Chapter 30: "Pakikipaglaro"

87 23 8
                                    


Third Person's POV



Buo na ang desisyon ni Thiona. Kailangan niyang makaganti. Paaasahin niya si Mat at pagkatapos ay ibabasahan.

"I'm ready," nakangiting turan ng dalaga habang nakatingin sa whole body size na salamin nila sa dorm.

Napakaganda niya sa navy blue na dress. Hapit iyon sa makurba niyang katawan. Kaakit-akit.

"Wow mukhang may lakad ang girl ko, ah?" Masayang saad ni Stacey pagpasok ng dorm, kakauwi lamang nito galing sa date nila ni Carl.

Ngumiti lang si Thiona, nagsuot na ng 3 inches heels na sandals niya, bumagay iyon sa dress niya. Mas lalong na-emphasize niyon ang magandang hubog ng legs niya.

"Gorgeous. S'werte naman ng ka-date mo. Hulaan ko ba kung sino? Hmmm.." kunwa'y nag-iisip pa si Stacey.

"It's Mat." Si Thiona na ang sumagot,  pagkuway kinuha ang hand bag at lumabas na ng pinto.

Naiwang natitigilan si Stacey. Ow? Akala ko ba ayaw nya kay Mr. Heartthrob? Todo paganda pa!  Takang bulalas sa isip ni Stacey.











Napanganga si Matthew nang makitang lumabas ng building si Thiona. Kayganda nito. Nakapusod ang mahabang buhok at naka-make up ng light. Nagtinginan din dito ang mga lalaking may hinihintay din sa labas ng girl's dormitory.

"Ready?" Nakangiting tanong ng binata at ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan.

"Let's go," ginantihan niya ng matamis na ngiti ang lalaki. Ito na ang simula,  Mat!

Habang-daan ay panay ang sulyap sa kanya ni Matt. Napapangiti na lang siya sa isiping naaakit niya ito sa simpleng pagpapaganda lang.

"What?" Maya-maya'y hindi nakatiis na tanong niya.

"I'm just wondering.. Anong meron at pumayag kang makipagdate?" Nakangiti pa ring saad nito.

"Date? Hmm.." Date mo mukha mo!

"Hindi ba?" Nawala ang ngiti sa mga labi ng binata.

"Pwede na rin." Pagkuway sabi niya. Natawa naman ito.

"Thank you. So saan mo gustong pumunta?" Nakangiti na muling tanong nito.

"Cozy.. bar," tugon niya. Nagulat ang binata.

"Are you sure? Cozy bar not cozy restaurant?" Matthew asked with excitement. Matamis na ngiti ang naging tugon ni Thiona.

Galingan mo ang pakikipaglaro, Thiona. Ipakita mong mas magaling ka na sa larong gusto niya.

Pumait ang ngiti sa mga labi ng dalaga nang nakatuon na ang atensyon ng binata sa pagmamaneho.

Whiskey ang alak na in-order ni Thiona. Gulat si Matthew, hindi niya akalain na umiinom ng hard liquor ang dalaga. Wine sana ang io-order niya para rito.

"Are you sure?" Takang tanong nito. 

Ngumiti lang siya at ininom na ang unang salin ng alak sa maliit na baso niya.

Nasundan na lamang siya ng tingin ni Matthew. What's wrong with this lady? Alam n'ya na ba ang totoo? Sinabi ba sa kanya ni Ellah?

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now