Chapter 43: Reveal

4.5K 197 13
                                    

KING KIEFFER'S P.O.V.

Sa wakas ay nangyari na ang lahat ng aking plinano nang matagal na panahon. Masaya ako dahil kapiling ko nang muli ang aking anak na si Krishzel. Hindi ko lubos masukat ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa kabila ng mahabang panahon ay nakapiling na naming muli ang aming anak.

Matagal tagal na rin ang aming hinintay. Halos Labing isang taon kaming naghintay ng aking asawang si Vanessa para lamang sa pagkakataong ito.

Hindi dapat mahihiwalay saamin ang aming anak kung hindi lamang dahil sa kailangan naming baguhin ang takbo ng propesiya upang mailigtas ang lahat kahit pa naging kapalit nito ang pagkawala ng aming anak.

Flashback

"Mahal." Agad akong nagising dahil sa pagtawag saakin ng aking asawa. Dahan dahan akong bumangon sa aking pagkakahiga at inayos ang aking sarili.

Ngunit agad akong nakaramdaman ng pagkabahala nang makita kong umiiyak ang aking asawa. Agad ko siyang dinaluhan at hinagkan ng yakap.

"Anong problema mahal?" Nagtataka kong tanong sa kaniya habang yakap yakap ko padin siya.

Ilang sandali pa ay kumalas siya ng pagkakaakap saakin saka daretsong tumingin saaking mga mata. May kung ano sa mata niyang hindi ko masabi.

"Mahal, lumabas na ang propesiya." Agad akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib dahil sa aking narinig. Hindi ko man gustong malaman ang nakasaad sa propesiya ngunit kinakailangan ko itong malaman dahil lahat ng ito ay maaaring tungkol sa aking anak.

Walang sabi na lumakad ako papalabas ng aking silid at naramdaman ko namang sumunod saakin ang aking asawa. Mabilis kong tinungo ang templo ng mga orakulo upang makausap ang pinuno nang mga ito.

Narating namin ang templo at agad rin naman kaming pumasok doon.

"Mahal na hari." Sambit saakin ng pinunong irakulo.

"Nais kong malaman kung ano ang nasasaad sa propesiya." Daretso kong pagkakasabi sa kaniya.

Tumungo siya saka nagtungo sa gitna ng templo at kinuha ang libro ng propesiya. Binuklat niya ito sa gitnang bahagi at saka inusal ang mga nakasulat duon.

'Et virtute principis qui fortissimum et in usus cseca. Et regnabit in universum magica mundi. Cometarum inter se colliduntur, et non erit finis est omne in lucem. "

"Anong ibig iparating ng propesiya?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Mahal na hari ang prinsesa, sa oras na makuha siya ng mga Darkanians ay gagamitin siya upang sakupin ang buong Gemstone kingdom at magiging katapusan iyon para sa ating lahat. Sapagkat Muling babangon si Lucifer mula sa kaniyang pagkakahimlay." Agad na nanindig ang aking balahibo dahil sa aking narinig.

Napahawak saakin ang aking asawa at naramdaman ko ang kaniyang panginginig. Hindi ko alam na may ganitong mangyayari saaking anak. Ngunit kinakailangan na makahanap kami ng paraan upang mailigtas siya.

"Mahal, paano natin maiiligtas si Krishzel?" Nag-aalalang tanong saakin ng aking asawa.

Ibinaling ko ang tingin ko sa punong orakulo.

"Pinunong orakulo sa tingin mo ba ay may magagawa tayo upang mailigtas ang aking anak?" Tanong ko sa kaniya at tumango ito.

"Mahal na hari ang tanging naiisip ko lamang na paraan ay ilipat natin ang prinsesa sa kabilang mundo. Sanayin siyang mabuti upang maitago niya ang kaniyang presensya sa mga Darkanians at pagsapit ng tamang edad ay ibalik siya dito. At nararapat na tanggapin ang nawala niyang kapangyarihan at pagkatao."

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now