Chapter 74: "The Last Move"

59 17 0
                                    





Third Person's POV

Hindi namalayan ni Thiona na tumutulo na pala ang mga luha niya. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari at pinagdaanan ng kanyang first love. Buong akala niya noon ay hindi lang talaga maganda ang ugali nito kaya palaging nananakit ng damdamin ng mga babae lalo na sa kanya. Ang akala niya ay sinasadya siya nitong paasahin at pagkatapos ay sasaktan.

Ilang beses na siyang ni-reject nito at hindi siya aware na dahil pala iyon sa karamdaman nito.

"Hindi naging maayos ang adolescence period ni Mat. Ang iniisip niya noon ay lahat ng tao sa paligid niya sinisisi siya sa nangyari. Kaya pinaramdam ko sa kanya na wala akong nararamdamang galit sa kanya sa pagkamatay ng kapatid kong si Bianca.

Hindi niya naman kasalanan na unahing iligtas ang buhay ni Matthew kaysa kay Bianca eh. Nauunawaan ko iyon. At ginalang ko rin ang desisyon niya na pagtakpan ang kapatid niya. Kaya nung iniwan siya ng family niya, dinamayan ko siya. Hindi ko siya iniwan at pinaramdam ko sa kanya na may kaibigan siya na nakauunawa sa kanya. Sa pagiging suplado at mailap niya. Kaya kahit ayaw niya ay tinuring ko siyang best friend ko. At best friend niya." Napahikbi si Angela.

"Thiona, iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya tinatanggap ang mga letter na binibigay mo noon. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng ganoon dahil naaalala niya si Bianca." Mahabang salaysay ni Angela ngunit nananatiling pinid ang mga labi ni Thiona.

Nakikinig lamang siya sa mga sinasabi nito habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya.

"I hope nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. Ayokong manatili sa puso mo ang galit at hinanakit para sa kaibigan kong si Mateo. Napakabuti niyang kapatid. Wala siyang ibang iniisip kundi si Matthew. At kaya rin siya umalis ay dahil sa kambal niya. Dahil----" naputol ang sasabihin niya. Muntik na siyang madulas tungkol sa karamdaman ni Matthew.

"Dahil ano? Bakit?" Tanong ni Thiona sa pagitan ng pag-iyak.

Matagal na nag-isip si Angela bago sumagot. Siguro ay panahon na rin para malaman nito ang nararamdaman ng kaibigan niya para rito.

"Dahil nagparaya siya kay Matthew. Alam niya kung gaano ka kamahal ni Matthew. Pero Thiona, maniwala ka, mahal na mahal ka ni Mateo. Noong gumawa kami ng kalokohan ni Jake sa mga love letters mo, galit na galit s'ya. Sinugod n'ya si Jake at ako naman iniwasan n'ya.

Pero naisip niyang hindi ka n'ya kayang paligayahin kaya noong graduation inutusan niya ako na magpanggap na may something sa aming dalawa at iyon ang nakita mo noon. Pinakiusapan ko rin sila mommy na pakisamahan ng maayos si Mateo noong araw na 'yun para sa eksenang 'yun. And I'm very sorry, alam ko na nasaktan ka namin noon ng sobra." Naluluha na ring salaysay ni Angela.

"I'm sorry.... Hindi ko alam.. Wala akong alam!" Ang pag-iyak at nauwi sa hagulgol.

Napakasakit para kay Thiona ang mga natuklasan niya. Kung nasaktan siya ay mas triple pa pala ang sakit na naramdaman ni Mateo noon. Sarili niya lang ang inisip niya. Hindi niya inalam muna ang mga pinagdaanan o nararamdaman ng binata. And it breaks her heart.

Batid niya na wala na siyang pagkakataon na makabawi pa rito dahil nakatali na siya sa kambal nitong si Matthew.

"Angela....bakit ngayon lang?" Wika niya sa pagitan ng pag-iyak.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat? Matagal na ako naghahanap ng kasagutan kung bakit niya ginagawa sa akin iyon? Kung bakit niya ako palaging inaayawan at binabalewala!! Bakit, Angela?!" Puno ng hinanakit na saad niya.

"Dahil hindi siya papayag na malaman mo! Nakakababa iyon ng pride niya bilang lalaki, Thiona! At matatanggap mo pa rin ba siya kahit na may ganoon siyang karamdaman?!"

"Oo! Dahil mahal ko s'ya at matatanggap ko s'ya! Tutulungan at mamahalin ko s'ya buong buhay ko! Pero pinagkait n'yo sa akin iyon! Pinagkait n'yo!" Muling humagulgol ng pag-iyak si Thiona.

Nasasaktan talaga siya sa isiping wala manlang siyang nagawa para sa lalaking minamahal. Kung sana ay ipinilit niya pa rin ang sarili rito tulad  nang ginagawa niya noong high school sila. Pero ngayon ay huli na dahil wala na ito. At engaged na siya sa kambal nitong si Matthew.












Dali-daling lumabas ng sasakyan niya si Mateo. Masama ang kutob niya. Ano nanaman ba ang binabalak ni Angela? Kung anuman iyon ay sigurado siyang hindi iyon makabubuti para kay Thiona.

Nasa tapat na siya ng pinto nang marinig niya ang malakas na hagulgol ni Thiona. Agad niyang itinulak iyon at pumasok sa loob ng bahay.

Inalam niya ang address ni Angela mula kay George. At mabuti na lang talaga at sumunod siya sa dalaga dahil heto at umiiyak nanaman ito sa kagagawan ni Angela.


"Thiona! What did you do, Anne?!" Puno ng pag-aalalang nilapitan niya ang umiiyak na si Thiona.

Nakatakip ang mukha nito ng dalawang kamay nito at walang tigil iyon sa pag-iyak.

Masama ang tingin kay Angela na niyakap niya ang dalaga. Nagtatanong ang mga mata kung ano ang nangyari.

Pinunasan ni Angela ang luha at umiwas ng tingin sa kaibigan.

"Pakihatid na s'ya pauwi, Mat. Pagod na si Thiona at kailangan na niyang magpahinga." Saad ni Angela at tinalikuran na niya ang mga ito.

Patawarin mo 'ko, Mateo. Pero ito nalang ang huli kong magagawa para sa'yo. Habang hindi pa huli ang lahat at hindi pa sila nakakasal ng pinakamamahal mong kapatid!
Usal sa isip ni Angela habang naglalakad papalayo sa dalawa.























LESSON: Laging nasa huli ang pagsisisi. Batid ng lahat ang kasabihang iyan ngunit patuloy pa rin natin nakakalimutan. Prejudement is cruel. Huwag husgahan ang kapwa base lamang sa ipinapakita nito.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now