Chapter 81: "Kapag Napuno na ang Salop"

57 17 0
                                    


Third Persons's POV

"Hey, Ellah!!! I'm glad nakabalik ka na!!" Masayang salubong ni Stacey nang mapagbuksan sila nito ng pinto.

Kasalukuyan silang nasa apartment nito ngayon. Naroon din sina Jake at Angela. Nagyakap ang mga babaeng magkakaibigan. Habang sina Angela at Jake naman ay nagtataka ang mga matang nakatitig lang kay Matthew.

"Hmm... Hindi n'yo ba sasalubungin si Mateo? Ha, Jake? Angela? I thought you're close friends?" Wika ni Thiona nang mapansin ang natitigilang mga kaibigan nang makita si Matthew.

Nagkatinginan sina Jake at Angela. Paano nga ba nila sasalubungin si Matthew? Na hindi naman nila naging kaibigan at lalong hindi naka-close.

"Hey, bro! Welcome back!" Pilit ang ngiting turan ni Jake sabay tapik sa balikat ni Matthew. Ngumiti naman ang huli.

"We missed you, bff! Kamusta ka sa US? Long time no see!" Lumapit dito si Angela at niyakap. Matamis na ngiti naman ang naging tugon ni Matthew at gumanti ng yakap dito.

"Thanks. So let's have a celebration? My treat." Nakangiting saad ni Matthew na ikinagulat ng lahat.

Si Mateo? Nag-aaya ng celebration sa pagbalik nito? At magti-treat pa? Unbelievable.

"Sure! Mukhang binago ka ng pagtira mo sa Amerika, Mat ha! Let's go!" Na-excite namang wika ni Stacey.





(Karaoke Bar)

Dito sila dinala ni Matthew. Naka-VIP room sila. Masiglang kumakanta si Stacey. Hawak nito ang microphone at may pagsayaw pa habang kumakanta ng I Will Survive.

Natatawa namang pinanonood lang ito ni Thiona. Katabi niya ang nobyong si Mateo. Katabi naman ni Ellah si Matthew. Napaka-awkward ng sitwasyon para sa magkapatid.

Alam ni Matthew na dapat ay siya ang katabi ngayon ng nobyang si Thiona. Ngunit heto at si Ellah lang ang matiyagang nakikipag-usap sa kanya.

"Babe, hindi okay ang pakiramdam mo kanina pa hindi ba? Huwag ka ng uminom ng alak." Pagpigil ni Mateo nang akmang kukuha ng alak na maiinom si Thiona.

"Okay fine. Juice na lang ang iinumin ko. Sabi mo eh!" Nakangiting saad naman ni Thiona at masuyong tumitig sa nobyo.

"Okay. I'll get you something to drink." Malambing na iniwanan muna niya ng smack kiss ang dalaga bago tumayo.

"Babe! I want mango juice, please?" Naglalambing na pahabol pa ni Thiona.

"Sure, babe. Wait for me." Nakangiting lumabas na ng VIP room si Mateo upang um-order ng juice na request ng pinkamamahal niyang si Thiona.

Matamang tinititigan ni Matthew ang nobya. Bakit kaysaya nito at napaka-clingy sa kanyang kapatid na si Mateo? Siya ba bilang si Matthew ang nasa isip nito as fiance at kasama nito? O tuluyan ng nahulog ang loob nito sa kambal niya?

Nasasaktan siya sa isiping iyon. And right at this moment ay gusto na niyang yakapin ito at halikan.

Hindi nakapagpigil si Matthew. Walang anu-ano'y nilapitan niya si Thiona at tumabi rito. Sa mismong p'westo kanina ni Mateo.

"Babe! I mean.... Thiona." Nagtataka ang mga matang napalingon dito ang dalaga.

"Hmm, yes?" Ani Thiona.

"Kamusta ka? Matagal tayong......hindi nagkita." Nakangiting turan ni Matthew. Gumanti naman ng ngiti rito si Thiona.

"I'm great. Happy and contented with....him." Ani Thiona na tila sinadyang hindi magbanggit ng pangalan.

Lumamlam naman ang mga mata ni Matthew sa narinig. Nalulungkot at nasasaktan siya sa sinabi ng dalaga. Si Mateo bilang Matthew ba ang tinutukoy nito? O ito bilang totoong Mateo?

"I missed you." Madamdaming saad ni Matthew na titig na titig sa mga mata ng dalaga. Hindi alam ni Thiona kung ano ang magiging reaksyon.

Nagkatinginan ang dalawa. Sina Jake at Angela. Natigilan naman sa pagkanta si Stacey.


"Ahmmm... M-Matt, mukhang lasing ka na at----" naputol ang sasabihin ni Thiona nang bigla siyang kabigin ni Matthew at siniil ng halik sa mga labi.

Gulantang ang tatlo sa nasaksihan. Sabay na napabulyaw ang dalawang ikakasal.

"Mateo!" Sigaw ni Stacey

"Matthew!" Sigaw naman ni Jake.

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos.

Biglang naitulak ni Thiona ang binata at sinampal sa kaliwang pisngi.  Simula nang magpaangkin siya sa nobyo ay pinangako niya sa sariling wala ng sinuman kahit na kapatid pa nito ang makakahalik o makakahawak sa kanya.

Gimbal si Ellah, dali-dali nitong nilapitan si Matthew. Si Thiona naman ay walang sabi-sabing lumabas ng silid na iyon at patakbong tinungo ang cr. Nakasalubong pa niya si Mateo sa hallway.

"Babe? What's wrong?" Takang turan ni Mateo pagkakitang nagmamadaling tumakbo ang dalaga papalayo ngunit walang tugon mula rito.

Agad itong bumalik sa VIP ROOM para malaman kung ano ang nangyari. Naabutan niyang nakahawak sa kaliwang dibdib si Matthew at nag-aalalang inaalalayan ito ni Ellah. Sina Angela, Jake, at Stacey naman ay hindi malaman ang gagawin.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni Mateo. Walang sumasagot sa kanila.

Padaskol na tumayo si Matthew at tinitigan ng matalim ang kapatid.

"I want her back! Do you hear me? I want my fiancee back!" Pagkuwa'y galit na wika ni Matthew.

Matagal na naghari ang katahimikan bago nagsalita si Mateo.

"Matthew, you know what? Hindi isang laruan si Thiona para pagpasa-pasahan nating dalawa!" Galit na galit na saad ni Mateo.

Tuluyan nang nasagad ang pasensya niya sa kapatid niyang si Matthew.






















LESSON: Ang babaeng minamahal ay hindi isang laruan na biglang iiwan, ipapasa sa iba at pagkatapos ay biglang babawiin. Tao 'yan na may damdamin at emosyon. Hindi dapat pinagpapasa-pasahan.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now