Chapter 37: Mortal World

4.3K 211 3
                                    

SOMEONE'S P.O.V.

"Panginoon nakaayos na po ang lahat.  Kayo nalang po ang iniintay." Saad nang aking kanang kamay kasama ang kaniyang asawa.

Agad akong napangiti dahil sa wakas ay wala nang makakapigil pa saakin at nasa kamay ko na si Krishzel. Masaya ako dahil sa nagtagumpay ang aking plinano nang matagal na panahon.

"Sige mauna na kayo." Agad silang tumugon at nauna nang umalis sa aking silid.

"This will be the beginning of everything."

ASHTON'S P.O.V.

Just like what we have planned yesterday, aalis kami ng academy at exactly 6 am ngayong araw. Alas tres palang ng madaling araw ay gumising na ako para makapagprepare ng sarili ko.

Yesterday, I already packed all the things I need for the mission  kaya wala na akong aalalahanin pa ngayon. I only need to check my things and then ready to go.

I'm really happy right now dahil malapit ko nang makita ulit si Krishzel. I can't hide my excitement and I can't wait to see her and hug her again.

"Ashton lets go." Rinig kong sigaw ni Andrew mula sa labas ng aking kwarto kaya napatayo na ako at kinuha ang aking gamit.

Sandali muna akong tumayo at huminga ng malalim bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Nang makalabas ako ng kwato ay nakita kong papalabas na ng dorm sina Harry at Andrew kaya nagmadali na din akong sumunod sa kanila.

Medyo madilim dilim pa ngayon dito sa labas dahil sobrang aga pa.

"I think magiging masaya ang mission na to. Hoo excited na akong makapunta sa mortal world." Nagagalak na litanya ni Andrew at parang bata na lumalakad na parang tumatalon talon pa.

Napailing nalang ako dahil sa inasal niya. He's so childish.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa entrance gate ng Academy at katulad namin ay kararating lang din ng mga girls. Agad na sumalubong ang ngiti nila saamin at bakas sa mukha nila ang excitement.

"Ashton did you bring Krishzel's photo?" Agad na tanong saakin ni Farrah kaya tumango nalang ako bilang tugon.

"Are you all ready?" Agad kaming napatingin sa likod nang may marinig kaming ibang boses.

"Headmistress Jem." Sabay sabay naming saad kay headmistress Jem na papalapit na sa pwesto namin.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay tumingin muna siya saamin bago ngumiti.

"Good luck to your mission and keep safe everyone." Paalala niya saamin at sinabihan ang guard na buksan na ang gate.

Nagpaalam na kami kay Headmistress Jem at nagsimula nang lumakad papalabas ng academy. Kailangan lang naming maglakad ng ilang minuto para makapunta sa pinaka portal papunta sa mortal world. Iilan lang ang maaaring makalabas ng portal dahil nasa batas ito ng mundo namin.

"Ohh my gosh. This is it. I'm really excited to see ate Krishzel." Masayang sambit ni Athena habang nakahawak kay Shane. Sobrang close talaga nilang dalawa at masaya ako dahil don. Dahil dati wala siyang ibang nakakasama kundi kami because of her trust issue and when Krishzel came naging close silang dalawa until naging kaclose din ni Athena si Shane. Medyo nagbago narin si Athena dahil naging positive na sya sa lahat ng bagay hindi tulad ng dati na halos lahat ng ikinikilos niya ay may halong pangamba.

Medyo maliwanag na rin ngayon dahil sa papasikat na araw. At konting minuto nalang ay mararating na namin ang portal papunta sa mortal world. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong mundo ang sasalubong saakin pagpunta namin sa mortal world. Pero hindi dahil sa isa itong mission ay mapipilitan akong pumunta dahil gusto ko rin namang maranasan kung paano nabubuhay ang mga mortal. Isa pa gusto kong makita ang mundong kanilang ginagalawan. Walang mahika, walang darkanians walang mga kung ano ano at puro normal na bagay lang ang makikita.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now