Chapter 12: Leveling

5.3K 247 17
                                    

Krishzel's P.O.V.

Sobrang ingay ngayon dito sa Battle Arena kung saan gaganapin ang Leveling.

Nandito kami ngayon nina Farrah at Hydra sa pwesto namin kasama ang mga kasection namin. Wala pa sina Ashton dahil medyo maaga pa naman at maya maya pa mag i-start ang leveling.
Ewan ko ba sa dalawang to sobrang aga naman nilang pumunta dito. Actually kaming tatlo ang nauna dito sa battle arena dahil sa sobrang excited nilang dalawa.

"Krishzel" pagtawag saakin ng nina Hydra at Farrah. Nakangiti silang dalawa na akala mo ay walang problema di tulad kanina nung nasa dorm pa kami na sobrang kinakabahan daw sila.

"Why?" Simpleng sagot ko sa kanila.

"Thank you." They say in chorus. Kaya medyo nagtaka naman ako.

"For?" Hindi sila sumagot pero tumayo sila at yumakap saakin. Nagtataka man ako ngunit gumanti nalang din ako ng yakap. Nang makabitaw sila saakin ay ngumiti silang dalawa. At nag salita naman si Hydra.

"For teaching us, kase kung hindi dahil sayo ay hindi namin malalaman yung technique na yun. At sure kami na dahil dun ay maglelevel up kami."

Ngumiti lang ako sa kanila and mouthed them "you're welcome".

Maya maya pa ay mas umingay na ang battle arena at dumating na din sina Andrew.  Kapansin pansin na mas dumami na  ang mga estudyanteng nandito sa battle Arena. Sama sama ang magkakasection para na din mabilis na madetermine kung anong section ka.

Lumakad na sa battle Stage si Headmistress Jem kaya naman tumahimik na ang lahat. Inilibot muna niya ang kaniyang tingin sa kabuuhan ng battle arena bago magsalita.

"Good Morning everyone. This is the most awaited event that we prepared for." Nagsigawan ang lahat at halata na excited na sila para sa battle na magaganap. Samantalang ako wala lang cool lang ako. Hindi ko na muna iisipin sina Marish kase hindi ko maeenjoy ang panunuod ko.

" I know that everyone of you are excited to show your improvements kaya hindi ko na patatagalin pa. But there's only one rule in this leveling, do not kill your opponent. So I formally start the leveling. Good luck everyone." Lumabas na si Headmistress Jem sa battle stage at nagsigawan naman na ang estudyante.

Naunang magleveling ang mga nasa subordinate class. Halos madami sa kanila ang nag improve kaya naman ililipat na sila ng section, sa intermediate section to be exact.

May mga sub elemental magic users, shapeshifter, meron din namang casters, meron din namang mga techno magic users - they use technology as a mean of their power. May mga nag-e-equipt ng different kinds of weapons at madami pang iba.

Napukaw ang atensyon ko sa isang lalaki na kakaiba ang magic na gamit niya. He's from subordinate class, maybe bago lang siya dito or transferee sya kaya nasa lowest section naman siya. Rare lang ang merong ganung ability dahil isang blood line lang ang alam ko na merong ganung klase magic at sa pagkakaalam ko din extinct na sila. He's lucky dahil kahit papano ay nailigtas pa niya ang blood line nila. Isa siyang blood manipulator wherein ginagamit niya ang dugo ng isang tao o hayop to be able to beat them or even kill them.

Medyo matagal ang naging laban nila ng kaniyang opponent pero sa huli ay siya rin naman ang nanalo. No wonder na siya ang mananalo dahil familiar na masyado sya sa magic na meron siya at sa mga technique na possible na magagawa through his magic. Naadvance siya sa X-class dahil sa galing na kaniyang ipinakita.

Ilan ilan pa ang naglaban at masasabi ko na maganda ang ipinamalas nilang galing.

Nagtungo ang emcee sa stage upang tawagin ang kasunod na maglalaban.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now