Chapter 29: Sorrow

4K 199 21
                                    

Hi Dreamers, thank you for reading and supporting my story. Just comment down your thoughts and please vote for the story. Love Lots.

KRISHZEL'S P.O.V.

Dalawang araw na ng masimulan ko ang pag-aalis ng sumpa kay Athena. Sa dalawang araw na yun ay naging abala ako sa pagpapagaling kay Athena kaya hindi na ako pumapasok sa klase. Kinausap ko narin naman si Headmistress Jem tungkol dito upang payagan niya akong hindi tumuloy sa mga klase ko at para narin mainform ang mga professor ko.

Tatlong araw ang kinakailangan ko upang tuluyang maalis ang sumpa at sa dalawang araw na nakalipas ay unti unti nang nawawala ang kapangyarihan ko at ngayon ang huling araw kung saan tuluyan nang mawawala ang kapangyarihan ko ngunit masaya ako dahil sigurado akong maiiligtas ko na ang buhay ni Athena.

Walang sino man ang maaaring pumasok sa kwarto kung nasaan si Athena dahil tiyak na agad silang mamawalan ng kapangyarihan. Oras na makalapit sila o makapasok sa kwarto kung nasaan si Athena ay tiyak na hihigupin ng mahikang nakapalibot kay Athena ang kapangyahiran ng sino mang lumapit dito.

Maliban saakin dahil paunti unti lamang nitong mahihigop ang kapangyarihan ko dahil sa paglalagay saakin ni Luna ng proteksyon upang mapabagal ang paghigop sa kapangyarihan ko. Kinakailangang tumagal ang kapangyarihan ko upang matapos ko ang ritwal ng sagayon ay mailigtas ko ang buhay ni Athena.

Flashback

Agad akong nagtungo kay Headmistress Jem upang kausapin siya patungkol sa gagawin kong ritwal kay Athena. I need her help para maipasara ang bahagi ng hospital kung nasaan si Athena dahil kung hindi ay tiyak maaapektuhan din sila nito.

Nang makapasok ako sa loob ng opisina niya ay walang paligoy ligoy kong sinabi sa kaniya ang nais ko.

"Headmistress Jem I need your help. Kailangang maipasara ang bahagi kung nasaan si Athena pati ang mga kalapit nito. Before I start the ritwal." Napakunot ang noo ni Headmistress Jem dahil sa sinabi ko ngunit agad din itong nakabawi.

"Yeah I know. Kaya nagawan ko na ng paraan iyan. I already transfer the other students sa ibang room na malayo sa kwarto ni Athena. At anytime you will perform the ritual I will put some protective barrier right away para wala nang ibang madamay pa." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Nagpapasalamat ako dahil tinutulungan niya ako kahit pa hindi siya sang-ayon sa gagawin ko.

"Thank you Headmistress. But can we please keep this as a secret between the two of us? Including Shane, because she knew everything about this." Napatango saakin at ngumiti.

Bigla naman akong nangamba nang maisip ko kung ano ang magiging reaction ng mga royalties tungkol dito.

"What about the royalties?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya kaya napatahimik din siya at nag-isip.

Ilang minuto muna siyang natahimik bago magsalita.

"Dont worry ako na ang bahala  sa kanila kakausapin ko nalang sila. Just keep doing what you need to do. Okay."

End of flashback

Walang sino man ang nakakaalam na nakakapasok ako dito. Lahat sila ay nagtataka kung bakit bawal pumasok dito, ang mga professor, students pati narin ang mga royalties. Madaming beses silang nagtangkang pumasok dito ngunit gaya ng sinabi sa saakin ni Headmistress Jem ay nilagyan niya ito ng protective barrier na kung saan ako lamang ang kaisa isang pwedeng makapasok dito.

Noong nagdaang araw ay sinabi saakin ni Shane ang tungkol sa sinabi sa kanila ng mga Royalties ni Headmistress Jem. She told me that

"Krishzel alam mo ba na sinabi samin ni headmistress jem na hindi daw kami pwedeng pumasok o lumapit manlang sa loob ng kwarto ni Athena. Lahat ng Royalties ay nagreact dahil sa hindi nila alam ang totoong nangyayari. Nagpumilit pa si Ashton na pumasok doon ngunit pinagbalaan ni Headmistress Jem si Asthon na sa oras na tumapak daw siya doon ay mamamatay siya. Sinabi ni Headmistress na lumalala na daw ang sumpa kay Athena gusto nilang malaman kung anong klaseng sumpa pero hindi na yon sinagot ni Headmistress Jem. At katulad ng bilin mo sakin wala akong pinagsabihan ng lahat ng nalalaman ko. Pero alam mo ba na galit na galit sayo si Ashton dahil ikaw ang sinisisi nila sa lahat ng nangyayari kay Athena. They keep on blaming you kahit wala ka namang ginagawang masama. I dont know why pero kahit anong gawin ko hindi naman sila naniniwala saakin."

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now