Chapter 35: Attack

4.5K 201 4
                                    

SOMEONE'S P.O.V.

"Ama, nabalitaan ng isa sa ating mga espiya na humihina na ang barrier na nakapalibot sa Emerald Academy. Isang mabuting sensyales ito." Saad ng aking anak na ngayon ay kakapasok lang sa aking kwarto.

Gumuhit ang ngiti saaking labi ng marinig ko ang sinabi ng aking anak.

"Azieneth, my princess. Mabuti naman at maganda na ngayon ang ibinalita mo saakin hindi tulad ng mga nakaraang mga araw. Papuntahin mo rito ang taong sinasabi mo."

Agad na tumugon ang aking anak at lumabas na saaking silid. Marahil ay upang sunduin ang aking inuutos.

Hahahahaha. Gemstone Kingdom malapit ko na kayong mapabagsak. At sisimulan ko iyon sa Emerald Academy. Matagal ko na itong napaghandaan kaya sisiguraduhin ko na magtatagumpay na ako.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok na si Azieneth kasama ang isang lalaki. Muli akong napangiti ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking tinutukoy ng anak ko.

"Ikaw pala. Bryan Gibson." Bungad kong saad sa kaniya at tumango ito saakin bilang paggalang.

"Tito. Nalaman ko sa magic council na humihina na ang barrier na nakapalibot sa academy. At sa palagay ko ay mabilis lang natin itong mapapasok kung susugurin man natin ito."

Napatango ako dahil sa sinabi niya ngunit may isang bagay pa na bumabagabag saakin.

"Ano ang kalagayan ng mga anak ng mga hari at reyna ng ibang kaharian? Pati ang babaeng sinasabi mo na malakas?"

Sandali siyang tumitig saakin at kaagad na gumuhit ang kaniyang ngiti.

Napangiti rin ako sa kaniya dahil alam ko na maganda ang lalabas mula sa kaniyang bibig.

"Tungkol po diyan Tito. May lamat po ang samahan ng mga Royalties. May kung anong bagay silang pinagtatalunan, samantalang ang anak ng Reyna ng Fyro kingdom ay parang sobrang lugmok ngayon. At ang babaeng tinutukoy kong malakas ay halos magdadalawang linggo nang wala sa Academy. Ayon sa sabi sabi ay pinatalsik daw ito ng magic Council dahil sa pagtratraydor."

"Kung ganon, maaari natin siyang magamit. Salamat." Saad ko sa kanila.

Tumugon sila saakin bago sila lumabas ng aking silid. Bukas na bukas lulusubin na namin ang Academy.

"HAHAHAHAHAHA. SIMULA NA NG PAGHIHIGANTI."

FARRAH'S P.O.V.

Isang araw na ang lumipas nang madala namin si Shane dito sa Hospital. At mabuti nalang at nagising rin siya kahapon. Kakalabas lang namin sa hospital kaya dumaretso na kami sa dorm ni Shane para ihatid siya. Nagpaiwan nalang siya saamin upang magpahinga kaya nagtungo nalang kami sa room para sa mga royalties.

The doctor said na wala silang makitang cause kung bakit nangyayari yun kay Shane.

Shane even told us that she already felt that kind of pain several times. Maraming beses nang nangyari sa kaniya iyon but still walang findings ang mga doctor even the highest rank doctor here.

Maybe kung nandito lang si Krishzel matutulungan niya si Shane. But she's not here anymore at kasalanan namin kung bakit nangyari yon. Naging padalos dalos kami sa kinikilos namin without asking her side. The accusations to her, and most especially the reason kung bakit siya nagsuffer ng sobra is because of us.

She treats us as her true friend but what we did to her is not acceptable. Sising sisi kami sa mga nagawa namin kay Krishzel. We even asked Headmsitress Jem's approval para makausap namin si Krishzel kahit saglit lang but then she refuse. Hindi siya pumayag but naiintindihan naman namin iyon.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now