Chapter 33: Truth Unfold

4.6K 236 63
                                    

ATHENA'S P.O.V.

Dalawang araw na nang makalipas noong nalaman ko ang lahat nang nangyari habang natutulog ako at nasa ilalim ng isang sumpa.

At sa dalawang araw na iyon at hanggang ngayon ay naguguluha  parin ako dahil sa huling sinabi saakin ni Ate Shane. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako dahil sa sinabi niya saakin noon.

Sa dalawang araw na yun ay pumapasok parin naman ako pero hindi ko sila magawang pansinin kahit pa lagi ko silang kasama. Tanging si Ate Shane lang ang kaisa isa kong kinakausap dahil una palang naman ay pareho kaming naniniwala na walang ginagawang masama si Ate Krishzel at hindi niya kami trinatraydor.

Tuwing minsan na umiiyak ako ay lagi akong dinadamayan ni Ate Shane katulad nang laging ginagawa saakin ni Ate Krishzel.  Kinakausap ako ni Ate Shane upang maibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay at para maiwasan ko narin ang pag-iyak. Hindi niya ako iniiwan at lagi niyang pinaparamdam sakin na hindi ako nag-iisa.

At hanggang ngayon ay wala parin kaming ideya kung nasaan si Ate Krishzel ngunit pakiramdam ko na may alam si Ate Shane kung nasaan si Ate Krishzel pero hindi ko siya magawang tanungin tungkol dito.

Ngayon ay papunta kami sa office ni Headmistress Jem dahil may importante daw siyang sasabihin saamin. Magkakasama kaming pumunta dito gaya ng gusto ni Headmistress Jem pero tulad ng nakaraang mga araw ay hindi ko parin magawang kausapin sina Kuya.

Hindi na ako galit sa kanila pero naiinis parin ako dahil sa mga nagawa nila kay Ate Krishzel. I know na wala akong karapatang magalit pero dahil hindi ko pa rin nakikita si Ate Krishzel ay hindi ko maiwasang mainis sa kanila. I want to know kkung okay lang ba si Ate Krishzel ngayon o maayos na ba ang kalagayan niya. And after kong masiguro yun siguro huhupa narin ang inis ko sa kanila.

"Athena. You're spacing out again. Pasok na tayo kanina pa sila nakapasok sa loob." Natauhan ako nang magsalita si Ate Shane sa gilid ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng office ni Headmistress Jem at nakabukas narin ito.

"Sorry Ate Shane." Ngumiti lang siya saakin at hinila na ako papasok ng office ni Headmistress Jem.

Nakita namin silang nakaupo na sa sofa habang nakaupo narin si Headmistress Jem sa kaniyang upuan.

Agad kaming nagtungo doon at naupo. Magkatabi kami ni Ate Shane tulad ng nakagawian.

Seryoso lang na nakatingin saamin si Headmistress Jem kaya medyo kinabahan ako.

"It's good that you are all here. So we can start."

ASHTON'S P.O.V.

Seryosong nakatingin saamin si Headmistress Jem ngayon and I'm not comfortable with it. It seems like somethings gonna happen and I don't like the feeling.

Medyo mabigat rin ang atmosphere dito sa loob dahil sa sobrang seryoso ng lahat.

"Headmistress Jem, tungkol po ba saan ang sasabihin ninyo?" Kunot noong saad ni Hydra kay Headmistress Jem.

Isa isa kaming tiningnan ni Headmistress bago ito magsalita.

"Make sure that you already prepared yourselves." Makahulugan niyang saad saamin na nagbigay saamin ng kalituhan.

"What do you mean headmsitress Jem?" Saad ko sa kaniya.
Ngunit huminga muna ito ng malalim bago magsalita.

"It's all about Krishzel." Lahat kami ay napatingin kay Headmistress Jem.

At katulad ng dati ay nabuhay na naman ang galit ko kay Krishzel. I know that I hurt her so much but heck galit parin ako sa kaniya. She's a fucking traitor.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now