Chapter 34: Pain

4.6K 198 24
                                    

Hi Dreamers.
I'm so sorry dahil sa ngayon lang ako makakapag update. Siningit ko lang to sa schedule ko. 😅 Nag-eexam kase kami kaya halos wala akong time para makapag sulat. I hope you understand.

Ps. Sorry isang chapter lang nakayanan ko. But I promise next time babawi ako.

Love lots.


ANDREW'S P.O.V.

Ilang oras na kaming nandito sa labas ng kwarto ni Ashton. Parteng nakabukas man ang pinto pero hindi namin magawang pumasok. Magmula nang makalabas kami ng opisina ni Headmistress Jem ay agad na nagtungo dito si Ashton kaya wala na kaming ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.

Nasasaktan kaming lahat dahil sa nalaman na namin ang buong katotohanan ngunit alam ko na mas nasasaktan si Ashton. Alam kong mahal na mahal ni Ashton si Krishzel kaya't alam ko na sobrang nagsisisi siya sa mga nagawa niya kay Krishzel.

Si Ashton yung tipo ng lalaki na sobrang dinidibdib ang mga nagawa niyang mali sa mga taong mahalaga sa kaniya lalo na kapag nasaktan na niya ito.

Kanina pa nagwawala si Ashton sa loob ng kwarto niya at hanggang ngayon ay hindi parin siya tumitigil maging ang pag-iyak niya ay patuloy parin. Patuloy lang ang pagkalabog at pag-ingay ng mga nababasag na bagay sa loob ng kwarto ni Ashton dahil sa pagwawala niya.

Naaawa ako sa kalagayan ni Ashton ngayon, sobra siyang nasasaktan dahil sa mga bagay na ginawa niya kay Krishzel. Pero sa tigin ko ay mas kaawa awa si Krishzel ngayon dahil sa nangyari sa kaniya.

"I think kailangan na nating kausapin si Ashton." Napabaling ang tingin namin kay Harry at halatang nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang pinsan.

"Let's talk to him. Kanina pa yan nagwawala eh baka kung mapano pa yang si Ashton." Pagsang-ayon naman ni Farrah sa sinabi ni Harry. Kaya tumango nalang kami sa kaniya.

Akmang papasok na sana kami ng kwarto ng magsalita si Shane.

"Mauna na kayo."

Kunot noo namin siyang tiningnan at minabuting tinanong.

"Bakit naman Shane? Galit ka pa ba kay Ashton? Hindi mo ba siya kayang harapin?" Nag-aalalang tugon sa kaniya ni Hydra at lumapit pa ito kay Shane.

Ngunit umiling lang si Shane bago mag salita.

"Hindi naman sa ganon Hydra dahil wala naman akong karapatang magalit kay Ashton. May kukunin lang ako sa dorm at sa palagay ko kakatulong iyon."

Napatango kami sa kaniya at agad narin siyang lumabas ng dorm namin.

Wala na kaming sinayang pa na panahon at pumasok na kami sa loob ng kwarto ni Ashton.

Nadatnan namin ang kwarto ni Ashton na sobrang gulo, maraming nabasag na mga gamit at kung ano ano pang sira sirang gamit niya ang nakakalat sa kabuuhan ng kaniyang kwarto.

Akmang susuntukin na ni Ashton ang pader ng agad na nagtungo sa kaniya si Athena at agad na yumakap sa kapatid.

"Kuya tama na." Nag-aalalang saad ni Athena sa kaniyang kapatid habang yakap yakap niya ito mula sa likuran.

"How can I stop Athena? Tell me. Nasaktan ko si Krishzel ng paulit ulit, muntikan ko pa siyang mapatay. Dapat hindi ko siya agad hinusgahan ng ganun kadali, I'm a fucking asshole. Damn it. Dapat lang na masaktan din ako dahil mas deserve ko yun."

"Kuya tama na. Alam ko na nagsisisi ka pero bakit kailangan pang humantong sa ganito na sasaktan mo pati sarili mo? Kuya, sa tingin mo ba gugustuhin ni Ate Krishzel na makita kang nagkakaganyan? Kuya stop acting like an immature."

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now