Chapter 45: "Poisonous Kiss"

73 19 2
                                    

Third Person's POV



(Basketball gym)

Tulalang nakatingin lamang si Mateo sa ring. Nakaupo siya sa isang sulok doon. Walang naglalaro, wala ring ibang tao. Gusto niyang mapag-isa. Nagi-guilty siya sa ginawa niya kay Thiona. Sa pagpilit dito na mag-apologize kay Mika. 

Pero talagang nagalit siya nang makitang nanakit nanaman si Thiona. Binilinan na niya ito noon na huwag mananakit ng kapwa. Walang magandang maidudulot ang pagiging bayolente. Hindi naman masama ang intensyon niya. Nag-aalala siya na palakihin ni Mika ang nangyaring iyon kung hindi hihingi ng tawad si Thiona. Kilala niya si Mika at ang mga kayang gawin nito. Malakas din ang kapit nito sa university.

Ilang buntong-hininga ang pinawalan niya. Nalulungkot siya para sa dalaga. Para sa babaeng mahal niya. Nasasaktan siya kapag nasasaktan ito ngunit alam niya naman na palaging siya ang dahilan kung bakit ito nasasaktan. Ang masaklap, wala siyang magawa.

"Nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap!" Malakas ang boses na saad ni Ellah. Kasama nito si Stacey.

Tumingin siya sa mga ito. Natatandaan niyang ito ang mga babae na kasama ni Thiona sa condong iyon kung saan naroon din si Jake noong isang araw.

"How dare you para pilitin ang best friend ko na magsorry sa malditang babaeng 'yon? Inalam mo ba muna ang nangyari? O ang dahilan ni Thiona kung bakit n'ya nasampal ang makapal na mukha ng fiancee mo?!" Wika pa ni Ellah, namumula ito sa galit. Hindi nakaimik si Mateo,  napayuko lang siya.

"Gano'n ba kababaw ang pagtingin mo sa kaibigan namin? Ha, Mateo? Pakinggan mo 'to!" Inilabas ni Ellah ang cellphone at ipinarinig sa binata ang record ng pag-uusap nila Mika at Thiona kahapon.

Nakalimutan kasi ni Thiona na tinawagan nga pala nito si Ellah at hindi niya alam na nakikinig ito sa kabilang linya. Naisipan ni Ellah na i-record ang usapang iyon ng dalawa dahil kinutuban siya ng hindi maganda.

Malungkot na napakuyom ng kamao si Mateo matapos marinig ang pang-iinsulto ni Mika kay Thiona at sa papa nito.

"Alam mo bang nililitis ang kaibigan namin sa disciplinary room ngayon?" Sabat ni Stacey. Napaangat ng tingin si Mateo rito.

"A-Ano? Nasaan s'ya?" Gulat na tanong nito.

"Ayaw ni Thiona na makialam kami ni Ellah. Pero gusto naming linisin ang pangalan n'ya. Hindi s'ya yung tipong mambubully at mananakit ng basta-basta lang! Ano ang pwede naming gawin, Mat? Kasalanan ito ng---" dugtong pa ni Stacey at naputol ang sasabihin nito nang walang anu-ano'y tumakbo palayo sa kanila ang binata. 

Nagulat pa si Ellah nang hablutin nito ang cellphone niya at dinala nito. Naiwang-nagkatinginan na lamang ang dalawa. Nagtataka at naguguluhan sa ikinilos ng binata.









(Disciplinary Room)

"Baka naman ho maaari pa nating pag-usapan ito? Mabuting bata at mag-aaral ang anak ko. Masyadong mabigat ang parusa na gusto ninyong ipataw gayong hindi naman natin alam ang pinagsimulan ng pangyayari." Malumanay ngunit bakas sa tinig nito ang galit para sa anak.

"Hindi alam? Paano natin malalaman, aber? Ni ayaw ngang magsalita n'yang anak mo! Anong mabuting bata? Ni hindi nga marunong humingi ng tawad 'yan!" Naghihimutok na sa galit na saad pa ng mommy ni Mika.

"Madam, ako na ho ang humihingi ng tawad sa pagsampal ng anak ko sa anak n'yo. Pero parang awa n'yo na, huwag n'yo namang----" pagsusumamo ng papa niya.

"Papa!" Nadurog ang puso ni Thiona bagamat napopoot iyon.

"Bakit kayo humihingi ng tawad? Si Mika dapat ang humingi ng tawad sa mga sinabi n'ya sakin! At deserved n'ya ang sampal na iyon!" Malakas na saad ni Thiona na ikinagimbal ng lahat. Lalo na ni Mildred na mommy ni Mika.

"Aba! ibang klase ka talagang bata ka ano!" galit na galit ito at napahampas pa sa mesa.

Biglang pumasok si Mateo sa silid na iyon, walang katok-katok. Napatingin ang lahat dito, kabilang si Thiona. Masama ang tinging ipinukol niya rito. Napakasama ng loob niya sa binata.

Walang sali-salitang lumapit ito kay Mika at kinuha ang braso niyon.

"Excuse us, please." Iyon lang at hinila na niya ang dalaga palabas ng silid na iyon.









"What? Pumunta ka ba para maging witness? Nakita mo kung paano n'ya ako sinampal, Luis. Please help me para maparusahan s'ya sa ginawa---" naputol ang sasabihin ni Mika nang magsalita si Mateo.

"Nakikiusap ako sa'yo, Mikky. Itigil mo na ito." Ani Mateo na nagtitimpi ng galit.

"Bakit ako ang titigil? Ako ang biktima rito! Ako ang nasaktan!" giit pa ni Mika ngunit biglang itinaas ni Mateo ang cellphone na hawak.

"Nandito ang katotohanan, Mika. Ang katotohanan na ikaw ang nagsimula ng gulo. Na inisulto mo si Thiona pati na rin ang papa n'ya! Tumigil ka na!" Galit nang saad ng binata bagamat hindi malakas ang boses niya.

Natameme si Mika. Pagkuway umismid.

"Ako pa rin ang nasaktan physically. Kahit saan pa kami makarating, nasa akin pa rin ang huling halakhak! idedemanda ko pa s'ya. Do you have idea kung gaano s'ya magsa-suffer? Ha, Luis? Ako lang ang nakakaalam!"

"Mika! Sumusobra ka na. Paano mong nagagawa ito sa dati mong kaibigan?" Nauubos na ang pasensya ni Mateo.

Lumabas ng silid na iyon si Thiona. Nakita iyon ni Mika dahil nakaharap siya sa pinto at nakatalikod naman si Mateo roon.

"Pero kaya kong patawarin ang dati kong kaibigan.. Sa isang kondisyon, Luis." ani Mika na mas lumapit pa sa binata. Pabulong lang ang pagkakasabi niya noon.

Matamang nakikinig lang binata. Kung may paraan pa para tigilan na nito si Thiona ay pakikinggan niya. At gagawin niya.

"Halikan mo'ko.. Luis." Pagkuway saad ni Mika. Nanlaki ang mga mata ni Mateo sa narinig.

"A-Ano?" Ngunit bago pa siya makaangal ay si Mika na mismo ang humila sa batok niya at hinalikan siya sa labi.

Saktong paglingon ni Thiona sa gawi nila ay iyon ang nasaksihan niya.
Manghang napatitig siya sa dalawa, pagkuway patakbong dinaanan ang mga ito at umiiyak na umalis.




















LESSON: Talagang ganyan ang buhay. May mayayaman, may mahihirap. May nakatataas, at may nasa ibaba. May makapangyarihan, at may mababang uri. Ngunit lagi mo lang tatandaan na kung nasa tama ka, ikaw ang magwawagi.  Basta huwag ka lamang gaganti. Alalahanin mo ang nakasaad sa biblia na ang mapagmataas ang ibinababa at ang mapagkumbaba ang itinataas.

The Sacrificial LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon