Chapter 44: Lies

4.2K 185 3
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Sobra akong nasaktan dahil sa mga narinig ko mula kay Shane. Hindi ko naman lubos akalain na ganon ang mararamdaman niya sa kabila ng lahat.

Alam ko na masakit ang ganong pakiramdam but I only want her to live the life she had. Am I being selfish?

Muling tumulo ang butil ng luha mula saaking mata dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hapon na ngayon at hindi parin ako lumalabas ng kwarto mula nang magkausap kami ni Shane. I guess you will think na napakaimmature ko but Hell no, Hindi ako immature just because iniiyakan ko at hindi ko naiintindihan ang sitwasyon.

"Krishzel everything would be alright." Saad ko sa sarili ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo mula sa pagkakaupo ko sa harapan ng salamin. Gusto ko munang lumabas ng aking silid at magpahangin sa labas. Gusto kong maglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng training.

Akmang lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto kaya't natigilan ako.

Unang pumasok sa loob si Tita Astrid at Tito Clyde kaya naman lumapit ako sa kanila at napayakap.

"Ohhh Baby Vish." Nakangiting usal saakin ni Tita Astrid habang hinahaplos ang aking buhok.  Samantalang si Tito Clyde naman ay masaya lang na nakatingin saakin.

Ilang sandali pa ay kumalas narin ako sa pagkakayakap sa kanila.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanila at masinsinan silang tiningnan.

"Baby Vish, gusto lang naming ipaalam sayo na bumalik na ng Academy si Shane kasama si
Headmistress Jem. Actually gusto sanang magpaalam ni Shane sayo kanina pero hindi ka daw nagbubukas ng pinto kaya hindi na nya nagawang makapag-paalam."

Agad akong natigilan sa sinabi ni Tita Astrid. Sobra akong kinain ng kalungkutan at dahil sa kakaiyak ko kanina ay nakatulog ako. Mapait akong napangiti dahil sa frustration na nararamdaman ko.

"How's Shane?" Malungkot kong pagkakasaad kay Tita Astrid.

Ibinaling ni Tita Astrid ang tingin niya kay Tito Clyde bago tumango.

"Baby Vish, Shane is fine. Medyo nag-aalala lang siya sayo nung umalis sya." Napatango nalang ako sa sa sinagot saakin ni Tito Clyde.

"Sige na baby Vish, alis na kami. Pinatawag kaming bigla ni King Kieffer pero dumaan lang muna kami dito para ipaalam sayo ang pag-alis ni Shane."

Nang masabi iyon ni Tito Clyde ay lumabas na sila ng kwarto ko at umalis.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto at saka lumabas narin ng kwarto ko upang magpahangin sa labas.

SHANE'S P.O.V.

Ngayon ay pabalik na kami ni headmistress Jem sa Academy. Ilang araw din akong hindi nakapasok dahil sa mga nangyari ngunit tulad ng sinabi nila saakin ay hindi ko maaaring sabihin kahit na kanino ang mga natuklasan ko dahil maaaring mapahamak si Krishzel o di kaya ay ako.

"Ms. Heal, remember what I told you. Do not mention anything. Okay?" Seryosong saad saakin ni Headmistress Jem at tanging tango nalang ang sinagot ko sa kaniya.

Bumukas ang gate at tumambad saamin ang tahimik na hallway. Wala ni isang estudyante ang naglalakad sa kahit na anong pasilyo nitong hallway, marahil dahil sa may klase.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa school ni Headmistress Jem at napagdesisyunan niya na ihatid na ako sa room namin at ilang sandali pa ay narating na namin ang room ng mga S-class.

"Thank you po headmistress." Tanging saad ko sa kaniya at pumasok na sa loob.

Nang makapasok ako ay bumungad saakin ang gulat na gulat na itsura ng mga royalties. Halos lahat ay natigilan nang makita nila akong nakatayo sa kanilang harapan.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now