Chapter 48: Kill

4.2K 191 4
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

"Krishzel, sigurado ka ba sa gagawin mo? Sobrang delikado Krishzel. Why not na samahan nalang kita?" Tanong saakin ni Shane habang hindi mapakali sa kaniya kinatatayuan.

Natigilan ako dahil sa huli niyang sinabi saakin. Dahil hindi ako makakapayag na sumama pa siya dahil gaya narin ng sinabi niya ay delikado ang gagawin ko. But I need to do this alone para hindi makahalata ang taong nagpapanggap na si Daddy.

Lumapit ako kay Shane saka hinawakan ang kaniyang balikat at Tumingin sa kaniyang mata.

"Shane, hindi kita pwedeng isama dahil baka mapahamak ka lang. At isa pa walang mangyayaring masama saakin. Pangako." Pagkasabi ko noon ay iniwan ko nalang siyang nakatayo sa loob ng kwarto ko at nagteleport sa labas ng aking dorm saka naglakad papalayo.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita kong papalapit saakin si Ashton kaya naman muli kong naalala ang huli niyang sinabi saakin kahapon bago ako umalis.

"I miss you Krishzel. I really do. I love you and I can't afford to lose you again. Krishzel mahal na mahal kita."

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang aking mukha kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang lumihis ng paglalakad upang maiwasan ko siya. Its feel so awckward but I need to pretend na walang epekto saakin iyon. Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng may sumusunod saakin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Papaliko na sana ako nang may biglang humablot saaking balikat saka ako isinandal sa pader. Nakaramdam ako ng takot sa mga oras na iyon kaya inihanda ko ang sarili ko para sa isang atake ngunit ng makilala ko kung sino ang taong iyon ay agad akong natigilan.

"A-ash-ton?" Nautal akong magsalita habang nakatingin ako sa kaniya.

"Krishzel? Iniiwasan mo ba ako?" Bakas sa boses niya ang lungkot habang mababasa mo naman sa kaniyang mata na parang nangungusap ng dahilan.

Napalunok ako ng ilang beses bago tumugon sa kaniya.

"A-ah. No. I just need to do something." Pagpapalusot ko sa kaniya kahit totoo namang iniiwasan ko siya.

"What? Anong gagawin mo? Samahan na kita?" Pag-aalok niya saakin kaya umiling ako.

Napabitaw siya saakin at dumistansya ng kaunti sapat na upang makahinga ako ng maayos. Lalapit pa sana siya saakin ngunit ginamit ko na ang pagkakataong iyon upang magteleport papalayo.

Napadpad ako sa roof top sa hindi ko malamang dahilan. Siguro ito ang naisip kong lugar bago ako magteleport dahil ang gusto ko lang naman kanina ay makaalis sa harapan ni Ashton.

Napahawak ako sa railings ng roof top at gayun din sa aking dibdib. Dama ko ang bilis ng tibok ng aking puso dahil siguro sa engkwentro namin ni Ashton. Ngunit agad rin akong natigilan nang maramdaman ko ang presensyang iyon.

Napangisi ako nang wala sa oras dahil mukhang mapapadali ko ang aking trabaho.

Papalapit siya sa pwesto ko kaya umayos ako ng pagkakatayo at inihanda ang sarili. Alam kong wala siyang alam na naaalala ko ang lahat at hindi rin niya alam na alam kong minamanmanan nila ako. At sigurado akong isa siya sa mga taong iyon.

"Princess Krishzel." Inalis ko ang ngisi saaking labi at inayos ang aking emotion bago ako humarap sa kaniya.

"Sino ka?" Walang emosyong saad ko sa kaniya. Marahil sa pagkakataong ito ay iniisip niya na burado na ang aking ala-ala at maaari niya akong mapaikot.

"Isa po ako sa tauhan ng iyong ama." Umigting ang aking panga nang marinig ko ang katagang iyon. Kailan man ay hindi ko magiging ama ang hayop na yon. Mapagpanggap siya at pagbabayarin ko siya oras na mahanap ko si Daddy.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now