Chapter 47: Reasons

4.8K 232 16
                                    

ASHTON' P.O.V.

Hindi ko halos maintindihan ang nararamdaman ko. Naging masaya ako dahil sa nakita kong buhay si Krishzel at kasama na namin siya ngayon ngunit nasasaktan ako dahil hindi niya kami naaalala.

Nang matapos at naayos ang kaguluhan kanina ay nagtungo kami sa room ng mga royalties dahil naisipan naming ipaalala kay Krishzel ang lahat. Ngunit bigo kami dahil hindi niya kami makilala at wala rin naman siyang naaalala.

Masakit para saakin ang nangyari kay Krishzel dahil inaamin ko na may kasalanan ako sa lahat ng nangyari sa kaniya. I know na matagal na nangyari yun pero hanggang ngayon at naguiguilty parin ako.

Nakaalis na si Krishzel dito sa room kasama si Shane dahil may pupuntahan daw si Krishzel. Nagpresenta ako na ako nalang ang sasama ngunit hindi na ako pinayagan ng iba kong mga kasama dahil sa namumugto kong mata. Yes, umiyak ako kanina dahil sa nasasaktan ako para kay Krishzel dahil hindi niya kami naaalala. Halos lahat naman kami ay umiyak lalo na si Athena.

You hear it right. Umiyak ako. I'm a gay? No. Because a real man is not afraid to show and express what he really feels.

Pero ano bang magagawa namin? Hindi naman namin kayang ibalik ang ala-ala ni Krishzel.

"Ashton, I think kailangan mo nang magpahinga. Look at you. You look wasted." Napalingon ako kay Farrah nang magsalita ito at sinang-ayunan nmn ng iba.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa frustration. Ngunit agad rin akong tumayo at kinuha ang gamit ko. Tutal gusto ko rin namang mapag isa. Kaya lumabas na ako ng room ng mga royalties at nagtungo sa sarili kong dorm.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Marish maging ang kaniyang ina at ama.

Sa pagkakaalam ko ay expulsion ang naging parusa ni Marish dito sa Academy marahil dahil sa patong patong na reklamo sa kaniya.

Yumuko ang tatay at nanay ni Marish saaking harapan nang magkatapat kami. Lagi nila itong ginagawa saakin bilang paggalang.

"Prince Ashton." Saad ng nanay ni Marish. Tumango lang ako sa kanila at nagsimula na muling maglakad.

Ayoko muna silang makaharap ng ganito ang itsura ko. Halos namumula mula pa ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

Nang makarating ako sa aking dorm ay dumaretso agad ako saaking kama at ibinagsak ang aking katawan sa malambot na higaan. Pinagmasdan ko nalang ang kisame at nag isip ng mga bagay bagay.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may maisip akong gagawin.

Naisip ko na dapat akong humingi ng tawad kay Krishzel dahil hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kaniya ng personal magmula noon.

Tumayo na ako sa aking pagkakahiga at nagtungo sa banyo upang maligo.

KRISHZEL'S P.O.V.

Alam ko na nakagawa ako ng kasalanan sa mga royalties ngayon. Dahil sa kasinungalingan na hindi ko sila naaalala. Ngunit may dahilan ako kaya ko ginawa iyon.

Isinama ko si Shane upang sa kaniya muna sabihin ang lahat. Dahil alam ko na mapagkakatiwalaan ko siya at isa pa ay hindi makakahalata ang taong inutusan niya upang manmanan ako.

Nang makalayo kami sa room ng mga royalties ay agad kong hinawakan ang kamay ni Shane at nagteleport sa ginawa kong dimensyon. Oo, gumawa ako ng sariling dimensyon nang sagayon ay walang makakaalam kung nasaan kami at walang makakahanap saamin.

Gulat ang rumihistro sa mukha ni Shane nang makapunta kami sa dimensyong ginawa ko.

"P-pa-paanong...?" Nauutal na pagkakasabi ni Shane habang inililibot ang kaniyang tingin sa kabuuhan ng lugar.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now