Chapter 53: Beginning

4.2K 187 8
                                    

Krishzel's P.O.V.

"So, you mean na for the last few days, si Lucifer ang nasa trono at hindi si King Kieffer?" Kinakabahang tanong saakin ni Farrah at sinagot ko naman siya ng pagtango.

Naikwento ko na sa kanila ang buong pangyayari dahil sa muling pagbabalik ni Hydra. Mula sa pagpapanggap kong hindi ko sila nakikilala hanggang sa pagbuhay ko kay Hydra.

I know that I shouldn't kill Hydra from the first place but I need to do it para hindi makahalata ang mga nagmamanman saakin. Pero nang wala na ang mga nagmamanman saakin sa Academy at mapaalis na si Lucifer sa kingdom at si Daddy na ang muling nakaupo sa trono ay wala na akong dapat pang ipangamba.

Habang nakaupo kami ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto. Nasa head quarters kami ng mga royalties dahil nang malaman na ng lahat kung sino ba talaga ang Darkanian na nandito sa loob ay sinuspende na ang klase.

Tumayo si Harry at lumapit sa pinto at saka ito binuksan. Pinapasok niya ang isang babae sa loob at nagbigay galang saamin.

"Ahm. Pinapatawag po kayo ni Headmistress Jem sa office niya." Tumango kami sa kaniya bilang tugon at saka tumayo na mula sa aming pagkakaupo. Naunang lumabas ang ibang royalties kasama si Shane ngunit nang ako na ang lalabas ay pinigilan ako nang babaeng pinapasok ni Harry.

Napansin ko na wala na ang mga royalties sa labas marahil dahil nagawa na nilang magteleport patungo sa office ni Headmistress Jem sa tulong ni Hydra.

Kunot noo akong tumingin sa babae. Ngunit ikinumpas lang nito ang kaniyang kamay sa ere dahilan upang magsara ang pinto.

"Krishzel." Sambit niya saakin dahilan upang malito ako sa mga nangyayari.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya ngunit hindi ako nakatanggap ng kahit na anong sagot mula sa kaniya. Dumistansya siya saakin at saka ilang sandali pa ay biglang lumiwanag ang kaniyang katawan hanggang sa kabuuhan na niya ang lumiwanag dahilan upang mapapikit ako dahil sa pagkasilaw.

Nang maramdaman ko na wala na ang nakasisilaw na liwamag ay iminulat ko na ang mga mata ko saka ko nakita ang pigura ng isang dyosa na matagal nang naggagabay saakin

"Luna?" Seryoso lang siyang nakatingin saakin. Lumapit siyang muli saakin at saka daretsong tumingin saaking mata.

"Krishzel, any day or moment from now will be the beginning." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko matukoy kung ano ang pinupunto niya  ngunit ramdam ko na sobrang importante ang lahat ng kaniyang sasabihin..

"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya dahil wala akong kaide-ideya sa kaniyang sinasabi. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

"The beginning of the end will happen soon. You must ready yourself by this time and ready yourself because you will fight Lucifer and you need to end his Darkness." Para akong dinabol dahil sa sinabi niya saakin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagkabigla ko sa sinabi niya saakin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko at ang pagpapawis ng kamay ko.

Hindi ko inakala na ganito kaaga mangyayari ang lahat. May puwang saakin na natatakot ako dahil sa mga mahal ko sa buhay at sa kahihinatnan ng mga posibilidad na maaaring mangyari oras na magsimula na ang gera sa paggitan namin.

"B-but I t-thought hindi pa ngayon mangyayari ang bagay na iyon? Wala pang lumalabas sa propesiya diba?" Pagkukumpirma ko sa kaniya. Ngunit mabilis ang naging pag-iling niya saakin.

"Krishzel. Nagkakamali ka. Dahil kaninang umaga lang nagdeklara na ng laban si Lucifer sa pagitan ng dalawang panig. Kaya kinakailangan mong makapaghanda ngayon din. Dahil ano mang oras o araw ay maaari nang lumusob ang mga darkanians sa iba't ibang panig ng Gemstone Kingdom." Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan ko dahil sa mga sinabi niya saakin.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now