Chapter 4: First Day

6.7K 264 13
                                    

Krishzel's P.O.V.

"Princess Krishzel." Bigla kong narinig out of nowhere kaya naman nagpalingon lingon pa ako para makita ang  taong tumawag sa pangalan ko. Pero bigo ako na makita sya dahil sa sobrang dilim ng palingid.

"Princess Krishzel, please help us." Tila natatakot na boses ang muli kong narinig. I tried my best to find the people behind those voices but I failed. Hindi ko talaga makita ang taong pinanggalingan ng boses. Naglakad pa ako ng naglakad para hanapin ang pinanggalingan ng mga boses pero may biglang lumitaw na tao sa harapan ko. Ngunit hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil natatabunan ito at dahil na din sa madilim ang lugar. Bigla may isa pang taong lumitaw sa harapan niya at nabigla ako sa nakita ko dahil kaagad niya itong pinugutan ng ulo.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil sa naging panaginip ko. Pero nakaramdam ako ng konting hilo dahil na din siguro sa bigla kong pagbangon. Gosh that nightmare. Napahilamos nalang ako sa mukha ko at napansin kong basang basa na pala ng pawis ang aking mukha.

Hihiga na ulit sana ako ng may kumatok sa pinto.

"Krishzel, wake up. Baka malate tayo, first day pa naman at may orientation tayo sa great hall." Muli nyang kinatok ang pinto kaya naman sumagot nalang ako.

"Okay." Maikli kong sagot. Bumukas ang pinto at nakita ko si Hydra na katatapos lang maligo suot ang kaniyang blue na bath robe. Meron ding nakalagay naa towel sa basa nyang buhok para maiwasan ang pagtulo ng tubig mula dito.

"Hi, good morning." Pagbati niya saakin habang nakangiti.

"Good morning." tumayo na ako at inayos ang pinaghigaan ko.

"Ligo muna ako ha. Then susunod ako." Sabay kumuha ako ng towel at ng iba ko pang gagamitin sa pagligo.

"Sige sunod ka sa baba, then breakfast tayo. Nagluto na si Farrah ehhh" Tapos isinara na nya ang pinto kaya naman nagpunta na ako sa CR. Tinagtag ko ang suot kong contact lenses at nagsimula nang maligo.

Habang naliligo ako  ay kumanta na din ako. Tutal nasanay ako na habang naliligo kumakanta ako. I dont know why but it makes me feel relax.
.
.
.
.
.
.
Matapos kong maligo ay lumabas nadin ako ng CR para makapagbihis na. May uniform na rin ako kase nakita ko sya sa walk in closet ko. Sabi nina Hydra ganun daw talaga once na pumasok ka dito ready na lahat ng kakailanganin mo kaya no worries na.

Sinuot ko ang uniform ko. White long sleeves then may patong na black vest something look like a coat then black mini skirt na siguro 4 inches above the knee. Then my necktie na kulay red which represent as an S-class student.

Kase sa necktie daw maiidentify kung anong level kana. White for the subordinates, yellow for intermediate, blue for X-class and Red for the S-class.

After ko magbihis ay inilagay ko na ulit ang contact lenses ko pati nadin ang eye glasses ko. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang purple na buhok ko. At kinuha ko na ang gamit ko then bumaba na ako papunta sa kitchen. Nakita ko sina Farrah at Hydra na nakaupo na dun at ngumiti sila ng makita nila ako.

"Wow Krishzel bagay sayo ang uniform natin. You look gorgeous." Pagbati sakin ni Hydra habang nakangiti. Gaya ni Hydra, makikita rin sa mukha ni Farrah ang ngiti.

"Thank you." Umupo na din ako sa bangko at nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.

Natapos ang pagkain namin kaya naman nagmadali na kaming lumabas ng dorm. Tahimik lang kami naglalakad sa hallway patungong great hall dahil dito gaganapin ang orientation at representation ng bawat class.

Nang marating namin ang great hall tumabad kaagad saamin ang kaingayan na bumabalot sa loob ng great hall. Kanya kanya silang batian na parang ngayon lang muli nagkita. Obviously Krishzel, ngayon lang talaga sila nagkita knowing na first day of class ngayon at nanggaling pa sila sa kanya kanyang kingdom.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now