Chapter 58: "Disappointed"

69 17 0
                                    


Third Person's POV

Thursday morning...

Nag-impake na si Mateo ng mga gamit niya para sa pag-alis nila ng mommy niya sa Sunday para wala na siyang aalalahanin pag-uwi niya galing Laguna. isinabay niya na rin ang pang 2 days na damit na gagamitin sa pagpunta sa birthday celebration ni Angela dahil ayon dito ay overnight daw. Alam niya ang hotel resort na iyon na sinasabi nito. Nakapunta na silang magkakaklase roon dati noong mga high school pa sila.

"Son, are you sure babalik ka ha?" Tanong ni Louisa.

Nag-aalala siyang baka pag-attend nito sa birthday celebration ni Angela ay hindi na ito bumalik pa. Well hindi naman siguro ganoon ka-irresponsible ang anak para hindi ito tumupad sa usapan.

"Don't worry mom. You can check my luggage upstairs. Naka-ready na lahat ng gamit ko." Natatawa namang saad ni Mateo.

"Okay, fine. Naniniguro lang. Take care, son!"

"I'll go ahead, mom, bye." Malungkot na nasundan ng tingin ni Louisa ang anak.

Nakalulungkot isipin na lumaki itong hindi niya nakasama. Hindi katulad ni Matthew na nasubaybayan niya ang paglaki, alam niya ang mga ayaw at paboritong pagkain nito, pati na rin ang mga sizes nito mula sa t-shirt hanggang sapatos. Hindi naman niya ginustong mapalayo sa anak, kinailangan niya lang na sumunod sa asawa dahil sa lubos na galit nito kay Mateo sanhi ng pangyayari noon.










(Victoria's Resort and Hotel)

"Mat! I'm glad, you came!" Masayang bati ni Angela sa matalik na kaibigan pagkapasok nito sa hotel.


"Happy birthday!" Masayang bati rin ni Mateo sabay abot ng regalo at bulaklak.

"This is your key." Ani Angela at nakangiting  iniabot ang susi ng magiging silid ni Mateo sa hotel.

Pag-aari nila Angela ang buong hotel kasama na ang beach na naroon. Kaya naman naka-booked ang buong lugar para sa mga kaibigan at kakilalang inimbitahan niya para sa pagdiriwang ng kanyang birthday.












ROOM 303

Pagod na humilata sa malaki at malambot na kama si Mateo. Almost 3 hours din siya nagdrive papunta rito. Ayos na rin ito nang makapagrelax siya kahit papaano at makalimutan niya ang mga alalahanin niya sa buhay. Ipinangako niya sa sarili na magpapakalunod siya mamaya sa alak kasama ang mga dating kaklase. Inimbita raw kasi ni Angela ang mga ka-batch mate nila na malapit dito. Siguradong kasama roon sila Jake at iba pang ka-team mates nila noon sa basketball.

Natulog muna siya para may energy mamaya sa birthday party ni Angela. Ayon kasi rito ay beach disco party ang tema kaya siguradong maingay at masaya mamaya.



7:00 PM.. nagring ang cellphone ni Mateo, dahilan para ikagising niya. Kinapa niya ang cellphone at napabalikwas siya ng bangon nang makitang tumatawag si Angela. Shit! Napasarap ang tulog niya. Hindi niya namalayang gabi na pala. 8:00 PM pa naman ang start ng party ni Angela but of course marami na siguro ang mga bisitang naroroon.


Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Disco party at sa beach gaganapin kaya nagsuot lang siya ng polo shirt at hinayaan niyang nakabukas iyon dahil may sandong puti naman sa loob niyon. Sa pang-ibaba naman ay ripped jeans. Wala siyang balak na lumangoy kaya hindi siya nag-abala na magdala ng panligo. Hindi na siya lumalangoy. Matagal na noong mga bata pa sila ni Matthew at nangyari ang insidenteng iyon.


The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now