Chapter 8: "Last Attempt"

121 40 9
                                    

Thiona's POV

Heto nanaman ako. Nag-eeffort, ginagawa ang best para sa isang love letter. Siguro ito na ang huling love letter ko para sa Mateo ko. Kapag hindi n'ya pa 'to nabasa ewan ko nalang. So pang 99th letter ko na pala 'to ganun? Imagine that sa loob ng 5 years nakaka-ninety nine letters na ako sa supladong 'yun. And take note, Wala ni isa dun ang nabasa n'ya. Well who knows? Baka meron kahit isa. Kaso hindi e. Kung nabasa n'ya kahit isa sa mga L.L ko edi sana kami na ngayon. Napahagikgik ako sa naisip.

But, gosh, Thiona! For God's sake kailangan magtagumpay ka na ngayon okay? This will be the last. 1 week na lang graduation na ni Mat. Kumilos ka na.

Of course nang umagang iyon pinilit kong bumangon ng maaga kahit pa nga antok na antok pa ako. Wala naman na gagawin sa school e pero mas okay na rin yung papasok ako. At least makikita ko si Mateo ko.

Sumilip ako sa classroom nila Mateo. Kaunti pa lang ang mga students doon. Dalawa pa lang
Actually. Ang BOY-friend ko at ang best friend n'yang demonyita.

Excited akong pumasok ng classroom at lumapit sa desk ni Jake. Nakasubsob ang ulo nito sa desk at naka-earphone. Gigisingin ko ba?

"Bawal ang kusinera rito." Taas-kilay na sabi ni Angela.

Sus Angela pa man din ang pangalan mala-anghel, kabaligtaran naman ang ugali! Tingin sa aming mga COOKERY students kusinera? Ediwow.

"So? Pag-aari mo ba ang room na'to ha?" Nakaabrisyete pang tanong ko. 

Umirap lang ito pagkatapos ay itinuon na ang pansin sa librong binabasa. Inirapan ko rin s'ya. Tumingin ako kay Jake at tulog pa rin ito. Dahan-dahan kong tinanggal ang earphone niya sa tainga at sumigaw ako ng malakas sa tapat mismo ng left ear nya. 

Naalimpungatang biglang tayo si Jake at hinila ako. Hinapit niya ang baywang ko at nagkalapit ang mga katawan namin. Dalawang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Napatingin sa amin si Angela at ang mga students na papasok sa classroom na kaklase nila Jake.

"OMG! May bago ng bet si Thiona na classmate rin natin? Hindi na si Mateo?" Bulong ng isang lalaki sa kasama nito.

"Bilis naman. Binasted na ba s'ya ni Mat?" Sabay tawang sabi naman ng babaeng kausap nito.

Ilang segundong nagkatitigan kami ni Jake. Shocked ako e. Kaya di ako agad nakagalaw.

"Woah. Tingnan mo nga naman."

Sabi ni Angela at may biglang flash akong nabanaag. Tila kinuhanan kami nito ng larawan sa ganoong sitwasyon?

"Look, Mat, oh. Pinagpalit ka na ng avid fan mo." 

Tatawa-tawang sabi ng isa pang babae sa classroom na iyon. Ito at si Angela lang ang babae sa class 1A Ng STEM 12.

Sa narinig na pangalan ay tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Si Mat? Napatingin ako sa pinto at naroon nga si Mateo. Nakapamulsa ito at nakatutok ang paningin sa aming dalawa ni Jake. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Ngunit ang alam ko ay hindi maganda ang timpla ng mood nito. 

Bigla kong naitulak si Jake. Gulat at hindi rin makapag-react si Jake. Malamang ay nabigla rin ito sa nagawang paghila sa akin. Naalimpungatan lang naman kasi ito sa sigaw ko at hindi nito sinasadya.

"M-Mat... Hindi ko---" Magpapaliwanag sana ako sa Mateo ko pero itinaas n'ya ang kanang kamay n'ya. Hudyat na manahimik ako.

"Leave."

 Seryosong sabi nito at lumakad papunta sa desk nito. Seryoso pa rin ang ekspresyon na naupo ito at hindi na tumingin sa akin.

"Alis daw uy. Bingi ka ba, bitch?" 

Nakatawang sabi ni Angela na tila super saya sa isang salitang iyon na tinuran ni Mateo. Bumuntong-hininga ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na magsalita ng di maganda para insultuhin din si Angelang demonyita. Tawanan ang mga kaklase ni Mateo.

Sa tindi ng inis ko ay hinampas ko na lang ng malakas ang mesa ni Jake. Natahimik naman ang lahat. Pagkuway may humatak sa braso ko palabas ng silid na iyon.









"Ano ba, bitawan mo nga ako! Jake!" Gigil na sabi ko habang hinihila niya ako at kasalukuyang na kami naglalakad sa hallway.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit kaaga-aga mong nambubulahaw sa classroom namin?" 

Kunot-noong tanong ni Jake at binitawan na ang braso ko. Kagat-labing hinaplos ko ang kamay ko. Masakit. Hindi ang braso ko na hinila ni Jake kundi ang kamay ko na pinanghampas ko sa mesa nya.

"Ano, masakit?" Kinuha n'ya ang kamay ko at tiningnan iyon. Nakita n'ya na bahagyang namumula.

"Look what you've done, Thiona. Para kang batang bigla nalang nagwawala 'pag di makapagsalita." 

Naiiling at nakukunsuming sabi ni Jake habang hinahaplos ang palad ko. Hinila ko iyon at nilagay sa likod ko.

"Ikaw d'yan e. Tutulog-tulog ka kasi inaasar na nga ako ng demonyitang higad na 'yun!" Iritang sigaw ko.

"Oh, hinaan mo ang boses mo, wala ka sa teritoryo mo. Nasa Grade 12 building ka." 

Pigil niya sa paghisterikal ko. Oo nga naman. Kapag nasita ako roon ng mga grade 12 officers na corridor duty ay wala akong laban. Baka ma-guidance pa ako for loitering..

"So ano nga? Ano bang kailangan mo? Ako ba ang sinadya mo sa room o si... Mat?" Paniniguro nito.

"Si Mat. Sino pa ba?" Pairap na tugon ko. Sumimangot si Jake.

"E bakit ako ang binulahaw mo? Natutulog ang tao e. D'yan ka na nga!" Akmang aalis na ito pero hinila ko s'ya sa braso.

"Wait lang Jake. Please last na 'to." Sabi ko at iniabot sa kanya ang love letter na ginawa ko kagabi.

"99th?" Naiiling na tanong n'ya. Tama ba namang ipagdiinan pa n'ya na pang-99th na love letter ko na 'yun? Hays. Tumango ako. Kinuha n'ya iyon at tumalikod na.

"Thanks, Jake!" Nakangiting sabi ko.

Itinaas n'ya lang ang kaliwang palad n'ya habang nakatalikod at naglalakad na palayo. Bumuntong-hininga ako. That will be the last, Thiona. After n'yan at wala pa rin nangyari, ewan ko na lang.

















LESSON: Hindi kaduwagan ang pag-iwas sa gulo, lalo na kapag wala ka sa teritoryo mo. Piliin mo ang tamang lugar kung saan at kailan ka dapat lumaban.😇

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon