Chapter 11: Apology

5.2K 225 13
                                    

ANDREW'S P.O.V.

"Ano ba Ashton, aba dapat lang na mag-apology ka sa ginawa mo." Sigaw ko kay Ashton na ngayon ay parang hindi na mapakali.

Nandito kami ngayon sa dorm naming tatlo nina Harry at Ashton. Nag-uusap kami kung ano ang gagawin ni ashton para mag-apology kay Krishzel pero mukhang natotorpe ata ang mokong.

"Dude, apology is not my thing." Ismid niyang tugon.

"Pero bro dapat lang na mag-apology ka sa kanya. Kase dahil sayo nagkaroon pa sya ng paso sa leeg. Ikaw rin kase ehh padalos dalos ka hindi ka muna nag iisip." Singhal naman sa kaniya ni Harry at tila nag iba ang reaksyon sa mukha ngayon ni Ashton.

"Okay fine. Mag aapology na. Okay na?" Nagkatinginan naman kami ni Harry at napangiti sa isat isa.

Sa wakas nanalo rin kami sa isang to. Knowing na hindi talaga nagpapatalo ang taong to.

" sige una na ako, ako na bahala makipag usap kay Krishzel na may taong gustong kumausap sa kaniya. Harry alam mo na kung saan ang venue ha dalhin mo nalang yang kaibigan nating ewan.. hihihi"

Tumakbo na ako agad palabas ng dorm naming tatlo at agad na nagtungo sa sa dorm nina Farrah. Actually silang tatlo talaga ay kasama dito para may partner nadin kami ni Harry. Alangan namang si Ashton at Krishzel lang diba.

Matagal na akong may gusto kay Hydra. Ewan ko nga lang kung napapansin nya ako o hindi. Ewan ko di ko ma predict ang takbo ng utak ng babaeng yun.

Di ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng dorm nina Hydra. Kaya naman inayos ko muna ang sarili ko at akmang bubuksan ko ang pinto ng biglang may tumakbo palabas. Kaya ang naging resulta nabangga niya ako at natumba kami pareho.

Nasa ibabaw ko sya at nang tingnan ko siya ay saktong nagkatinginan kami. Halos mapagulong ako sa saya ng si Hydra ang nasa ibabaw ko ngayon. Di ko alam pero masaya ako.

Samantalang siya naman ay pulang pula at tila di alam ang gagawin. Agad naman siyang tumayo at inayos ang sarili.

"Sorry Andrew. ^_^' "

Tumayo nadin ako sa pagkakahiga ko.

" Okay lang." Sabay ngiti ko sa kaniya.

Muli kong pinasadahana ng tingin ko sa kaniya at napag-alaman kong nakadress pala siya. She's wearing a dress at mukhang ayos na ayos siya ngayon.

Napatigil nalang ako sa pagtitig ko sa kaniya ng may biglang magsalita.

"Hay baka matunaw na yan kakatitig mo." Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko sina Farrah at Krishzel na nakangiti na rin. Napansin kong nakadress din silang dalawa.

Hydra is wearing a blue dress, while Farrah is wearing a White dress and Krishzel wearing a black dress.

Ang gaganda nilang tatlo lalo na si Hydra my labs.

"So andrew ano kailangan mo?" Takang tanong naman ni Krishzel kaya sumagot din ako kaagad.

"Ah sorry.. kaylangan ko lang kayong tatlo na sumama sakin." Nagkatinginan muna silang tatlo bago sumagot si Farrah.

"Sige teka lang magpapalit lang kami ha." Tatalikod na sana sila ngunit pinigilan ko na din agad.

"Teka wag na kayo mag palit kase asap talaga to. Kailangang kailangan na." Nagtaka man sila ngunit sumang-ayon nadin naman agad ang tatalo.

Isinara na nila ang dorm nila at sumunod sakin sa paglalakad.

HYDRA'S P.O.V.

Nagsusukat lang kaming tatlo ngayon ng mga dress ni Krishzel. Ewan ko nga kay Farrah kung ano trip niya eh. Pero sabi nya lang gusto niyang magtry ng bagong damit. Actually dapat bibili kami ngayon sa mall kaso nga lang tinatamad naman si Krishzel kaya nag-insist naman na yung mga dress nalang daw nya ang itry namin. Tapos kung may magustuhan daw kami ay pwedeng samin nalang. Kaya naman tuwang tuwa kami ni Farrah habang nagsusukat.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now