Chapter 14: Three Second Attack

5.4K 239 9
                                    

KRISHZEL'S P.O.V.

Maganda ang naging laban nina Hydra at Farrah. Ganun din naman si Harry sobrang nagiging intense na ang nasa loob ng battle arena dahil sa init ng mga laban at ngayon ay sina Ashton na.

"Prince Ashton Gray Hudson from S-class versus Prince Andrew Willson from S-class."

Pagtawag ng emcee sa kanilang dalawa. Agad silang tumayo at nagtungo sa Stage.

Umayos ako ng pagkakaupo upang maayos ang panunuod ko. Lumayo kase ako sa pwesto kina Hydra dahil nabubwisit padin ako kay Ashton.

"Fire and Earth magic user versus Air Magic user."

Malaki ang chance na manalo ni Ashton dahil dalawa ang element na hawak niya unlike kay Andrew na iisa lang.

Nagsimula ang laban nila sa pamamagitan ng palitan ng atake sa isa't isa. Gumawa ng air tornado si Andrew samantalang ginamit ni Ashton ang lupa upang maiwasan ang atake.

Nagsummon ng fire pheonix si ashton kaya napilitan naring magsummon si Andrew ng Air Falcon.

Habang naglalaban sa itaas ang pheonix at falcon ay naglalaban din sa ibaba sina Andrew at Ashton.

Matagal tagal ang naging laban ng dalawa ngunit nang maubos ang oras ay ang naging resulta ng laban ay Draw.

Parehas din ang naging improvement nilang dalawa kaya agad silang bumalik sa pwesto nila. Makakarinig ka pa ng iba't ibang sigawan mula sa mga nanonood dahil sa pagkamangha sa laban nila.

Muling bumalik na nakangiti sa battle stage ang emcee. Maya maya ay may kinuha itong kulay dilaw na papel at binasa.

"And for this year special battle. Merong naglakas loob na humamon sa isa sa ating mga S-class." Bulung bulangan ang namayani sa loob ng arena dahil sa inannounce ng emcee.

"And we have a mixed team from X-class and S-class. Marish Flora, Crystal Hokkins, Nish Pappier form X-class and Jessica Rifold from S-class."

Naghiyawan ang mga nasa Arena nang nagpunta sa stage yung apat na feeler na yun. Jusko nakakaasar masyadong attention seeker.

"Galingan nyo Marish."

"Sure for the win na yan."

"Hoooo. Go go go."

Muling binasa ng emcee ang nasa papel kaya naman tumahimik ang buong Battle arena.

"And their request opponent from S-class is no other than Krishzel Vish Amethyst."

Agad na nagbulong bulangan sa loob ng arena dahil lang naman saakin.

"Pssshh suicidal lang ang gagawin niya pag tinanggap niya."

"Diba weak naman yan?"

"For sure panalo na sina Jessica."

"Diba sya yung kinalaban ni Marish nung first day."

"Diba yan Healer lang yan? Pano kakalaban yan?"

"Grabe yung nerd pa talaga ang kinalaban nila?"

Napansin kong dumarami na ang nagbubulungbulungan sa arena. Nakatingin nadin saakin sina Hydra, Farrah, Ashton, Andrew at Harry. Pati narin si Athena na tila naluluha na.

"So Ms. Amethyst will you accept their request?" Tanong ng emcee saakin ngunit hindi na ako nag-abala pa na sumagot dahil naglakad na ako pababa upang makapunta sa stage.

"Nababaliw na ba sya?"

"Tinatanggap niya ang hamon nina Marish?"

"Miss matatalo ka lang magback out ka na."

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now