Chapter 56: Finally Accepted

4.7K 196 17
                                    

SHANE'S P.O.V.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari kay Krishzel. I didn't expect that everything will end like this.

Panay ang pagluhang naririnig ko mula sa mga taong nakapalibot kay Krishzel ngunit nangingibabaw ang paghihinagpis ni Ashton.

"Krishzel, please wake up. Please, I don't want to lose you again. Please wake up. Stay with us." Sambit niya habang patuloy na lumuluha. Maging ang ibang royalties ay nagdadalamhati na dahil sa nangyari.

Hindi ko rin naman maipagkakaila na  hindi ako umiiyak sa mga oras na ito. Dahil mas lubos akong nasasaktan kesa sa kanila. I am part of her at ni wala akong nagawa para sa kaniya. It is my duty to protect her pero bakit laging nagiging baliktad ang lahat na sa halip na ako ang magligtas sa kaniya, siya ang laging nagliligtas saakin.

From the very beginning, the first time that we met. During the time na binubully ako nina Marish sa canteen, she came and even save me from being bullied. She even get into fight during the leveling because Marish challenged her. Sobrang dami na niyang nagawa para saakin and I can't even repay all of those things.

Kitang kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang katawan dahil sa pagtagos ng espada ni Lucifer. Halos nanunuyo narin ang ibang dugo na nagkalat sa damit ni Krishzel.

Dahandahan akong naglakad papalapit sa kinahihigaan ni Krishzel. Hindi ko alam, gusto ko mang bilisan ang paglalakad ko upang mabilis akong makarating sa kanila ay tila naninigas ang paa ko at ayaw nitong kumilos kaya't nagiging mabagal ang paglalakad ko.

Nanlalabo narin ang aking mata dahil sa pagtulo ng mga luha mula roon. Pilit ko mang punasin ang luha mula saakin mata ngunit sadyang traydor lang talaga ang aking mata at patuloy lang na umaagos ang aking mga luha.

Pabagsak akong napaluhod sa harapan ni Krishzel habang siya naman ay walang malay na nakahiga sa lupa. Naninikip na rin ang aking dibdib dahil sa sakit na aking nararamdaman.

"Krishzel..." tanging salitang lumabas mula sa bibig ko at saka walang pakundangan ko siyang niyakap ng mahigpit na kahit na kumapit pa saakin ang dugo mula sa kaniyang katawan ay wala akong pakealam.

"Krishzel. Please wake up." Inaalog ko ang kaniyang katawan habang yakap yakap ko siya.

Kung sana lang may sapat akong kapangyarihan ay maaari ko pa siyang mailigtas. Ngunit isa lamang akong hamak na healer na walang kakayahang lumaban sa malalakas na kalaban.

Tiim bagang akong napakapit sa kaniya dahil sa frustration ko.

BOOM.

Agad akong napabitaw sa pagkakaakap kay Krishzel nang makarinig ako ng pagsabog. Katulad ko ay nakatingin narin sa itaas ang iba at pinapanuod ang mga nagsasalpukang mga atake.

"Si Headmistress ba at si Luna yon?" Takang pagtatanong ni Harry habang kunot noong inaaninaw ang mga naglalaban. Halos hindi na makita ang kanilang pagkilos nang dahil sa bilis na kanilang tinataglay. Malalakas na salpukan ang aming naririnig mula dito sa baba.

Muli akong napatingin kay Krishzel at muli na namang tumulo ang aking luha.

Ngunit may biglang sumagi sa isip ko na hindi ko dapat makaligtaan.

"You can do it by yourself Shane. As long as you really want to be part of her without doubt. Connect your mind, soul and your body to her and try to enter her body. Be part of her even if she refuse. Wala na siyang magagawa oras na maging isa na ang inyong pagkatao. Pero oras na mangyari iyon ay mawawala ka na rin."

Agad akong nabuhayan ng loob dahil sa mumunting pag-asa na naiisip ko.

"Ashton can you move?" Kunot noo siyang tumingin saakin.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now