Chapter 3- Water and Ice

6.9K 268 8
                                    

Krishzel's P.O.V.

Bumukas ang pinto ng dorm at tumambad sa harapan ko ang babaeng parang kagigising lang. Makalat ang buhok nito, namumungay ang mga mata at papikit pikit pa. Bakas sa mukha nito na kagigising lang talaga.

"Yes? What can I do for you? *Yawnnn*." tanong niya at saka humikab.

"Ahm I guess you are my dorm mate?" Nanlaki ang mata niya at umayos ng tayo. Inayos niya ang kaniyang buhok at parang nagising na sa katotohanan..

"Hehehehe. sorry ang antok kase ehh." Napakamot siya sa ulo niya at natatawa sa kashungaang ginawa nya.

"Ahmmm pasok ka." Pumasok ako sa dorm at namangha ako sa laki ng loob nito. I admit malaki talaga sya. Umupo muna ako sa sofa sa sala at ganun din siya.

"By the way sorry talaga ha, inaantok pa kase ako." Paghingi niya ng tawad sa muling pagkakataon, napangiti nalang ako dahil sa inasal niya.

"No, its okay. No problem"

"Ahmm.. by the way I am Hydra Ferrin Walter. Nice to meet you." Inilahad niya ang kanyang kamay tanda ng pakikipaghand shake kaya naman tinanggap ko yun.

"Krishzel Vish Amethyst." simpleng pagpapakilala ko sa kanya.

"Nice name. Anong magic mo then SA?" Nakangiti niyang tanong sakin.

"Ahm I'm a Healer then Earshot is my SA."
Natuwa siya sa sinabi ko at parang naaamaze pa ang mukha.

"What about you? What is your magic and S.A?" Pabalik kong tanong sa kanya, syempre dapat malaman ko din ang magic nya.

"Ah Water Elementalist ako then my S.A. is teleportation." Nakangiti niyang saad saakin.

Great elementalist pala sya. Kung pwede ko lang talaga ipagmayabang na hawak ko ang lahat ng magics hindi sana ako magiging mukhang weak.

I will describe her, she has blue hair, light blue eyes at maputi, I admit maganda rin sya.

Hindi ko namalayan na umupo na rin sa harap ko ang isa ko pang dorm mate.

"Hi." Bungad nito saakin kaya napangiti ako at saka sumagot sa kaniyang pagbati.

"Hello."

"By the way I am Farrah Woodwink, Ice Elementalist and my SA is barrier manipulator and you are?" Matapos niyang magpakilala ay para bang nag-aabang siya ng sagot ko.

"Krishzel Vish Amethyst, Healer and Earshot is my SA." Maikling pagpapakilala ko sa kanya.

Like Hydra ieexplain ko rin ang kaniyang look, white hair like snow, sky blue ang color ng eyes then maputi rin sya. Maganda rin sya.

Hydra's P.O.V

Hiyang hiya talaga ako kanina pagbukas ko ng pinto, di ko aakalain na darating na ang bago naming dorm mate haist epic fail na naman ako. Pero okay lang kase maganda ako.

Matapos naming magkakila kilala ay nagkwentuhan pa kami. Nalaman namin na galing pala siya sa Mortal world. Buti pa sya nakapunta na sya sa mortal world eh ako? Dito at dito lang, pati sa mga Palace sa kingdom namin.

Hindi ko pa pala siya natatanong kung sa anong class sya nabibilang. Sorry ganun talaga dapat alam natin ang lahat. Naaamaze talaga ako sa kanya kase maganda naman sya kaso nga lang nerd ang dating pero maganda sya. Natatabunan lang ng malalaking salamin.

Unlike us, black ang kulay ng eyes nya. Symbolizes na normal blood lng sya.  Unlike saamin ni Farrah Royal Blood kami at elemental user. Siya ay Healer lang.  Hindi sa minamaliit ko sya ha. Kase dito kokonti lang ang pumapasok na Normal blood dahil kadalasan sa Mercury Academy sila pumapasok. Kokonti lang ang nakakapasok dito na normal blood at halos sala lang talaga.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now