Chapter 38: Mortal World 1.2

4K 195 5
                                    

AUTHOR'S NOTE.
Hi dreamers.

In  this chapter I'll be using the side of Princess (new character/friend of krishzel from mortal world) to reveal the things about Krishzel. The krishzel of mortal world.

PRINCESS P.O.V.

"Please wag ka magpanic, wala kaming masamang intensyon kay Krishzel. We're just looking for her and then we need to talk to her." Seryosong saad saakin ni Farrah kaya napaayos ako ng pwesto.

Hindi naman ata masamang maghysterical diba hahahha. Bakit ba trip ko lang eh. OA na kung OA basta ang mahalaga ehh important.

"Okay okay. Saglit lang ha. Hinga lang ako ng konti." Umayos ako ng tayo at lumanghap ng fresh air ang kaso nga lang hindi fresh air ang nalanghap ko amoy usok ng sasakyan kaya napaubo ako ng bonga.

"Are you okay?" Tanong nila saakin kaya ngumiti nalang ako sa kanila ng medyo pilit. Hahahah. Ehh sa masakit pa lalamunan ko ehh.

"Eh ano kase. Baka pwedeng hindi tayo dito mag-usap alam nyo na masyadong maraming tao. Pagkakaguluhan nila tayo dahil sa pinag-uusapan natin eh."

Aangal pa sana sila pero wala narin silang nagawa dahil sa maganda ako. Hihihi. Dinala ko sila sa isang coffee shop at naupo kami sa pinakadulong parte para walang makarinig sa aming usapan. Syempre kailangang umiwas sa chismiss eh baka mabago pa ang kwento alam nyo naman ang mga chismosa uso ang dagdag bawas.

May lumapit saaming waiter at nag-intay kung ano ang oorderin namin.

"Milk tea lang po sakin." Nakangiti kong saad kay kuyang waiter at nag-intay pa sa order ng mga kasama ko.

"Oy. Anong bibilhin ninyo? Don't worry treat ko naman. Hahahha" nagkatinginan sila bago alinlangang tumingin saakin kaya napakunot naman ang noo ko.

May kumalabit sa tagiliran ko kaya napatingin ako dito.

"May problema ba Hydra girl?" Takang tanong ko sa kaniya at tumingin siya saakin ng alinlangan.

"Eh ano kase. We're not familiar sa foods dito."

Parang nalaglang ang panga ko dahil sa sinabi nila. My gosh nakakalito talaga tong mga taong to. San bang planeta to nanggaling at hindi manlang alam yung nasa menu.

"Ganun nalang siguro sa inorder mo. Mukhang matino naman atang kainin yun eh."

"Seryoso kayo? O pinagtritripan nyo lang ako. Nakakawindang kayo ha." Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanila. Napatingin nalang ako kay kuyang waiter at napangiwi.

"Kuya milk tea nalang din sa kanila. Ay pati pala pakisamahan na rin ng dalawang large hawaiian pizza. " Nahihiyang kong saad kay kuyang waiter. Agad naman itong umalis sa pwesto namin para kuhain ang aming order.

Tumingin naman ako sa kanila at nagtaka dahil lahat sila ay nakatungo.

"Hoy, bakit naman kayo nakatungo dyan? Ano to shy type lang ang peg?" Alin-langan silang nag-angat ng tingin saakin at umayos ng tayo.

"Pero seryoso lang ha kase maganda ako. Walang halong joke. Seryoso ba kayo na wala kayong alam sa mga foods dito? Kelan ba kayo pinanganak? Parang kapanahunan pa kayo ni kupongkupong kung wala kayong alam dyan ha. Ehhh mismong bata alam kakainin nila pag nasa ganito eh."

"H-hindi kase kami t-taga rito eh." Nauutal na sambit ni Hydra habang alinlangang nakatingin saakin.

"Okay okay. Sabi ko nga foreigner kayo. Pero diba may milk tea rin sa ibang bansa? Hayaan na nga nalilito na ako eh." Agad akong napailing ng bonga dahil sa naloloka na ako. Jusko hindi lang pala si Mommy ang mahirap kausap.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now