Chapter 48: "Heart beat...for Matthew"

76 20 1
                                    



Third Person's POV



(Bar)

Sunod-sunod na lagok sa kanyang shot glass ang ginawa ni Mateo. Hindi niya gustong malasing pero gusto niyang makalimot kahit saglit. Gusto niyang makalimot sa sakit na dulot ng dalawa kanina. At sa sakit na dulot ng nakaraan.

Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Totoong nagpunta siya roon kay Matthew para purihin ito at mag-iwan ng 'good luck' para sa competition nito next week. Ngunit ano ang ginawa niya? Ano ang mga salitang binitiwan niya kay Matthew dahilan para magalit ito?

Alam na alam niya na ayaw nitong nababanggit ang pangalan ng kababata. Nasasaktan ito at nagsisisi. Pero anong pumasok sa utak niya para galitin ito? Dahil ba kay Thiona? Sa isiping mas matimbang na ito sa puso ng dalaga? At kanina lang ay napatunayan niya iyon. Na tama ang hinala niya. Ito na ang laman ng puso ni Thiona. Ang babaeng mahal niya mula noon hanggang ngayon.

"Hinay-hinay lang, BF. Walang kasalanan ang alak na 'yan sa'yo." Saad ng isang babae at tumabi ito sa kanya.

Nilingon niya ito at napangiti siya. Si Angela.

"Long time no see! I'm glad to see you here." Saad ni Angela. Bakas sa mukha nito ang labis na saya sa pagkikita nilang iyon ng hindi sinasadya.

"Same here. Paano mo nalamang nandito ako?" Nakangiting turan ni Mateo, bagamat walang emosyong makikita sa mukha nito.

"Excuse me. I'm not your stalker, okay?" Nakatawang wika ni Angela.

"This is my favorite bar to hang out. Gladly napatingin ako sa'yo and I'm happy that it's you. My best friend!" Masaya pa ring turan ng dalaga.

Ngiti lang ang naging tugon ni Mateo. Pagkuwa'y muling uminom.

"Hmm.. kailan ka pa nakauwi ng Pinas? Are you with Matthew?"

Muling napalingon dito ang binata. Nagtataka ang mga tingin.

"How did you know?"

"Come on, Mat. Si Matthew lang naman ang palaging dahilan kung bakit ka naiinis or nagagalit para uminom. I know you!" Nakatawang saad nito.

Tumango-tango naman si Mateo. Talagang kilalang-kilala siya ng kababata niyang ito.

"May...nangyari ba? May ginawa nanaman ba s'ya at ikaw nanaman ang nahihirapan?" Out of concern ay tanong ni Angela.

Matagal bago nakasagot si Mateo. Waring tinatantiya niya kung sasabihin dito ang nangyari sa pagitan nila ng kapatid.

"Don't hesitate to tell me what happened, Mat. I know everything. Alam mo 'yan," nakangiting turan nito.

Malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Mateo bago ito nagsalita.

"I mentioned Bianca.. It pissed him off." Malungkot ang kislap sa mga matang saad ng binata.

Natigilan si Angela. Nawala ang sigla sa maganda nitong mukha. Inaasahan naman iyon ni Mateo.

"I'm sorry. I shouldn't tell you this," Ani Mateo na muling sinalinan ng alak ang baso niya.

"No. It's okay. Matagal na iyon, I have moved on already. I hope....ganoon din si Matthew, lalo ka na, Mat. You suffered a lot because of it." Malungkot na saad ni Angela.








(University Clinic)

Nalinis na ang sugat sa mukha ni Matthew. May band aid nga lang ang kanyang ilong. Naiilang siya sa pagtitig ni Thiona sa kanya. Kasalukuyan na silang nasa labas ng clinic.

"What? Nabawasan ba ang kaguwapuhan ko dahil sa band aid na ito?" Pilyo ang ngiti sa mga labi na saad ng binata. Umirap naman si Thiona rito.

"Nasaktan ka na nagagawa mo pang magbiro?" Ani Thiona.

"Malayo sa bituka ito, babe. Ang masakit, ito oh!" Turan ni Matthew sabay turo sa kaliwang dibdib nito.

"Ano? Bakit, sinuntok ka rin ba d'yan ni Mateo? Halika, ipatingin din natin iyan sa----" naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang yakapin ni Matthew.

"Masakit ito ng ilang araw dahil hindi kita nakita. Sobrang na-missed ka ng puso ko, Thiona." Malumanay na saad nito habang nakayakap sa kanya.

Hindi nakaimik si Thiona bagamat ang bilis ng tibok ng puso niya. Nahihiya siya na baka marinig nito ang malakas na pintig niyon kaya kumalas siya sa pagkakayakap nito.

"May...problema ba?" Malungkot na tanong ni Matthew.

Umiling lang naman si Thiona,  hindi alam ang sasabihin.

"Ahhmm.. I have to go Matt.. May usapan pa kami nila Ellah and Stacey tonight eh." Anang dalaga at tinalikuran na ang binata.

"Wait! Thiona.." napalingon si Thiona rito. Napahinto sa paglakad.

"Pwede ka ba on weekends? Saturday? Gusto ko sanang yayain ka na magdinner....date?" Saad ni Matthew na halatang alanganin, hindi kasi siya sigurado kung papayag ang dalaga sa paanyaya niya.

"S-Sure." Iyon lang at nagmamadali nang umalis si Thiona. Baka makita pa nito ang pamumula ng kanyang pisngi.





















LESSON: Marami sa atin, ibinabaling ang atensyon sa iba upang makalimot ang puso natin sa tunay na sinisigaw nito. Ngunit ingat lang dahil baka panandaliang atensyon lang ang hanap mo at kaya mong maibigay sa iba. baka at the end of the day, hanap-hanapin pa rin ng puso mo ang nag-iisang taong  tinitibok nito.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now