Chapter 22: Gossip

4.6K 208 21
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Maaga akong bumangon para makapagsimula na agad ng mga bagay na gagawin ko. Kaya agad akong nagtungo sa banyo para makapagligo na at nang matapos ako sa pagbibihis ay nagtungo na ako sa harapan ng salamin upang ayusin ang mukha ko. Isinuot ko na ang contact lenses ko at ang aking salamin. Ilang sandali ko munang pinagmasdan ang sarili kong repleksyon at nagpatuloy na sa pag iintindi.

Nakauniform ako ngayon pero imbis na sa room ako magpunta ay sa Headmistress office ako pinapapunta. Hindi ko alam kung bakit pero gaya ng sabi saakin ay kinakailangan kong pumunta ng mas maaga kaya ito ako ngayon aligaga.

Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko sina Hydra at Farrah na nag-aalmusal nagkukwentuhan lamang sila habang kumakain. Nang mapansin nila ako ay inaya nila ako kumain pero tumangi ako dahil sa baka mainip na si Headmistress Jem sa kakaintay saakin.

Habang naglalakad ako sa hallway ay panay ang tingin saakin ng mga nadadaanan kong estudyante. Pero dinededma ko nalang dahil hindi na kelangan pang pag-tuunan ng pansin ang mga ganung bagay may mas importante pa akong kelangang gawin kesa makipagtalo pa sa kanila.

Gamit ang ability ko ay naririnig ko ang mga bulungan nila. Kaya naman napaismid nalang ako dahil sa mga bagay na pinag-uusapan nila tungkol saakin. Nakakatawa mang isipin ay hinahayaan ko nalang. Bakit ba sobrang big deal nun para sa kanila. Kung kilala lang siguro nila ang totoong ako tiyak titigil ang matatabil na bunganga nyang mga yan.

"Did you hear the rumor na sila na daw ni Prince Ashton. And take note this girl pinapadalhan pa daw yan ng flowers."

"Talaga ba? Sa pangit nyang yan papatulan yan ni Prince Ashton?"

Nagtawanan lang sila ng nagtawanan.

Madami pa akong naririnig mula sa kanila. At wala nang ipagtataka na ako ang pinag-uusapan nila. Who cares anyway they aren't worth of my time. Nang makarating ako sa office ni headmistress Jem ay kumatok nalang ako at agad rin namang bumukas ang pinto.

Agad na ngumiti saakin ang secretary ni headmistress at pinapasok ako sa loob naglakad kami patungo sa table kung nasaan si headmistress jem.

"Good morning ma'am." Sambit ko sa kaniya at naupo na sa bangkong kaharap niya. Ngumiti lang siya saakin at uminom ng kape. Tila kampanteng kampante siya sa pagkakaupo niya.

Ilang sandali pa bago siya muling magsalita.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I will sent you to a mission." Casual na sabi niya saakin. Kaya naman napangiti nalang ako.

Hindi ko alam pero naeexcite ako sa mission na ibibigay niya saakin. This is actually my first mission and I guess this will be fun.

"What mission Headmistress?" Agad kong tanong sa kaniya.

Huminga muna siya ng malalim at tumingin saakin. Kaya naman nagtaka ako dahil sa inasal niya. Nagkatitigan lang kami sandali bago siya tuluyang nagsalita.

"It's an S class mission." Napahawak naman ako sa bangko ko dahil hindi ko inaasahan na bibigyan ako ng S class mission. Dahil sa pagkakaalam ko ay ang S class mission ay ibinibigay lamang sa mga grumaduate na o di kaya ay sa mga soldiers. I know na magagawa ko naman but I'm just wondering kung bakit saakin to ibibigay.

Kaya nakapagtataka naman.

"I think isama mo din ang Royalties." Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na sasama sila saakin dahil alam kong magiging sagabal lang sila sa mission na gagawin ko. At baka mahalata nila ang kapangyarihan ko oras na magkagipitan na. Ayoko naman na may masaktan pa sa kanila once na sumama sila saakin. They are not yet ready for an S class mission kaya much better na hindi na sila kasama.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now