Chapter 49: Agony

3.8K 202 6
                                    

BRYAN GIBSON'S P.O.V.

Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng aking ulo. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo at ang huling natatandaan ko lang ay hinalikan ko si Krishzel. Matapos iyon ay wala nang iba.

Nang maimulat ko ang mata ko ay laking gulat ko nang masilayan lang ng mata ko ay ang maaliwalas na paligid. Para akong nasa isang dimensyong walang kahit na ano. Tangging puting paligid lang nakikita ko. Ni katapusan ng bawar sulok ay hindi ko matanaw. Sinubukan king igalaw ang katawan ko ngunit bigo ako dahil may kung anong bagay ang nakagapos sa akin.

Sinubukan kong magpalit anyo nang sa gayon ay makaalis ako ngunit laking pagkadismaya ko nang hindi ko manlang magawang gamitin ang kapangyarihan ko.

"Shit. Nasaan ako. Kailangan kong makausap si Panginoon. Bwisit na Azieneth yan. Hindi manlang ako magawang hanapin." Inis kong usal saaking sarili.

Once again, I tried to concentrate to be able to change my form but still nothing works. My power didn't work. Maybe because of this thing that is wrapped on my body.

"Wag mo nang subukang tumakas." Agad na nagpintig ang aking tainga nang marinig ko ang boses na yon. Ngunit hindi maaaring kay Krishzel nanggaling ang boses na iyon pero hindi ako pwedeng magkamali na siya nga iyon.

Nakaramdam ako ng kaba nang masilayan ko ang mukha ni Krishzel sa harapan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot pero takot ang nangingibabaw saakin ngayon.

All I know nabura na ang ala ala niya but seems like nagpapanggap lang si Krishzel.

Lumapit siya saakin at agad na hinawakan ang aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya ngunit agad akong nakaramdam ng sakit ng ulo dahil sa ginagawa niya. Parang may kung ano siyang kunukuha sa utak ko.

"AAAAAHHHHHHH."  agad akong napadaing ng maramdaman ko ang nanunuot na sakit dahil sa ginavawa niya saakin.

Maging ang pagluha ay hindi ko na napigilan dahil sa nanunuot na sakit na nararamdaman ko. Parang binibiak ang ulo ko at may kung anong kinukuha doon si Krishzel. Ilang sandali pa ay natigilan si Krishzel kaya pinilit kong tingnan ang kaniyang mukha ngunit bakas doon ang pagkagulat.

Agad niya akong kwinelyuhan at saka sapilitang itinayo.

"Si Lucifer ang haring tinutukoy mo?" Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Hindi ko inakala na malalaman niya ang bagay na iyon dahil una sa lahat nilagyan ni panginoon ng seal ang aming memorya upang walang sino man ang maaaring makapanghimasok sa aming iniisip at sa aming alaala.

"Pa-panong?"

"Just answer me? Where did you bring my father?" Nagniningas ang kaniyang mata habang nakatingin siya saakin.

Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa paglabas ni Krishzel ng kaniyang presensya. Her presence is suffocating because of its strong and powerful aura. Hindi ko makaya ang inilalabas niyang presensya dahilan upang makaramdam ako ng pangangatog ng tuhod ko at panghihina ng katawan ko.

"H-hin-di k-ko a-ala-m." Pinilit kong magsalita ngunit dahil sa panghihina ng katawan ko nautal ako sa mga salitang binitiwan ko.

Ngunit ng dahil doon ay mas naramdaman kong lumakas pa ang presensyang inilalabas ni Krishzel. Kitang kita ang galit sa kaniyang mata habang nakatitig siya saakin.

"TELL ME. WHERE DID YOU BRING MY FATHER?" inis niyang sigaw at saka naramdaman ko nalang ang sarili kong tumilapon at saka bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig.

Agad akong napasuka ng dugo dahil sa lakas ng impact na natamo ng katawan ko. Nagsimulang manlabo ang paningin ko ngunit bago pa ako mawalan ng ulirat ay naramdaman ko ang sarili kong parang may kumokontrol kaya wala na akong nagawa kundi ang sabihin ang nalalaman ko.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now