Chapter 32: Saved

4.1K 204 19
                                    

SHANE'S P.O.V.

Isang linggo na ang nakalipas nang makaalis si Krishzel dito. Ngunit hanggang ngayon ay wala paring alam ang lahat, maging ang mga royalties, at katulad nung una ay tanging kami lang ni Headmistress Jem ang may alam ng lahat.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Krishzel. At ngayon ko lang nagawa na magtagal dito dahil noong mga nakaraang araw ay hindi ko magawang magtigil pa dito dahil naiiyak ako sa tuwing naaalala ko si Krishzel habang kasama ko siya dito. Tuwing umaga ay maaga akong umaalis dito at gabi na kung bumalik. Sumasama naman ako sa mga royalties katulad ng nakasanayan ngunit hindi na ako halos nakikipag-usap sa kanila.

Si Athena naman ay hindi pa pinapalabas ng ospital dahil kinakailangan pa daw magpahinga. Nalaman na ng mga royalties na magaling na si Athena ngunit hindi nila alam kung papaano siya gumaling, maging si Athena ay nagtataka kung paano siya naligtas sa sumpa.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuhan ng kwarto ko na ngayon ay parang wala nang sigla. Kahit sandali lang kaming nagkasama dito ni Krishzel ay parang hindi na agad ako nasanay na mag-isa dito.

Napabuntong hininga ako dahil muli akong nakaramdam ng lungkot. Pero kailangan ko nang tanggapin ang lahat. At siguro nasa maayos na kalagayan na si Krishzel ngayon.

I smiled bitterly and tried to compose myself. After sometime, tumayo na ako at nagtungo sa banyo upang makapagligo na dahil baka malate pa ako sa klase ko ngayon.

Habang nasa CR ako ay pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon.

"Makikita ko pa kaya ang prinsesa? Pero mukhang malabo nang mangyari yon dahil bata palang namatay na ang prinsesa. Pero bakit ganon ang nararamdaman ko kay Krishzel tuwing magkasama kami? Bakit parang may kung anong koneksyon sa pagitan naming dalawa?" Napailing ako dahil sa iniisip ko dahil malabong mangyari iyon at ibinalik ang aking pansin sa pagliligo.

Nang matapos akong maligo ay agad rin akong lumabas ng CR at isinuot ko na ang uniform ko. Kinuha ko narin ang mga gamit ko at naglakad na papalabas ng dorm.

Marami nang estudyante ang naglalakad patungo sa kani-kanilang room kaya napatingin ako sa relo ko. Dali dali akong naglakad patungo sa room dahil baka ako malate.

And luckily kokonti palang ang mga kaklase kong nandito kaya agad na nagtungo ako sa upuan ko at naupo.

May mga nagkukwentuhan at meron din namang nagbabasa, meron din namang lumalabas at pumapasok sa room. Marami ang nagtataka kung bakit hindi pumapasok si Krishzel, marami rin ang nagtatanong saakin ngunit wala akong maibigay na sagot sa kanila.

Ilang sandali pa ay may humila ng bangko sa tabi ko at napansin kong nakatayo doon si Hydra.

"Hi, Shane." Nakangiti niyang sambit saakin kaya ngumiti rin ako sa kaniya pabalik at naupo na siya sa tabi ko.

Lagi ko na silang katabi ni Farrah magmula noong isang linggo. Habang sina Ashton naman ay nakaupo sa likuran namin.

May kung anong nagbago kay Ashton dahil palagi na itong tahimik at parang laging wala sa focus. Actually all of them change but Ashton really change a lot. They are not like the royalties before at napapansin na yon ng lahat. I know na hindi parin sila nakakamove on kay Krishzel, maging sa galit nila kay Krishzel. But the thing is parang nakokonsensya sila sa ginawa nila lalo na si Ashton. Dahil ni hindi niya alam kung ano na ang kalagayan ni Krishzel.

Ilang sandali pa ay may pumasok sa lalaki mula sa pintuan at nagtungo ito sa harapan kaya naman napaayos kami ng tayo at masinsinang napatingin sa lalaki.

"Good morning everyone, I am Professor Hanes and I will be your new homeroom teacher." Nakangisi niyang sambit saamin.

Because all of a sudden magkakaroon kami ng homeroom teacher that supposedly dapat wala.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now