Chapter 32: "Ang Pagbalik ni Mateo"

79 20 0
                                    




Thiona's POV

Hindi ako makapaniwala. Ano 'tong nakikita ko? Bakit dalawa ang Mat? Baliw ba ako para palagi ko makita ang mukha niya kahit saan ako magpunta?

"Thiona... " napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Ang swimmer na nakasabit ang towel sa balikat nito. Nakalapit na pala ito sa amin ng hindi ko namamalayan.

Binalik ko ang tingin sa kaharap ko. Nakasumbrero ito pero hindi maipagkakaila na kapareho nito ng mukha ang swimmer.

"Anong... Ibig sabihin nito?" Madiing tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Gulong-gulo ang utak ko.

"Thiona.. Let me explain!" Nagsusumamong saad ng swimmer. 

Hindi ko alam kung paano sila pangalanan. Magkamukha sila.  Magkamukhang-magkamukha. Naguguluhan ako.

"Matthew, kilala mo s'ya?" Kunot-noong tanong ni Mateo.

Now I know na siya si Mateo at si Matthew ang swimmer base sa pagtawag nito roon. At ang boses nito, hinding-hind ko makakalimutan ang boses na iyon na palaging madiin kung magsalita at buong-buo. Napaka-masculine.

Hindi sumagot ang tinanong. Tumingin lang ito sa akin na parang nakagawa ng kasalanan at huling-huli sa akto.

"Bro, let me explain, okay?" Ani Matthew pero hindi ko na kaya.

Pakiwari ko ay sasabog ang utak ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko rin maintindihan ang puso ko, abnormal ang pagtibok niyon.

Mabilis akong tumakbo. Wala akong pakialam kung nakaharang sa daan si Mateo, binangga ko pa siya makadaan lang ako. Pero sa laki niyang lalaki para lang akong hangin na dumaan sa harapan niya.

Tumigil ako nang makarating ako sa labas. Nag-iiiyak ako. Hindi ko na napigilan. Ano ba kasi 'yun? Magkapatid ba sila? Kambal? So ang una kong nakilala sa campus ay hindi si Mateo? Kundi si Matthew? At ngayon lang talagang nagbalik si Mateo? Ano ba! Naguguluhan ako! Pinaglalaruan nila ako!

Ang iyak ko ay nauwi sa hagulgol.  Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga students na dumadaan sa hallway.

"Thiona!  What happened?" S'werte ko nalang at dumating ang best friend kong si Ellah. Yumakap ako sa kanya at nag-iiyak ako sa dibdib niya.

"Calm down, okay? Halika na sa kotse." Inakay niya ako papuntang parking lot, at isinakay sa sasakyan niya.

Swerte ko talaga to have Ellah. Siya ang laging nandyan kapag nasa worse state of mind ako. And now nandito nanaman ako sa condo niya at naglalabas ng sama ng loob.

I feel deceived! By that twin! Ang sama nila para paglaruan ang nararamdaman ko. Kinuwento ko kay Ellah ang nasaksihan ko at ang natuklasan ko na ang swimmer at sikat sa campus ay si Matthew at ang kanina ko lang nakita pero matagal ko ng kilala ay si Mateo.

So ngayon palang pala nalaman ni Thiona ang lahat? Hindi pa sinabi ni Matt noong nasa bar sila? Sa isiping iyon ay sumakit bigla ang ulo ni Ellah.

"So anong balak mo ngayon, best? Paano mo sila haharaping dalawa?" Tanong ni Ellah. Parang hindi naman siya nagulat sa kwento ko.

Bumuntong-hininga lang ako. Kalmado na ako. Tuyo na rin ang mata ko. Nailabas ko na lahat ng luha ko kanina pa habang nagda-drive si Ellah.

"Ano ba dapat? Eh di deadma! Ayoko na makipaglaro pa sa kanila. Ayoko ng maging parte pa sila ng buhay ko! I'm tired, best. Sobrang pagod na ako umiyak sa iisang tao. Ngayon dalawa pala. Pakiramdam ko imbes na ako ang gumanti, ako pa ang napaghigantihan ni Mateo sa pamamagitan ng kambal n'ya! Ano bang ginawa ko sa kanya? 'Di ba ako ang naloko? Ako ang pinaasa! Ako ang nasaktan! Bakit ako ang nahihirapan?" Mahabang litanya ko. Nakikinig lang si Ellah.

The Sacrificial LoveWhere stories live. Discover now