Chapter 19: Farrah's Birthday

4.9K 234 2
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Dalawang araw na ang nakalipas ng maganap ang  pagtanggap sa mga guardian. At hanggang ngayon kinukulit parin ako ng mga royalties pero binabalewala ko nalang sila. Hindi ako sanay na magsabi ng mga sikreto ko at alam ko na oras na sabihin ko sa kanila iyon ay mabubuko na ako at malalagay sa alanganin ang buhay ko.

Nandito na kami sa Ice Palace kung saan gaganapin ang birthday celebration ni Farrah. Kagabi lang kami dumating rito dahil sa haba ng biyahe.

Kinakabahan narin ako dahil kailangan ko pang kumanta tulad ng ipinangako ko kay Farrah. Sanay ako na magperform sa harap ng maraming tao pero sa tingin ko ay ibang usapan na pag dating dito sa mundong ito.

Nagtungo na ako sa harapan ng salamin upang mag ayos ng aking sarili. Sandali ko munang tinitigan ang aking mukha at hanggang ngayon kailangan ko paring magpanggap bilang isang nerd.

Kinakailangan ko paring itago ang iba kong kakayahan at ang tunay kong pag katao. Iniisip ko nga minsan na kung ipakita ko ang totoo kong pagkatao matatanggap kaya ako nina ama at ina na gayong inakala nila na patay na ako?

Hindi ko alam kung may alam ba sila na buhay ako o hindi. Pero sa tingin ko ang pagkakaalam nila ay patay na ako dahil nitong nakaraang araw nalaman ko na araw pala iyon ng libing ko.

Nung una nagulat ako pero isinantabi ko nalang iyon dahil baka may makahalata pa saakin. Kasama ang mga royalties nagtungo kami sa puntod ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko nung mga oras na iyon. Tila natuop ang bibig ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Iniiyakan nila ang taong buhay pa at inakala nilang patay na. Halos isang buong araw akong nagkulong sa sarili kong kwarto at inisip ko lamang ang mga bagong bagay na natuklasan ko.

Nabalik ako sa sarili ko ng may marinig akong katok mula sa pinto ng aking silid. Huminga muna ko ng malalim bago ako magtungo sa pinto.

"Ahm, Krishzel sorry sa abala ha. Pero pwede mo ba akong lagyan ng make up? Yung light lang sana." Sambit ni Hydra ng mabuksan ko ang pinto.

Tumango nalang ako sa kaniya at dinala siya sa harap ng salamin. Pinaupo ko siya at kinuha ang make up kit.

Sinimulan ko na siyang lagyan ng make up sa mukha. Very light lang ang inilagay ko dahil maganda naman na si Hydra at hindi na kailangan ng sobrang kapal na make up.

Ilang sandali pa ay natapos ko na siyang ayusan. Maging ang buhok niya ay isinama ko na.

"Thank you talaga Krishzel ha." Sambit niya tumango nalang ako bilang sagot.

Nang makalabas siya ng kwarto ay agad akong pumunta sa harap ng salamin at ipinagpatuloy ang pag aayos ng sarili ko natapos rin naman agad ako at sandaling tumitig sa aking sariling repleksyon.

Matagal pa naman bago mag simula ang party ni Farrah kaya humiga muna ako at natulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Prinsesa,"

Napalinga linga ako sa paligid ko dahil sa narinig kong tumatawag saakin.

"PRINSESA"

"PRINSESA"

"PRINSESA"

"KRISHZEL"

"KRISHZEL"

"PRINSESA"

Sa kahit anong anggulo ay hindi ko makita ang taong tumatawag saakin. Tila palakas ng palakas ang pagtawag nito saakin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumigaw.

"AAAAHHHHHHH TAMA NA PLEASE.... TUMIGIL NA KAYO."

Naluluha na ako kakasigaw dahil sa pagtawag nila saakin.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now