Chapter 6: Potion

6.7K 269 12
                                    

Someone's P.O.V.

Bawat araw na lumilipas mula ng makatungtong sya sa Emerald Academy ay parati ko siyang sinusubaybayan sa mga ikinikilos niya. Ni hindi niya alam na lagi akong nakamasid sa mga bagay na ginagawa niya.

Nalaman ko nadin ang kanyang kakayahan nang maabutan ko siyang nakikipaglaban sa tatlong estudyante. Di ko lubos akalain na kaya niyang makipaglaban gamit lamang ang physical combat laban sa taong gumagamit ng magic.

Ilang araw na mula ngayon ang nasaksihan kong kaganapan sa loob ng academy. Sa bawat araw ay tila namamangha parin ako sa kakayahan niya.

Inaamin ko na sobrang mamamangha ako sa kakayahan niya. Habang nag-iisip ako sa aking kwarto ay pumasok na dito ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko ng mahabang panahon. Alam ko na malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa mga nagawa nila para saakin.

"Kamusta?" Pang-uusisa ko sa mga nangyayari. Tumahimik muna sila sandali at sumagot na.

"Maayos na po ang lahat." Usal ng isa habang nakangiti pa ito.

"Pulido na po ang lahat, at sa tingin ko ay walang makakaalam dito. Pilit naming itinago sa lahat upang hindi nila ito malaman o mabisto." Pagsagot rin ng isa pang taong napalapit nadin saakin.

"Magaling kung ganon. Maaari na kayong makaalis." Matapos kong sabihin iyon ay tumungo muna sila bilang paggalang saka naman umalis na saakimg silid.

"Darating ang tamang panahon at mapapasaakin ka din. Hindi ko sasayangin ang oras na yun para mapunta ka saakin. Oras na dumating ang panahong aking pinakahihintay ay sisiguraduhin kong makikilala mo ako."

Isang mapaklang ngiti ang nagawa ko matapos kong sabihin iyon saaking sarili. Tumingin ako sa labas ng bintana upang tingnan ang mga kaganapan. Abala ang lahat para sa gagawin kong pagplaplano.

Krishzel P.O.V.

Nandito kami ngayon sa laboratory para sa Alchemy Class namin. And I admit this is the subject that makes me feel bored.

Its been 2 weeks of my stay here in this academy. Okay naman dahil walang umaaligid saakin na mangbubwisit lang. Tulad ni Marish, pero everytime na tumitingin sya saakin ay hindi ko gusto ang mga ngiti niyang ibinibigay saakin. Parang may halong pang-iinis yun at gustong gusto kong burahin iyon sa mukha niya. Parang nanggagalaiti akong bugbugin sya dahil sa mga pinaggagawa nya. Isama mo pa si Jessica na sobra kung makapagreact everytime na may connection saakin. I dont know why kung bakit ang init ng ulo saakin ng babaeng yon. As far as I know wala naman akong ginawang mali sa kanya.

Pumasok na si Professor Elainne sa room at nagsimula nang magdiscuss. Professor Elainne is one of the most powerful witch here in the Academy. Madami syang alam tungkol sa paggawa ng potion, spells. Pero napag-alaman ko na basic spell lang ang nagagamit niya pero malalakas na spell daw yun.

Nagdiscuss siya about sa topic at wala manlang akong naintindihan sa lahat ng pinagsasabi niya. Parang sobrang lutang ako sa mga oras na yun. Kahit nakatingin ako sa kanya habang nagdidiscuss ehh wala manlang pumasok na information sa utak ko.

Nang matapos siyang magdiscuss ay tumahimik muna siya at muling nagsalita.

"And now for your activity for this meeting I would like you to make your own potion. Any potion that you like to create. I will give you two executive days para matapos ang potion na gagawin nyo." Pagkasabi niya nun ay nagsigawan ang mga kaklase ko. Tila natutuwa sa sinabi ni prof.

"Mam saan po kami kukuha ng ingredients?" Pagtatanong ni Farrah kay prof at sumang-ayon naman ang iba.

"I already asked headmaster Jem about this at pumayag siya na pwede kayong pumunta sa Numinous Woods." Nakangiti niyang sinabi na ikinagalak naman ng mga kaklase ko.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now