Chapter 7: Numinous Woods

5.6K 249 12
                                    

Krishzel's P.O.V.

Ramdam ko padin ang sakit ng pagkakasakal ni Ashton saakin. Hindi ko akalain na gagawin niya yun.

Kinakapa ko ang leeg ko at ramdam ko ang hapdi dahil sa paso. Sinubukan ko itong gamutin habang naglalakad ako sa hallway kahit sobrang dilim na. Anong oras na din kase. Pero hindi ko magawang gamutin ito dahil sa sobrang dami ng nagamit kong kapangyarihan kanina. Naiiyak na ako dahil ni hindi ko magawang gamutin ang sarili ko. Hindi ko akalain na ganun ang ugali na meron si Ashton pagdating sa mga taong mahalaga a kaniya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako umalis agad sa dorm nina Harrold at hindi na nagpaalam at hindi na lumingon pa. Well hindi naman sa nagtatampo ako. Yes I admit nagtatampo ako at nagagalit ako dahil sa ginawa sakin ni Ashton pero hindi lang yun ang dahilan. Malapit na ding magmidnight at kailangan ko pang kumuha ng ingredients para sa gagawin kong potion dapat makarating ako dun sa tamang oras nangsagayon ay makumpleto ko ito ngayong gabi.

Dali dali akong pumasok sa dorm at nagtungo sa room ko. Hindi ko na nakita si Farrah sa sala baka nagpunta na sya sa room nya. Kaagad akong nagbihis ng prinipare kong damit kanina. Inilock ko na din ang pinto  baka pumasok pa dito si hydra at tanungin ako kung bakit ako nagwalk out kanina. Pati baka maabutan niya na wala ako sa room ko.

Sa veranda nalang ako dadaan para walang makapansin sa pag-alis ko. Isinuot ko na ang hood ng cloack ko pero inalis ko muna ang eye glasses ko para iwas sagabal. Pinasadahan ko ang itsura ko para siguraduhing wala ni isang makakakilala saakin.

Tumalon ako mula sa veranda ng room ko at kaagad namang naglanding sa damuhan. Sa paglanding ko una ang dalawa kong paa na nakabend ang tuhod ko at nakatukod naman ang kanan kong kamay para sa dagdag na suporta para hindi ako matumba.

Nagsimula na akong maglakad patungong Numinous Woods. Binaybay ko muna ang malawak na field kung saan ginaganap ang ilan sa mga event dito sa Academy. Medyo malawak ito kung kayat ilang minuto ko rin itong binaybay.

Nang nasa bukana na ako ng Numinous Woods ay dinig na dinig ko rito ang huni ng mga mababangis na hayop. Pero hindi naman ako nababahala dahil alam ko na kaya ko sila.

Huminga muna ako ng malalim at nagpakawala ng ilang buntong hininga.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng gubat. Ang una kong hahanapin ay ang flower of whammy makikita lang ito tuwing gabi at sobrang ilap nito dahil may sarili itong buhay. Habang naglalakad ako ay napansin kong may  mga matang nakasubaybay saakin kaya minadali ko na ang paglalakad. Hindi ko matiyak kung ano ang nakamasid saakin kung kayat binalewala ko nalang ito.

Napunta ako sa may bukana ng maliit na kweba at sa tingin ko ay nandito ang hinahanap ko. Pinasok ko ang loob ng kweba ngunit sobrang dilim. Kaya ginamit ko ang light magic ko at gumawa ng glowing light ball. Ginamit ko ito upang makita ang dinadaanan ko.

Nang nasa gitna na ako ng kweba ay nahagip ng mata ko ang isang bagay na hinahanap ko. Ang flower of whammy. Mahirap itong makuha hindi dahil sa may sarili itong buhay dahil may nagbabantay dito.

Nang makalapit ako sa Flower of Whammy ay napatigil ito sa paggalaw, tatakbo pa sana ito ngunit agad kong ginamit ang kapangyarihan ko. Pinalibutan ko siya ng Red flame para hindi na siya makatakas.

Agad itong lumingon saakin at kaagad na may lumabas na mga wild vine. Ang wild vine ang nagsisilbing bantay nito. Hindi ito basta basta dahil kaya ka nitong linlangin sa bawat galaw na gagawin nito.

Pasugod na saakin ang wild vine. Kaya naman agad kong hinugot ang katana ko mula sa lalagyan nito.

Mabilis kong iwinasiwas ang katana ko dahilan para magkapirapiraso ang wild vine. Pero muli lang itong tumutubo.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now