Chapter 26: The Curse

3.9K 203 13
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Sinabi na saakin ni Shane ang lahat ng mga nangyari habang wala ako. At tulad ng napag-usapan namin ni Headmistress Jem ay wala parin akong pinagsasabihin ng tungkol sa misyon ko. Even Shane hindi niya alam na nasa misyon ako nung mga nakalipas na araw. All she know is nagbakasyon ako sa mortal world.

Shane told me about the video na kinuhaan ni Marish. At dahil lang sa video na yun ay kinilala na ako sa buong campus na isa akong Traydor. Even the Royalties they treated me like I did a big sin and that makes them judge me without my explanation. At katulad ng inaasahan ko ay malaki nga ang galit saakin ni Ashton. So I decided to fix it but I dont know how.

Sinabi narin saakin ni Shane ang nangyari kay Athena. At first hindi ko naniniwala but when she started to cry alam kong nagsasabi siya ng totoo. Napaluha nalang din ako ng marinig ko yun. So I decided to visit Athena para narin malaman ko ang kalagayan niya and to find the cure.

Shane told be about the remaining days na itatagal ni Athena bago siya tuluyang magpaalam, kaya kailangan kong kumilos kaagad to save her life. Wala ni isa ang nakakaalam ng lunas para kay Athena but I'll do my best to find the cure. I can't afford to lose her.

"Krishzel okay kana ba? Tara na?" Napalingon ako kay Shane ng magsalita ito mula sa likod ko.

Tumango nalang ako at tumayo. Kararating ko lang kanina ngunit sobrang dami ko nang nalaman at sobrang dami narin ng nangyari at hapon na ngayon. Actually kinausap ako ni Shane na bukas nalang kami bumisita para din makapagpahinga ako. But I want to visit her right now and look for the cure. I want to know her status.

Lumabas na kami ng dorm namin ni Shane and just like before lahat sila ay nakatingin saakin not just me because they also look at Shane. They look at us with disgust written on their face at halata na galit sila saamin but I have no time to argue with them I need to see Athena right now.

Habang naglalakad kami ay walang humpay naming naririnig ang mga pang-iinsulto nilang ibinibitaw saakin. At nasasaktan ako dahil sa nadadamay pa si Shane dahil saakin.

"Hayaan nalang natin sila Krishzel. Bilisan nalang natin." Saad niya at sumang-ayon nalang ako.

Binilisan nalang namin ang paglalakad upang mas mabilis kaming makarating sa ospital dito sa loob ng Academy. Ilang minuto ang lumipas ay narating din namin ang ospital.

Hindi na kami nagpunta pa sa front desk dahil alam naman na ni Shane ang room number ni Athena. Kaya naman dumaretso na kami at tinahak ang daan patungo sa room kung saan nakaadmit si Athena.

Nang makatapat kami sa pinto ay huminto muna kami. May boses na nanggagaling mula sa loob at alam na alam ko kung kanino ang mga boses na yun. Napangiti ako ng mapait at kinalma ang aking sarili.

"Are you okay Krishzel?" Tanong saakin ni Shane at nginitian ko nalang siya.

Nang binuksan ko ang pinto ay biglang natahimik ang mga tao sa loob. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng...

PAK

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi ko. Agad akong napahawak sa pisngi ko at tumingin sa taong gumawa nun saakin.

"H-hydra?" Kitang kita sa mata niya ang galit saakin.

"Ang lakas naman talaga ng loob mong magpakita pa samin Krishzel." Galit na saad niya saakin at muling bumwelo ng sampal kaya napapikit nalang ako. Hindi na ako nag-isip pa na lumaban dahil baka mas magalit pa sila saakin.

Inintay ko nalang na lumapat ang palad niya sa pisngi ko ngunit dumaan ang ilang sandali ay wala akong naramdamang kahit anong sakit.

Nang iminulat ko ang mata ko nakita ko si Andrew na hawak hawak ang kamay ni Hydra.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now