Chapter 8: Closeness

5.9K 261 6
                                    

Krishzel's P.O.V.

Halos wala akong tulog dahil nakarating ako dito sa dorm ng halos mag-uumaga na. Pagkadating na pagkadating ko dito ay ginawa ko na ang potion na naisip ko, ang Magic Killing Potion  kaya nitong pumatay ng kapangyarihan ng isang katulad ko at once na maconsume niya ito tuluyan kanang magiging normal na tao. No magic no special ability just a normal one.

Delikado ito kung kayat wala dapat makakaalam nito maliban kay professor Elainne.

Nagayos na ako ng sarili ko at nagtungo sa cr para maligo. After that nagbihis na din ako para makalabas na ng kwarto ko. I wear mg eye glasses and look into the mirror. Tiningnan ko lang ang sarili kong reflection. Kapansin pansin padin ang paso sa leeg ko dahil sa pagkakasakal saakin hi Ashton. Hindi ko na sya ginamot dahil kaya naman ng katawan ko na gamutin ito pero it will take days bago tuluyang maghilom.

Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko kung bakit hindi ko magawang gamutin ito. May nagtutulak sakin na pigilan ang paggagamot dito kaya naman hindi ko nalang pinansin.

Lumabas na ako ng room ko at naabutan ko si Hydra at Farrah na nasa kusina na. Hydra is smiling like her usual thing while Farrah is thinking about something because of her look.

Una akong binati ni Hydra ng mapansin niya ako, lumingon din saakin si Farrah at ngumiti. Umupo ako sa table dahil inaya na ko ni Farrah na mag breakfast kami.

"Ahmmm Krishzel." Pagtawag saakin ni Farrah habang kumakain kaya naman lumingon ako sa kanya.

Inubos ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago tuluyang magsalita.

"Ahm yes Farrah? Okay kana ba?" Pagtatanong ko sa kanya at ngumiti.

"Oo, okay na ako. Gusto ko lang magthank you dahil sa ginawa mo sakin, samin. I'm so blessed dahil nakilala ka namin. Di ko alam ang gagawin ko kahapon buti nalang at ginamot mo ako at hindi nabawasan ang points ko." Tumayo sya at lumapit sa pwesto ko para yakapin ako. Yumakap sya saaking likod at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat. Tumalima naman ako sa pagkakayakap sa kanyang mga braso na nakapulupot saakin.

"Ano ka ba, walang problema." Ngumiti ako at bumitaw na sa pagkakayakap sa kaniya. Bumalik din siya sa kaniyang upuan at ipinagpatuloy ang pagkain. Napansin ko naman si Hydra na parang nag-aalala saakin.

"Hydra, what's with that face?" Tila natigilan sya sa sinabi ko at tuluyang humarap saakin ganun din naman si Farrah.

"Krishzel ayos ka lang ba?" Pagtatanong niya na parang sobrang nag-aalala.

"Oo naman. I'm good bakit mo naman natanong?"

Nakita kong nagtinginan sila ni Farrah bago tuluyang mag salita.

"Ano kase, you still have the burns in your neck, why dont you heal it?"

Hinawakan ko ang tinutukoy niya at ngumiti.

"Don't worry I'm fine. Hindi ko na siya ginamot kase my body have the ability to heal on its own kaya pinabayaan ko nalang." Natigilan sila sa sinabi ko at muling nagsalita.

"Pero dapat ginagamot mo na yan para hindi na lumala pa."

"Dont worry Hydra it will heal soon. Pati minsan lang naman ako magkasugat kaya no big deal. Hihilom din yan sa mga susunod na araw. Kailangan din ng katawan ko na kaexperience ng pain para hindi maging manhid ang katawan ko."

Tumango nalang sila sa sinabi ko. Natapos kaming kumain kaya napag disisyunan na naming pumasok.

Nang makalabas kami ng dorm namin ay naglakad na kami sa hallway patungong class room. Bale history ang klase namin ngayon then ang susunod ay training.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now