay ang tingin  saakin ng mga nadadaanan kong estudyante. At parang mas lumala ata ang trato nila saakin.

"Sya ba yung tinutukoy ni Marish na traydor daw?"

"Oo, yan yun. Sya yung nasa video eh."

"Grabe no, akala ko pa naman totoo yan traydor pala."

"Pero bakit ang lakas naman ata ng loob niyang bumalik pa dito? Hindi ba siya pinapalayas ng council?"

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now