Chapter 2: Emerald Academy

7.9K 276 9
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Maaga akong gumising para makapag prepare ng mga gamit na dadalhin ko papuntang Emerald Academy, dahil sabi ni tita Astrid stay in daw dun dahil sa dorm na kami maglalagi. Kung ganun nga, I guess kailangan ko talagang dalhin halos lahat ng gamit ko.

Kinuha ko ang dalawang maleta sa walk in closet ko at Inilapag ko sya sa kama ko at binuksan. Kulay red with stripes of black yung isang maleta then yung isa naman ay plain lavander color. Pumunta na ako sa walk in closet ko at kinuha ang halos lahat ng gamit ko dun. After that nilagay ko na sila sa maleta ko na kulay lavander then kinuha ko nadin ang mga gadgets ko, my laptop, cellphone, headphone, charger at kung ano ano pang mga gadgets, yung iba ay galing na sa magic world kase mas advance ang technology na meron sila dahil sa mga taong may techno ability. Then after that inilagay ko na sila sa red and black ko na maleta together with my nerdy outfit na binili nina tita kahapon.

May naalala ako na hindi ko dapat makalimutan ang kwintas ko. Kinuha ko sya sa safe vault sa walk in closet ko at muli itong tiningnan. Katulad ng pangalan ko ang pendant nito,  hugis bilog pero somehow parang naka yin and yang ang dalawang gem stone na amethyst at emerald. Ibinalik ko na sya sa box at sumara na ito. Ako lang ang makakapagbukas nito dahil nilagyan ko ito ng high level spell na ako mismo ang gumawa.

Matapos kong ayusing ang mga dadalhin ko ay muli kong nilibot ang kwarto ko. Bawat ditalye ay inalala ko hanggang sa walk in closet ko, sa CR , sa study table. May mga natira pang mga gamit na hindi ko naman magagamit sa academy. Then nagsimula na akong maglakad papalabas sa kwarto ko bitbit ang dalawang maleta kaya medyo hirap din ako. Gumamit na ako ng magic para maibaba ang dala kong maleta.

Ginamit ko ang levitation ability ko para mapalutang ang dala ko, pababa ako ng hagdan at nakasunod saakin ang mga dala ko. Sorry na ang bigat talaga eh hindi naman sa tamad ako kaya ginawa ko nadin yun. Nang makababa ako ay nakita ko sina Tita Astrid at Tito Clyde na naghihintay na sa sala.

"Good morning Tita Astrid, Good morning Tito Clyde." Pagbati ko sakanila sabay halik sa kanilang pisngi.

Bahagya pa silang nagulat dahil sa itsura ko ngayon. Coz obviously naka nerdy look na ako ngayon. Nakasuot ako ng dress na above the knee, color lavander then suot ko rin ang contact lenses at ang eye glasses na mala betty. Inilugay ko narin ang buhok kong kulay violet. Kahit naman nerd ang dating ko medyo may class naman ako kaya ganito ang suot ko. Siguro di ako mukhang nerd eh. Pero ganun talaga hindi nyo ako masisisi.

"Good morning Baby Vish." Pagbati ni tita Astrid sakin.

"Are you ready Vish?" Tanong ni tito Clyde na mukhang gusto na talagang umalis.

Di na ako nagpatumpik tumpik pa kaya tumango na ako. Naglakad kami papunta sa garahe. Si Tito Clyde na ang nagdala ng Maleta ko. Gentleman naman talaga si tito eh. Inilagay ni tito ang maleta ko sa likod at sumakay na ng kotse. Nauna na silang sumakay, muli kong tiningnan ang bahay na tinirhan ko ng almost 11 years. After that ay sumakay nadin ako sa kotse.

"Baby Vish excited na ako para sayo." Saad ni tita bahang malawak ang ngiti niya sa kaniyang mga labi.

"Halata nga tita eh, parang mas excited pa kayo kesa sakin. Knowing na ako talaga ang papasok." Natatawa kong sagot sa kanya kaya natawa narin pati si tito Clyde.

Pinaandar na ni tito Clyde ang kotse kaya kinuha ko na ang cellphone ko at ang headphone ko. Nag simula na akong magpatugtog habang sinasabayan ng pagkanta.

Maya maya ay biglang tumigil ang sasakyan kaya naman napatigil din ako sa pagkanta. Agad kong tinangal ang headphone ko at tiningnan sina Tito Clyde at Tita Astrid. Nakita ko naman na parang nagbago ang kanilang aura kaya nagtanong nalang din ako.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now