Chapter 10: Training

5.9K 245 8
                                    

Krishzel's P.O.V.

"Ate ikaw po ba si Krishzel?" Tanong ng isang batang babae na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.

Nandito ako ngayon sa garden na pinuntahan ko nung nalaman kong buhay pa ang parents ko at nung naging close kami ni Harrold.

Tiningnan ko muna siya ngunit hindi naman siya familiar saakin.

"Yes, ako nga. Why? Teka pano mo pala ako nakilala?" Takang tanong ko sa kaniya na sya namang ikinatuwa nitong batang ito.

If I will describe her maganda sya cute, red hair and maputi rin siya. May kahawig sya pero di ko lang alam kung sino I guess kilala ko naman yun siguro sa mukha lang.

"Mamaya ko nalang po ipapaliwanag. Can you please help me?" Takang tanong niya saakin habang hawak hawak niya ang kamay ko. Nagpuppy eyes pa sya. Grabe ang cute nitong bata na to.

Pwede ko kaya itong iuwe nalang? Hmmmm.  Hhahahhaha. Natawa nalang ako sa kalokohan na naisip ko bago ako sumagot.

"Sure, how can I help you little kid?" Nakita ko na nagliwanag ang mukha niya nang pumayag ako sa kagustuhan niya.

Tumingin muna siya saakin bago magsalita.

"Ate kase yung rabbit dun ohh may sugat kawawa naman. Kaya mo ba syang pagalingin?" Nag-aalalang sambit niya saakin.

Hindi pa ako nakakasagot ngunit hinila na niya ako sa may part kung nasaan ang rabbit na sinasabi niya.

Nang makita ko ang rabbit ay agad akong tumalima at binuhat ko ito. Malaki ang sugat nito sa katawan at umaagos rin ang dugo rito.

Nakakaawang tingnan ang rabbit kaya naman inumpisahan ko na itong pagalingin.

Inilapat ko ang kamay ko sa katawan ng rabbit at naglabas ng enerhiya na sapat lang upang pagalingin siya.

Unti unting lumiliit ang sugat sa katawan ng rabbit hanngang tuluyan na itong humilom.

Halos mapalundag sa tuwa ang batang babae na nagdala sakin dito.

"Thank you ate." Agad niyang kinuha saakin yung rabbit at niyakap ng sobrang higpit.

Nakakaawa yung rabbit kase halos mapisa na ito sa pagkakayakap ng bata.

"Oy grabe kakagaling palang nung rabbbit tas niyakap mo naman ng sobrang higpit. Hindi yan mamamatay sa sugat eh sa pagyakap mo ata mamamatay yan." Natatawa kong saad sa kaniya at gayun din ay tumawa siya.

Ibinaba niya ang rabbit sa may upuan ngunit laking gulat nalang namin na bigla itong naging tao.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHH"  sabay naming sigaw at nagyakap pa sa isa't isa.

"Oi, oi, oi.. pwede ba wag kayong sumigaw. Ang sakit sa tainga eh. Baka sumabog ang eardrums ko." Pagrereklamo niya saamin.

"Y-yung r-rabbit naging aso. Asong nagsasalita °○°" Natatakot na sambit ng batang kasama ko. Teka di ko pa kilala tong batang to ah..

"Pft....Hahahahhahahahahhaha. Aso...haahhahahah" bigla akong napatawa sa sinabi ng kasama ko. Grabe mapanlait.

"Hoy bata. Di ako aso. Tao ako T-A-O TAO. Sa gwapo kong ito sa aso pa talaga ako hinalintulad" Natawa naman ako sa inasal nilang dalawa. Hay nako..

Tumingin naman ito saakin sabay ngiti kaya naman ngumiti nalang din ako.

Di parin ako makamove on hanep na rabbit na yan..

"Ahmm.. thank you nga pala sa pagpapagaling sakin ha." Saad nito habang nakangiti.

"Walang anuman. Okay kana ba? Sino ka pala?"

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now