Chapter 95:"The Lonely Bride"

47 15 2
                                    



Thiona's POV

Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Walang makikitang kahit na anong emosyon sa aking mukha. Blangko ang mga matang walang kislap o sigla.

Kasalukuyang may nag-aayos ng aking mahabang buhok. Tapos na akong pintahan ng make up sa mukha pero pakiramdam ko hindi iyon nakatulong na bigyan ng buhay at kulay ang aking anyo. Nagmistula lang akong manyika na aayusan mo pero hindi magbabago ang ekspresyon ng mukha.

En-grande ang kasal. Hindi ko alam kung totoo iyon, narinig ko lang na usap-usapan ng tatlong beautician na nag-aayos at nagpapaganda sa akin.

Paano mangyayari iyon? Samantalang noong isang araw lang sinabi sa akin ni Matthew na ikakasal kami ngayon. Sa loob ng dalawang araw naasikaso na nilang lahat ang kasal namin? Ng ganito ka-bongga? Kaya ba wala ni isa sa mga kaibigan ko ang nagparamdam sa akin kahapon? Wala manlang nagtanong kung okay lang ba ako, or kung gusto ko bang mamatay na. Sabagay pabor nga iyon dahil nagkaroon kami ng pagkakataon ni Mateo na magkasama sa huling pagkakataon.

Anyway, wala akong kiber. Hindi ako interesado. Sa bagay, mayaman nga pala ang Sebastian Family at sa pamamagitan ng pera nila, kaya nilang gawin ang anumang imposible para maging posible. Nagawa nga nilang ipakasal ako sa paborito nilang anak na si Matthew 'di ba? Pero hindi dahil sa pera nila kundi dahil sa awa ko sa anak nilang may karamdaman.. at s'yempre mas lalong dahil sa anak nilang buong buhay ay nagdusa at nahirapan. Ayoko na dagdagan pa ang paghihirap niya. Ayoko ng masaktan at mahirapan pa ang kalooban mo, Mateo ko.

"Konting ngiti naman d'yan, best. It's your wedding day today." Pilit ang ngiti sa mga labing saad ni Ellah.

Nasa likuran ko s'ya ngayon at mula sa salamin ay mataman siyang nakatitig sa akin.

Si Ellah ang maid of honor ko. S'yempre siya ang best friend kong babae eh. Si Jake naman ang best man. I don't know why. Kailan pa ba sila naging close ni Matthew? Simula ng malaman nitong may sakit siya?

Alam kong pinipilit niya lang ngumiti dahil ayaw niyang ipahalata sa akin na nasasaktan siya. Nasasaktan ba siya para sa sitwasyon ko? Alam naman nilang lahat na napipilitan lang ako sa kasal na iyon.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Walang emosyong tanong ko.

Excited? Oo. Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Gusto ko ng matapos ang bangungot kong ito. Baka kinabukasan kapag nagising ako ay manhid na ako. Mas okay 'yun di ba? Para wala ng sakit, wala ng bigat sa pakiramdam.

"Hindi pa. Abala pa ang lahat sa simbahan. Besides, may bisita ka. But please, mangako ka sa akin na kakalma ka. Na hindi ka magagalit at magwawala. Okay?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ni Ellah. Sinong tao ba ang makakapagpagalit at makakapagpawala sa akin? Si Mateo ko ba?

Mula sa pagkakaharap ko sa salamin at pagkakaupo ay bigla akong napaharap sa gawi ni Ellah. Sa isiping si Mateo ang bisita ko ay tila lumukso ang puso ko at gustong kumawala nito mula sa dibdib ko.

Nagtama ang paningin namin ng tinutukoy ni Ellah na bisita ko. Long time no see? Ah hindi, kamakailan lang ay nagkita kami sa restaurant at tinawag niya akong tonta at walang hiya.

Anong ginagawa niya rito? Anong masamang hangin ang tumangay sa kanya patungo rito sa bahay namin ng papa ko?

"N-Nasaan si p-papa?" Hindi ko naiwasang gumaralgal ang boses ko. Hindi ako sanay na magsalita habang kaharap ang babaeng ito.

"Nauna na siya sa simbahan. Binilinan niya akong samahan ka at sumabay sa'yo papuntang simbahan. Hindi ko alam kung bakit, then... Kararating lang ni..." Hindi matukoy ni Ellah kung paano tatawagin ang ginang.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now