Chapter 52: Rebirth

4K 199 12
                                    

LUCIFER'S P.O.V.

"Lintik. Papaanong nakatakas si Kieffer? Ilang beses ko ba dapat sabihin sa inyo na bantayan ninyong maige ang haring yon?" Inis kong inihagis ang basong hawak hawak ko sa mga taga sunod kong nagbalita saakin na nakatakas si Kieffer.

"Ngunit panginoon may lalaki po na nagligtas sa kaniya. Kaya't nagawa niyang makatakas."

"Marami man pong bantay ang nakapalibot sa selda ng hari ngunit nagawa silang mapaslang ng lalaking iyon."

Tila nagpintig ang aking tainga ng marinig ko ang mga katagang sinabi ng aking mga tauhan.

"At sino naman ang talipandas na lalaking iyon?" Saad ko sa kanila dahilan upang mapaatras sila ng bahagya.

May pag-aalinlangan itong tumingin sa aking anak papalipat saakin. Bakas sa titig nito ang pangangamba at ang takot na sabihin ang kung ano mang nalalaman niya.

"SABIHIN MO." Dumagundong ang boses ko sa kabuuhan ng trono dito sa Gemstone kingdom. Hanggang ngayon ay ako parin ang nagsisilbing hari dito.

"P-pangi-noon.."

"BILIS." Marahil ay halata na nila na galit na ako dahil sa napapansin kong pagbubutil butil ng pawis sa kanilang mukha.

"P-panginoon, a-ang lalaki p-pong ti-nutukoy n-amin ay.." sandali muna itong sumulyap sa anak ko bago ipagpatuloy ang kaniyang pagsasalita.

"Ay ang kasintahan po ng inyong anak."

"SHUT UP. HOW CAN YOU ACCUSED HIM. HE'S ONE OF KING'S RIGHT HAND." Inis na sigaw ng aking anak.

Walang sabi sabing nagbato ako ng atake sa tagasunod kong nagsalita dahilan upang maging abo agad ang kaniyang katawan.

Hindi maaaring traydurin ako ng isa sa aking pinagkakatiwalaan.

"Ngunit panginoon totoo po ang sinasabi namin. Siya po ang rason kung bakit nakatakas ang hari." Tiim bagang akong napapikit dahil sa galit na nararamdaman ko.

Ngunit ilang sandali pa ang lumipas nang makaramdam ako ng presensyang hindi ko inaasahang magpaparamdam.

Biglang umalingawngaw ang pagsabog sa pinto na ikinagulat ng lahat. Halos lahat nang narito sa silid ng trono ko ay mga tagasunod ko mula sa Dark Vill.

Nang humupa na ang usok mula sa nangyaring pagsabog ay nasilayan ko ang pigura ng isang taong kinasusuklaman ko. Inis akong napatayo sa trono at saka inihanda ang sarili ko sa pag-atakeng gagawin ko.

"Kieffer."

"Lucifer."

Sabay naming pagtawag sa pangalan ng bawat isa. Wala na akong ginawa kundi ang lumikha ng Dark Ball at saka inihagis sa kaniya ngunit sinabayan lang niya ito ng Light ball kung kaya't parehong nagtama ang dalawang atake at saka lumikha ng malakas na pagsabog.

"Hindi pa ito ang huli Kieffer. Kukunin ko kung ano ang dapat saakin." Saad ko sa kaniya at kinuha ang pagkakataong iyon upang umalis ng lugar kasama ang aking anak pati ang aking mga tagasunod.

Babawiin ko ang lahat.

ASHTON'S P.O.V.

Kanina pa nagkakagulo dito sa room dahil sa nalaman naming may Darkanians na nag-aaral dito.

Every one is in shock when King Kieffer announce that there are Darkanians inside the Academy. And everyone seems to be frightened when the king also says that one of them is the Princess of the Darkanians.

"Ashton, how can we figure this out? Ni hindi natin maramdaman ang Dark Magic sa presence niya. We can't just accused someone being a Darkanian." Saad saakin ni Farrah habang hinihilot ang kaniyang sintido.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now