Chapter 60: "Sweet Dance"

68 16 0
                                    


Third Person's POV


Makapigil-hininga ang mga sandaling iyon para kay Mateo. Kasayaw niya ngayon ang babaeng kanyang minamahal. Magkayakap silang sumasabay sa romantikong tugtugin habang nagtititigan sa mga mata.

Ang lakas ng pintig ng puso niya. Pakiramdam niya ay dinig iyon ng dalaga dahil magkalapat ang kanilang mga katawan na gadangkal lang ang pagitan ng mga mukha. Nakayapos siya sa maliit nitong baywang at nakakapit naman ang dalawang braso nito sa batok niya.

Pigil na pigil niya ang sariling huwag halikan ang dalaga sapagkat sobrang ganda nito ngayong gabi. Wala itong kahit na anong make up pero sapat na ang natural nitong kagandahan para maakit siya rito. Idagdag pa ang napakahubog nitong katawan na maihahalintulad sa bote ng coca cola. Naka-one piece swimsuit lamang ito ngayon na kulay asul at bumagay iyon sa maputi at makinis nitong balat. hayyysss. Wala kang mahahanap na kapintasan nito kung sa itsura lang ang pagbabasehan at hindi ang katayuan sa buhay.

"Do you want to say something?" Maya-maya'y tanong ni Thiona. Hindi makasagot ang binata, waring nag-iisip ng mga salitang babagay para rito.

"Ang panget mo." Pagkuwa'y iyon ang lumabas sa bibig niya. Tumaas naman ang isang kilay ni Thiona.

Tumawa ng mahina si Mateo at hinapit pa ng mahigpit ang baywang ng dalaga.

"In opposite." Nakangiting saad ni Mateo. Natawa rin si Thiona.

"Hindi ka talaga marunong pumuri ng deretsahan eh, 'no?" Natatawang turan ni Thiona.

"What about me? Any word to describe me?" Nanunudyong tanong ng binata.

Ngumiti ng matamis si Thiona, pagkuwa'y inilapit ang bibig sa tainga ng binata.

"Napaka-gwapo at sobrang macho." Pabulong niyang saad dito. Kumunot naman ang noo ni Mateo.

Hays, Thiona! Ano bang ginagawa mo? Bakit parang ang bitch ng pagkakasabi mo sa kanya nu'n? At lumayo-layo ka nga sa kanya, ini-enjoy mo nanaman ang kuryenteng nanggagaling sa katawan ng lalaking 'to!


"May bago ba do'n?" Malokong tanong nito. Tumawa ng mahina ang dalaga.

"Papa ko may sabi no'n, hindi ako!" Sabay tawang saad ni Thiona. Ngumisi naman si Mateo.

"Well... Like father, like daughter. You two have the same taste, I guess." Confident na turan ng binata.

Tututol pa sana si Thiona nang may humila sa kanya mula sa pagkakayakap ni Mateo.

"Five minutes are enough, bro. Let me have my girl." Madiing saad ni Matthew at inakbayan pa nito si Thiona.

Gulat na napatitig si Thiona sa katabi. Napakasama ng timpla ng mukha nito. 

Shit! Nakalimutan ko si Matthew! Ang harot mo kasi, girl!


"I'm sorry." Mapagkumbabang turan ni Mateo at walang emosyong tumalikod sa kanila at umalis.

"Matthew! Ano 'yun? Pwede mo naman sabihin ng maayos. Besides hindi pa naman---" pinigil nito ang sasabihin niya na 'hindi pa naman sila'. Inilapat nito sa mga labi niya ang hintuturo nito at ngumiti ng matamis.


"My bad. Sorry. Hindi ko lang gusto ang sobrang pagkakadikit n'yong dalawa. May damdamin din ako, babe. Nagseselos ako."

Bakas sa kislap ng mga mata nito ang matinding paninibugho. Tila nakunsensya naman siya at nginitian niya ito. Maya-maya'y sila na ang magsasayaw nang biglang tumugtog ng rock! Sumigaw ang dj ng malakas sa microphone na "let's rock and roll with the birthday GIRL!!!"

Napakamot sa ulo si Matthew at natawa naman ng malakas si Thiona. Bakit kaybuti ng pagkakataon kay Mateo samantalang kabaligtaran naman sa kambal nito? Naiiling na naglakad na sila pabalik sa mga kasama.







"Ito ang iinumin ni Matthew, ha. Para sa kanya 'to." Turan ni Jake at inihiwalay ang isang baso ng beer na para raw kay Matthew.

"Ha? Bakit beer? Samantala tayo tequila at rum?" Takang tanong ni Stacey.

"Bawal daw s'ya uminom ng hard eh. So magtyaga s'ya sa beer." Paliwanag naman ni Jake.

"Pero nakita ko s'ya kanina na umiinom ng wine, okay naman siguro kahit----"

"No more buts na okay? Ah, basta ito ang iinumin ni Matthew. Maliwanag ba? Makinig ka sa bf mo!" Nakukunsuming saad ni Jake. Kinilig naman ang dalaga.

"Ayiiehhh.. so magbf na pala kayo gano'n?" Tatawa-tawang saad ni Ellah.

"Oo, sis, para matahimik na 'yan pero bukas break na kami." Ani Jake.

"So tabi tayo mamaya matulog?" Kinikilig at malanding turan naman ni Stacey. 

"Yaakkkk! Ayoko sa easy to get, layuan mo nga ako!" Naiiritang saad ni Jake. Tawa naman ng tawa si Ellah sa kapatid at kaibigan.

"Hey, ano 'yan may namumuo ng pagtitinginan ha?" Masayang sabat ni Thiona. Nakabalik na ito kasama si Matthew.

"In her dreams.." nakakunot-noong sabi ni Jake.

"Napakaarte mo, Jake! Akala mo kung sino kang gwapo! Jutay ka naman!" Nakasimangot na saad ni Stacey.

"Anong jutay? Pano mo nalaman? Nakita mo na? Daks to uy!" Sa inis ay napalakas ang pagkakasabi ni Jake noon. Napatingin naman sa kanya ang ibang kababaihang nakarinig at nagtawanan.

"Anong daks ka d'yan anong pruweba? Patingin muna?" Nanghahamon pang turan ni Stacey.

"Abat! Inuubos mo talaga ang pasensya ko ah!" Inis na sinunggaban ni Jake si Stacey ngunit umilag ito. Naghabulan ang dalawa hanggang sa makalayo.

"Sus, parang mga bata." Natatawang komento ni Thiona habang sinusundan ng tingin ang dalawa.

"Can I have a drink? Bigla akong nauhaw. Naiinggit ako sa dalawa, sobrang sweet." Ani Matthew at akmang magsasalin na ng rum sa baso.

"Wait, Matt! Ito raw iinumin mo oh. Beer kasi bawal sayo ang hard liquor." Ani Ellah sabay abot kay Matthew ng basong iyon na may beer.

"Bawal? Sabi nino?" Takang tanong ni Matthew.

"Sabi ko." Nakatawang tugon ni Thiona. Hindi niya p'wedeng sabihin na si Mateo ang may bilin niyon, baka lalong hindi ito sumunod. Nagtatakang ininom na lang iyon ni Matthew.















LESSON: Huwag maging makasarili.. Walang magandang maidudulot iyon lalo na kung pati tadhana ay salungat sa nararamdaman mo.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon