Chapter 66: "I'm Back"

66 15 0
                                    



Third Person's POV

5 years later....

"Ano maganda rito, girl? Do you think bagay sa akin ang dress na'to?" Masayang tanong ni Stacey sa kaibigang si Thiona habang nagtitingin sa brochure.

Kasalukuyan silang nasa apartment ni Stacey ngayon at pinapunta siya nito para tulungang mamili ng wedding dress na babagay dito.

"Yes." Matipid na tugon ni Thiona.

"Eh, itong isang ito?" Tanong ulit ni Stacey, sabay turo ng isa pang dress.

"Yes. Bagay din 'yan." Tugon muli ni Thiona kahit hindi naman tumingin o sumulyap sa tinurong dress nito.

Tinitigan ng masama ni Stacey ang kaibigan pagkuwa'y padabog na ibinaba ang hawak na brochure. Napalingon naman dito si Thiona.

"Seriously? Nagpunta ka pa rito eh hindi mo naman ako iniintindi! Nakatuon ang buong atensyon mo d'yan sa phone mo eh!" Pasumbat na saad ni Stacey at parang batang humalukipkip at nag-pout.

Napangiti naman si Thiona sa inasal nito. 26 years old na ay childish pa rin talaga umasta itong GF nya.

"Girl... Don't get mad, okay? Bagay naman kasi sa'yo lahat 'yan kaya kahit ano d'yan okay lang eh." Masuyong nilambing niya naman ito.

"Weh? Di nga? Inuuto mo lang ako eh. Hanggang ngayon ba hindi pa rin tumatawag 'yang fiance mo? Aba ikakasal na lang ako't lahat hindi pa rin nakakauwi 'yan ah." Iritang turan ni Stacey.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Thiona at napasulyap sa kaliwang kamay na may nakasuot na engagement ring. Bakit ba kasi wala pa rin ang fiance niya? Almost 2 months na ang nakakalipas mula ng mag-business trip ito papuntang US.

"Baka naman tuluyan na 'yang umuwi sa kanila at hindi ka na babalikan pa?" Pabirong saad ni Stacey. Tiningnan niya naman ito ng masama.

"Ano ka ba naman, girl. H'wag ka magsalita ng ganyan." Nalulungkot na turan ni Thiona.

"Sus eh bakit kasi sa US din ang business trip niya? Eh 'di ba doon nakatira ang buong family n'ya?" Dugtong pa ni Stacey.

"Of course naroon din kasi ang ibang business nila. So malamang doon din ang lipad n'ya." Pagtatanggol niya pa sa kasintahan.

"Fine. Basta tulungan mo na ako at nahihirapan na talaga akong mamili rito." Binalik ni Stacey ang atensyon sa brochure. Nakitingin naman si Thiona rito.

Nang biglang magbeep ang cellphone niya. May nagtext.

"Wait, girl." Agad niyang tiningnan iyon. Pero hindi niya kilala ang number. Hindi naka-register sa kanyang phone.

"Sino 'yan? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Stacey nang mapansing namutla ang kaibigan nang buksan nito ang message.

I'm back.

Ang bilis ng kabog ng puso niya sa nabasang text message na iyon.

Sino 'to? Nagbalik na ba.....siya?

Ewan niya pero biglang pumasok sa isip niya ang kanyang first love. Si Mateo Luis.

Ang tinititigan niyang text message ay nawala nang biglang magring iyon at lumabas ang pangalan ni Jake sa caller Id. Agad niya iyong sinagot.

"Thiona, your fiance is back! Punta ka na rito sa office n'ya now na." Ani Jake sa excited na tinig.

"So siya yung nagtext?" Thiona asked.

"Yes. Punta ka na ha."

"Eh bakit text lang? Bakit 'di s'ya tumawag? At bakit iba na ang number niya?" Sunod-sunod na tanong ni Thiona sa kaibigan.

"I don't know. Pumunta ka nalang dito at tanungin mo s'ya. Bye!" Iyon lang and Jake cut the call.

"He's back. Bye girl, see you later!" Nagmamadaling paalam ni Thiona sa kaibigan at agad nang umalis.

"Huy, wait!" Naiwang naiinis si Stacey.

Mas priority n'ya talaga jowa nya jeez!

Thiona is very excited while driving her car. And she doesn't know why.

Bakit nga ba siya excited na makita si Matthew ngayon? Sanay naman siyang nag-aabroad ito para sa business at umuuwi rin after a month. Ewan. Basta excited siya.

Noong nagtext 'to kanina hind niya maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang nag-init bigla ang mga mata niya. Dahil ba ngayon lang umabot ng 2 months ang pagkawala nito? Nangungulila na siya rito? Basta, binilisan niya na lang ang pagmamaneho.

Flight attendant na siya ngayon. Sila ni Stacey. At nakabili na rin siya ng sarili nilang bahay ng papa niya. Pinatigil na niya itong magtrabaho, siya naman ang nagpo-provide para sa ama at masaya siya na bilang anak ay nakakabawi na siya sa lahat ng sakripisyo nito mula pa ng sanggol siya hanggang paglaki niya.

Ganoon din si Stacey, maayos na ang buhay nito ngayon at nakatira sa malaking apartment. Bibili rin sana ito ng bahay pero ayaw ni Jake. Katwiran nito ay may bahay naman siya bakit bibili pa ang nobya at ikakasal naman na sila.


Yes. Ikakasal na ang dalawang iyon. Finally sa dinamirami ng kaartehan ni Jake ay na-inlove rin ito kay Stacey. Ikaw ba naman ang habul-habulin ng ilang taon ay kung hindi mahulog ang loob mo. Well maybe they are really meant for each other at sobrang saya ni Thiona para sa dalawa.

Si Ellah naman ay wala pa ring bf until now. Ewan niya ba roon sa best friend niyang iyon masyadong pihikan. Bukod kay Jake ay si Matthew lang ang ka-close nitong lalaki. Minsan nga binibiro nila na tomboy ito eh. Tinatawanan lang naman sila. Pero masyado itong nagpapakadalubhasa sa pagiging doktor kaya wala na masyadong time para sa kanila. Nauunawaan naman nila ito dahil hindi ganoon kadali ang profession nito. 


Pagka-park niya ng sasakyan ay dire-deretso siya sa elevator at paakyat sa 18th floor, office ni Matthew na katabi ng office ni Jake. Ito kasi ang vice president ng kumpanya nila Matthew. Hindi niya alam kung bakit doon nagtrabaho si Jake samantalang inis ito sa kanyang nobyo. Obvious naman iyon.

"Hi, ma'am Thiona!" Masiglang bati ng secretary sa labas ng office ni Matthew.

"Is he there already?" Nakangiting tanong niya rito. Tumango ito. Alam na ang tinutukoy niya ay ang fiance.

Binuksan niya ang pinto, walang katok-katok. Sanay naman siyang ganoon kapag nagpupunta sa opisina ng kasintahan eh.

Nakita niyang nakaupo ng patagilid si Matthew sa mesa nito at may binabasang documents.

Hey! Bakit parang sobrang gwapo naman ng babe ko ngayon at napaka-magnetic ng aura?

Dahan-dahan siyang lumapit papunta sa direksyon nito at umikot sa kabilang side nito papunta sa likod nito.

Bigla niya itong sinunggaban at niyakap ng patalikod. Nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito and she rested her chin into his right shoulder.

"I miss you so much..." Pabulong na anas ni Thiona sa tainga nito.

Hindi agad nakakilos ang binata. Tila nanigas siya sa pagkakaupo at hindi alam ang gagawin. Bumilis ang kabog ng dibdib niya lalo na nang magsalita ito at tumama sa mukha niya ang mabangong hininga nito.


Damn! I miss this woman like crazy!
























LESSON: Mahirap pigilan ang pusong nagmamahal sa taong kanyang sinisinta. Ngunit mas mahirap pigilan ang pananabik sa taong tunay na tinitibok ng iyong pusong nangulila rito ng matagal.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon