Chapter 53: "Twins' Mother"

69 18 0
                                    


Third Person's POV

(Sebastian Mansion)

"Hindi ako umuwi rito para makipagtitigan lang sa inyong dalawa!" Galit na sigaw ni Mrs. Luoisa Sebastian, ang mommy ng kambal.

Ang dami na kasing sinabi nito at ipinaliwanag tungkol sa problema ng kumpanya nila sa Amerika subalit walang tugon mula kina Mateo at Matthew. Nakatayo ang mommy nila habang palakad-lakad itong nagsasalaysay habang silang dalawa naman ay magkalayong nakaupo sa mahabang sofa na naroon sa kanilang sala.

"Ano? Ginagalit n'yo ba talaga ako? Asikasuhin n'yo na ang mga papeles ng pag-drop out n'yo sa university at sumama kayong umuwi sa akin next week!" Dugtong pa nito. Nanlaki ang mga mata ng kambal, lalo na si Matthew.

"Mom! Biglaan naman 'yan! Mag-iisang semester pa lang kami sa university, drop agad kami?" Parang batang nagmamaktol si Matthew.

Hindi niya gusto ang ideya na babalik ng US at mapapalayo kay Thiona. Ni hindi pa nga siya sinasagot nito. Paano kung pagbalik niya ay maagaw na ito ng iba?

"And graduating na kami next year mom, hindi ba pangit kung palipat-lipat kami ng university? Baka makaapekto sa records namin." Tutol din ni Mateo.

"So what?? Maliit na bagay lang 'yang mga pinuproblema n'yo! Sa ayaw at sa gusto n'yo, sasama kayo sa'kin pabalik sa US, NEXT WEEK!" anang ginang. Diniinan pa ang pagkakasabi sa dalawang huling kataga.

"No, mom, I won't leave!" Matigas na turan ni Matthew sabay tayo at tinalikuran na ang ina.

Umalis na ito at babalik sa university. Baka tapos na ang klase nila Thiona.

"Matthew!" Pasigaw na bigkas ni Luoisa sa anak. Ngunit tuloy-tuloy lamang ito sa pag-alis.

Bumaling ang tingin nito kay Mateo. Nagkibit-balikat naman ang binata.

"Sorry, mom, I'll stay here." Iyon lang at umalis na rin ito.

"Mateo!!!!" Ubod ng lakas na tawag nito sa isa pang anak ngunit hindi rin ito natinag. Walang lingon-lingon na umalis.

"Manang Celiaaaaa!!!!" Kunsumidong tawag nito sa mayordoma. Nagmamadali namang lumapit ang matanda.

"Ano ho iyon madam?" Magalang na tanong nito.

"May alam ka ba na pinagkakaabalahan ang kambal ko? I mean.. Dahilan para gustuhing manatili rito sa Pilipinas kaysa umuwi sa US?" Anito habang pinakakalma ang sarili.

Ganoon talaga katigas ang ulo ng dalawa niyang anak. Ngunit pag nagalit naman siya ay sumusunod na ang mga ito. Kaya nagtataka siya kung bakit nagpupumilit ang dalawa na mag-stay dito gayong naroon silang mga magulang ng mga ito sa Amerika.

Nag-isip muna si aling Celia bago sumagot.

"Ahh..madam sa pagkakaalam ko ho ang anak ninyong si Mateo ay may girl friend, dinala nga po niya rito ang magandang babaeng iyon eh." Saad ni Aling Celia.

Tumaas ang kilay ni Louisa. So may nagustuhan palang babae ang mailap at suplado niyang anak na iyon? Unbelievable!

"How about Matthew? Hindi ba't sinundan s'ya rito ni Mika? Kamusta silang dalawa?" Tanong pa nito.

"Nako, ang alam ko ho ay ayaw na ayaw ni Matthew sa batang iyon. Ang gusto niya ay ang girlfriend ni Mateo."

Dalawang kilay na ni Louisa ang napataas.

"What??! So they fell inlove with the same girl?" Naguguluhang tanong pa nito.

"Ang katunayan, wala ho akong masyadong alam sa personal na bagay tungkol sa kanila. Pero iyon lamang ho ang masasabi ko sa inyo, wala ng iba." Saad ni aling Celia.

Napabuntong-hininga naman si Louisa.

Walang masyadong alam pero alam niya nga ang love life ng kambal ko. Hay nako talaga itong si manang Celia! Nevermind. Ako na ang bahala sa lahat. Aalamin ko ang totoo at kikilalanin ko ang babaeng iyon! Sino ba s'ya para pag-agawan ng dalawa kong napaka-gwapong anak?!

Nagngingitngit ang kalooban na saad sa isip ni Louisa.





















LESSON: Ang isang desisyon para sa inyong pamilya ay pinag-uusapan dapat ng lahat. Hindi iyong ikaw lamang ang nagdedesisyon at pangungunahan ang pagpapasya ng iyong mga anak

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now