Chapter 42: Missing

4.1K 190 7
                                    

SHANE'S P.O.V.

Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikilala ang taong tumulong kay Ashton. We even search for that person but still no trace at all. Sobrang napakamisteryoso ng taong iyon to the point na walang kahit na anong bakas ng kaniyang existence.

"Ashton, baka nagkakamali ka lang? Even the headmistress and the faculties wala silang kilalang katulad sa taong sinasabi mo." Sambit ko kay Ashton.

Nandito kami sa room ng mga Royalties at nagpapahinga lang kami and later ipapagpatuloy na namin ang paghahanap.

"No Shane. I'm very sure of what I've see. Natatandaan ko ang kulay ng mata niya and I'm pretty sure of that." Napabuntong hininga nalang kami dahil sa frustration na dulot nito.

"You know guys sa totoo lang. Hindi naman natin siya kailangan pang hanapin eh. Tumulong lang siya and he or she wants to hide his or her true identity kaya hindi siya nagpakilala o nagpakita manlang. Right?" Saad ni Andrew habang palakad lakad sa harapan namin.

Yeah, his right. Gustong maitago ng taong yon ang katauhan niya kaya hindi siya nagpakilala o nagreveal ng mukha niya. And even left no trace nung dinala niya dito si Ashton.

"Guys. Labas lang ako ha. Gusto ko lang magpahangin muna sa labas." Saad ko sa kanila at kinuha ang gamit ko saka lumabas ng room.

Umihip ang simoy ng hangin na siyang dumampi sa aking balat. Maglalakad na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Teka lang Shane. Samahan kita. Gusto ko lang din mag unwind." Nakangiting sambit saakin ni Hydra kaya tumango ako. Nagsimula na kaming maglakad pero hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.

"Shane, you know what. I'm so thankful dahil nakilala ka namin. You're such an amazing person, nakikita ko sayo si Krishzel. Dahil sobrang tatag mo and you always care for us." Saad ni Hydra kaya napatingin ako sa kaniya.

"I just want to accomplish all the promises I make to Krishzel. And this is me actually kaso nga lang dati walang pumapansin sakin so I have to hide all my feelings. To the point na wala nang gustong lumapit saakin. But then Krishzel came at ibinalik niya ako sa dating ako." Masaya kong pagkukwento sa kaniya.

Krishzel will always be in my heart and I promise to myself na tutuparin ko ang mga ipinangako ko sa kaniya bago siya mamatay.

"Yeah you're right. That's Krishzel. Kahit na may pagkamisteryoso ang babaeng yun, she still care for everyone na nakapalibot sa kaniya. She's really are the best."

Narating namin ang field kung saan kami nagtraining dati kasama ni Krishzel. Umihip ang hangin at nakaramdam ako ng masarap na pakiramdam dahil doon. Sobrang nakakarelax.

Kokonti lang ang estudyante dito dahil karaniwan ay nagtatambay sila sa garden o di kaya ay sa cafeteria o sa dorm lang nila.

Naupo kami sa damuhan at isinandala ng aming likod sa puno na nakatayo sa aming likod.

"Haiist. Naalala ko na naman ang lahat ng nangyari habang tine-train tayo ni Krishzel. She's such an amazing trainor." Nakangiting saad ni Hydra habang nakatingin sa ground.

Duon ko nalang din itinuon ang pansin ko and enjoy the peaceful place. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang ganitong sitwasyon. Tahimik ang paligid at masarap ang simoy ng hangin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Katahimikan lang ang namayani sa buong paligid.

"By the way Shane, kumusta ka naman. Have you move on to krishzel's death?" Agad akong napamulat nang magsalita si Hydra. Natahimik ako panandalian ngunit agad rin namang nakabawi.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now