Chapter 99: "The Gift"

59 13 8
                                    

Third Person's POV

"Are you happy, my love?" Tanong ni Mateo habang masuyong nakatitig kay Thiona.

"Yes. Very much." Nakangiti rin na tugon niya.

Napakasaya niya ngayong asawa na niya ang lalaking ito na lubos niyang pinakamamahal.

Niyakap siya ng mahigpit ng asawa. Mahigpit na tila ayaw na siyang pakawalan pa. Maya-maya'y naramdaman niya na namamasa ang kanyang kaliwang balikat. Tila mga luha iyon ng asawa. Umiiyak ba ito?

"M-Mahal, ayos ka lang ba?" Tanong ni Thiona habang nakayakap pa rin sa asawa.

Hindi niya masilayan ang mukha nito dahil nakasubsob siya sa malapad nitong dibdib.

"Sobrang saya ko ngayong alam ko na masaya ka na. Na hindi ka na muling luluha pa. Masaya ako na tama ang naging desisyon ko, babe. Ang palayain ka para sa kapatid ko."

Kumunot ang noo ni Thiona sa sinabi nito.

Desisyon? Palayain? Anong ibig niyang sabihin?

"Mahal? Anong sinasabi mo?"

Unti-unti siyang kumalas mula sa pagkakayakap ng asawa.

"I'm glad you're happy now, babe. Aalis akong mapayapa. Salamat sa mga panahong binigyan mo ako ng atensyon at halaga. Paalam."

Nakangiti ngunit lumuluhang saad nito.

"M-Matthew...?" Nauutal na turan ni Thiona.

Napansin niya ang unti-unting paglabo nito. Tila isang elementong hinihigop kung saan.

"Matthew.... Hindi, huwag kang umalis!"

Ngunit  patuloy ito sa paglisan. Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ni Thiona.

"Matthew!!!"

Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid na iyon mula sa natutulog na si Thiona. Agad na lumapit dito ang asawang si Mateo.

"Mahal! I'm here."

Masuyo itong tumabi sa kanyang higaan at hinaplos ang luhaan niyang pisngi.

Kunot ang noong tinitigan ito ni Thiona.

"Mat, nasaan si Matthew? Nasaan siya?!" Sa pagitan ng pag-iyak ay tanong ni Thiona.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon